CHAPTER XXI.
HINDI niya kayang sagutin ang mga tanong nila kasi kung siya ang tatanungin ay hindi siya sigurado kung kaya niya bang bumalik sa North territory at maaalala ang masasaya, malungkot at nakakaguilty na mga tagpo sa buhay niya.
"Hola people!" Mabuti nalang at mukhang nakuha ng bagong dating ang atensyon ng mga kalalakihan.
"Bean--" Natigil sa pagsasalita ang Luna ng Soft Stone Pack o East Territory dahil hinawakan ni Klein.
"Bernardo, nahuli ka ata?" Tanong ni Alpha Klein.
"Napagod kasi ako kagabi kaya ang tagal kong magising." Saad ni Beanca.
" Why?" Napatingin silang lahat kay Giu dahil sa malamig nitong tanong. Napapansin niyang tila iba talaga ang pakikitungo nito kay Beanca.
" May kakwentuhan kasi ako kagabi Mayor." Sagot naman ni Beanca.
"Who?" Halos mapasinghap nalang siya habang nakikinig kay Giu. Bakit sa mga tanungan nito ay parang nagseselos ito na may kausap si Beanca na nakaayos na Bernardo ngayon?
"Kami Mayor." Sabat ni Dylan ng nakangiti. Bilib siya talaga sa lalaking ito, kung noon kasi ay malungkot ang mga mata nito taliwas iyon sa character ng lalaki ngayon.
" Mabuti at nandito ka na Bernardo. Kain ka din kasama namin." Umupo si Bernard katabi ni Norse habang siya naman ay nagumpisa ng sumubo.
"Binisita na ba kayo ulit ni Grandmy Lucia Luna Taylor?" Napatingin siya kay Taylor na napaisip din.
"Hindi pa nga eh. Marahil ay busy iyon sa konseho." Tumango kang din siya. Alam niya kasi na minsan lang umalis sa Council Haven si Grandmy dahil na din pinoprotektahan nito ang identity.
" Eat more." Napadako ang tingin niya kay Giu na nakahawak sa kamay niyang nakahawak sa kutsara.
"I'm almost full." Reklamo niya sa binata but he rolled his eyes at her. Teka, ginawa talaga iyon ni Giu?
"How can you hunt kung buto't balat ka?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki na siyang naghihimay ng isda na nasa plato niya. Ito na ngayon ang gumagalaw nun.
"I'm not buto't balat. Toned na nga iyong body ko eh." Sabi niya. He smirked at dinala ang kutsara sa bibig niya.
" Your petite. " Ibinuka niya ang bibig at sinimangutan ito. Petite na kung petite pero hangga't healthy naman ang katawan niya ay okay lang.
"Ikaw ayaw mong uminom ng dugo?" Hindi ito kumain sa plato na nasa harapan nito kaya marahil ay hindi nito type ang pagkain.
" Nah. Later." Isinubo nito ulit ang pagkain sa kanya.
" Eherm. Baby Norse subuan mo naman ang supling mo." Malambing at pilyong sabi ni Dylan.
Kinuha niya ang kutsara at siya na lang ang gumalaw sa kanyang pagkain. Bakit ba kasi kung umakto sila ni Giu ay parang may relasyon sila.
"Ano ba talaga kayo Giu at Sasa?" Hindi mapigilang tanong ng nagtatakang si Beanca.
Uminom muna siya ng tubig dahil mukhang si Giu naman ang sasagot nun.
"We're friends ---" Sagot ni Giu.
"With benefits?" Itchuserang tanong ni Dylan kaya napaubo tuloy siya na mas nasundan pa ng hagurin nito ang likod niya.
"We're close friends and she's an acquaintance." Sabi nito kay Beanca.
"Talaga Friends lang? Ayaw mo ng 'More-than-friends'?" Tanong ni Klein.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampirosGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...