CHAPTER XXXI.
NAGULAT man siya sa bagong mga dating ay parang nakatulong naman ang dalawang toh na ibalik sa katinuan ang kanyang kaisipan.
"How did you know that we're here?" Tanong niya sa dalawa na parang wala lang mga kalaban sa bawat dinadaanan. Mukhang na- enjoy pa nga ng mga ungas dahil halos kumaway na ang mga ito sa bawat blackguards na nakatanaw sa kanila.
"What a great entrance!" Sabi ni Norse.
"Nalaman kasi namin kay Alpha Klein na nagpunta si Mayor at halos maglupasay na sa bahay niya." Sabi naman ng tsismoso na si Dylan.
"Aside from that, sinabihan din kami ni Grandmy Lucia na tulungan kayo at ..." Napakamot si Norse sa kanyang kilay.
"Dalhin kami sa Council for the mess we've done." Tuloy ni Tristan.
"You're so talino kid!" Sabi ni Dylan. Yung mukha niya talaga ang parating masarap bangasan, palagi kasing nakangiti.
"Are we allowed to kill them?" Tanong ni Giu habang nakatingin kay Norse at Dylan.
"No. Ayon sa rules, dadakipin lang natin sila. We're like cops but we're directly working for the council." Sagot niya sa tanong ng lalaki dahil iyon ay ayon sa sinumpaan niyang tungkulin.
"But if worst comes to worst gaya kanina ... " Makahulugan akong tinignan ni Dylan na waring alam ang ginawa ko. " Ang Council ang huhusga if you're guilty or not."
Dinumbol ng kaba ang kanyang dibdib dahil alam niyang may kasalanan siya.
" Wala naman tayong sapat na selda para sa mga nilalang na ito." Sabi ni Beanca habang iginagala ang tingin sa paligid namin. "Ibig sabihin, this is an exemption."
Alam niyang nakangisi din si Tristan, meaning kasi nun ay this is a Free night.
"Let the fun begin!" Isang rouge ang nainip ata sa commercial nila at sumugod na mabilis na dinakma ng isang lobo. Nag- shift si Tristan sa kanyang Wolf form and so as Beanca.
"Ginanahan ata ang dalawa sa madugong bakbakan." Naibulong nalang niya samantalang nakita naman niya ang gulat sa mga mata ni Norse at Dylan.
"Akala ko ay hindi nakakapag- shift si Beanca " Sabi ni Norse.
"Akala ko half blood siya at tanging lakas lang ng wolf ang taglay niya." Sabi ni Dylan.
Kinuha niya ang kanyang katana at latigo.
'No more holding back'
"Bakit ba 'Beanca' kayo ng 'Beanca'? Are you referring to Bernardo?" Tumingin siya kila Norse at Dylan na napatingin din sa kanya dahil sa tanong ni Giu. Ang mga ulupong ay sabay sabay pang tinawanan ang Vampire Mayor.
"Yes Giu, He's a she. " Maikling sabi niya habang hindi nakatingin sa binata. Marupok kasi ang puso niya at hindi kayang makita na naguguluhan si Giu.
"Nagpapanggap siyang lalaki?" Naguguluhan pa rin na tanong ni Giu.
" No bro! He's a male na gusto at nagpapanggap na babae." Nakangising sabi ni Norse.
Inis niyang hinila gamit ang latigo ang isang Rouge at tinusok ito gamit ang kanyang katana. Mga daing, ungol at pagkapunit ng balat lang maririnig ng mga oras na iyon. Pero parang may mali, parang kay dali lang nila na manalo.
"Bakit Sasa?" Napalingon siya kay Dylan na siyang pinakamalapit sa kanya. Nakikipaglaban ito gamit ang kamay. Half vampire ito kaya malakas.
"Nakakapagtaka lang kasi dahil parang ang dali lang natin manalo, to think that they're in greater number."
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampirosGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...