PART 16

273 8 0
                                    

CHAPTER XVI.

  
    IN HER twenty two years of living ay ito na sana ang pinakahihintay niyang araw at ni Alba.

"Wala ka bang planong magpakita sa kanila hija?" Tanong ni Grandmy habang nasa likod niya ito.

Nasa Centro sila ng mga oras na iyon para magpunta sa Council at para sa opisyal na pagtanggap niya sa pagiging Huntress for her training to begin.

"Mas mabuti ng isipin nila na kasabay akong nawala ni Alberto." Dahil ang Sasa na mahina ay tuluyan naman na talagang kasama na namatay ni Alba.

"I don't want them to know too na ako ang Huntress. I want to be a faceless protector." Nakikita niya sa mga mukha ng kamag- aral na ngayon din magtatapos ang saya taliwas sa mukha niyang malungkot.

"Tatapusin ba natin ang seremonya bago pumunta sa Council Haven Grandmy?" Tanong ni Beanca.

"Kung---" Humarap siya kay Beanca at Grandmy.

"Tayo na po." Yaya niya. Tinignan siya ni Beanca na para bang nagsisisi pero nginitian niya ito ng tipid.

"Bakit hija hindi mo hihintayin na tawagin ang pangalan mo?" Tanong ni Grandmy. Iniling niya ang ulo.

"Wala din naman po yung halaga. Wala akong balak kunin ang medalyon ko." Sabi niya. Malungkot na napabuntong hininga si Grandmy bago lumapit sa kanya at hinapit siya sa katawan nito.

"Proud na proud ako sa tibay mo Sasa." Bulong nito. Kung siguro nandito ang Mamí at Dada niya ay ganun din ang sasabihin ng mga ito. Tapos magsasaya sila ni Albert dahil sa wakas ay kaya na nilang gawin lahat ng plano nila.

"Pasensya na Grandmy." Pinunasan niya agad ang luha dahil nakakahiya at nahulog pa iyon sa damit ni Grandmy.

"Wala lang iyan Hija." Kinuha nito ng masuyo ang kanyang kamay at hinaplos ang kanyang buhok. "Aigoo~ look at you. All grown up and beautiful."

Yinakap siya nito at tinapik tapik sa likod.

" Magpalakas ka hija. Pagsubok lang ito." Naramdaman niya ang pagkumpas ni Grandmy at sa isang iglap ay nasa malawak na harapan na sila ng Council Haven.

What really is Grandmy? Bakit nagagawa nito iyon?

Taka siyang napabitaw sa kanyang Abuela na nakangiti lang sa kanya at kay Beanca na nakatingin sa harapan.

"B-beanca?!" May nadala ba silang ibang tao? Bakit?

"Ahhh!" Napasigaw din ito habang tinitignan ang sariling refleksyon sa marmol na sahig ng Council Haven. "I- I'm back to my old self."

Nawala kasi ang mahaba nitong buhok at ang dress nito ay napalitan ng jeans nalang. Nakahubad- baro ito at kung hindi magsasalita ay lalaking- lalaki ito.

Mas napagtuunan niya ng pansin si Beanca na anyong lalaki na ngayon kaya hindi niya namalayan na nawala na pala sa gilid niya si Grandmy Lucia.

Napailing nalang siya at tinignan ang malaking establishment na nasa harapan. Kulay puti ito lahat mula sa statues, bulaklak at pintura. She wonders kung kulay puti din ba ang nasa loob.

Maraming puting paruparo ang nagsimulang magkumpulan sa labas ng pintuan ng Council Haven na kulay puti parin. Isang metro lang ang layo niya sa pintuan kaya kitang kita niya kung paano lumabas ang paruparo sa nakasarang pinto.

"H-how?" Hindi makapaniwala niyang bulong. Sa mga nilalang sa Hearth ay wala pa siyang nakikita na kayang lumusot sa isang bagay.

Unti- unting may binuong pigura ang mga paruparo at nagliwanag kaya napatakip tuloy siya sa mga mata dahil nakakasilaw ito.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon