PART 20

277 10 2
                                    

CHAPTER XX.

    BALAK sanang pumunta ni Sasa sa North territory para tignan ang kalagayan ni Giu pagkatapos ng appointment niya pero hindi na pala kailangan. Nandito kasi ang lalaki sa harap ng inn na inuupahan niya.

"G-giu? Ang aga mo ata." She asked startled. Inaamin niya, wala talaga siyang ideya na nasa labas si Giu at siguro kung hindi pa niya naisipan lumabas ay walang balak kumatok ang lalaki.

"Where are you going?" Tanong nito. This scene kinda looks familiar. Naaalala niya na nagpunta din si Giu sa barong- barong niya noon ng ganito kaaga.

"To the Alpha." Maikling sabi niya. Hindi niya maiwasan hagurin ng tingin ang itsura ni Giu ngayon. Naka- leather jacket, black jeans at black T-shirt. His long hair is neatly comb and styled.

Napaka- fresh ng aura ng lalaki na para bang aakyat ng ligaw. Teka ano?

"Why are you going to Klein?" Tanong nito matapos siyang tignan.Hindi niya mabasa ang emosyon ng lalaki dahil blangko ang mukha nito pero nahihimigan niya sa tinig ng lalaki ang paninibugho. Weird pero she just shrugged it. "Kasal na siya."

Dinagdagan pa nito ang sinabi kaya napataas tuloy ang kilay niya sa huling sinambit nito.

"I know. I attended their wedding remember?" Hindi niya maiwasan magmaldita sa lalaki dahil mukhang pinagiisipan siya nito ng masama.

"Sorry." Pero mas lalong napataas ang kilay niya at halos tumabingi ang kanyang ulo dahil sa tugon nito. He said 'sorry' at hindi lang iyon, mukhang sincere pa.

"Sorry dahil pinagisipan mo ako ng masama or sorry dahil patungo na doon ang isip mo?" She smiled a little. Kaswal lang ang pakikitungo niya dito kahit sa kaloob- looban niya ay gusto niyang huwag itong kausapin , sungitan at mag- inarte. Alam naman kasi niya na hindi siya nito gusto bilang Normalite and the last time they saw each other ay hindi maganda ang tagpo. Lalo na nung nagkahalikan pa sila, namula nalang siya sa hiya tuloy.

"Tsk. I never intended it that way. Gusto ko lang mag-sorry for my rude tone." Sabi nito and his face has still no emotion.

"Forgiven." Maikling sabi niya at lumabas. Napakalamig ng simoy ng hangin, madilim ang kalangitan at amoy na amoy niya kakaibang samyo ng kapaligiran. "Looks like it's gonna rain."

Tama lang pala na nagsuot siya ng boots, jeans at puting longsleeves. Itinali niya din ang buhok into a ponytail para hindi masyadong liparin ng hangin at tumabing sa kanyang mukha.

Nakapikit niyang sinambit ang kanyang hinuha at hindi man niya aminin ay nalulungkot pa rin siya kapag tag-ulan. Akala niya ay hindi siya nakita ni Giu habang dinadama ang kapaligiran pero ganun nalang ang sikdo ng puso niya ng makita itong titig na titig sa kanya habang nasa gilid niya ito.

"Eherm. Ikaw pala bakit ka naparito?" Tanong niya sa binata na nakatayo at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa.

"I'm bored." Muntik na siyang magtaas ng kilay. Mukha bang bahay aliwan ang kanyang tinutuluyang inn.

"Then go to clubs o kaya sa Arcade." Balewala niyang sabi.

" Nah. It's noisy there. " Maikling sabi nito habang nakatingin parin sa mukha niya.

" Hindi din tahimik sa loob ng inn dahil nandoon si Beanca at Tristan " Sabi niya dito. Pero muntik na niyang matutop ang kanyang bibig ng marealize niya ang nabanggit na pangalan.

"Who's Beanca? And you're not with Bernardo?" Tanong nito. Napakasosyal talaga ng accent ng binata pero she gathered herself dahil muntik na naman siyang matanga.

"M-my friend." Kinakabahan na sabi niya. "And Bernardo is inside too. Natutulog kasama si Tristan."

Nagiwas siya ng tingin kay Giu dahil hindi niya matagalan ang nanunuri nitong tingin.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon