CHAPTER VIII.
MATAPOS ang digmaan noon sa Hearth ay may natirang limang pamilya nalang sa bawat lahi. Ngunit sa paglipas ng bawat henerasyon ay hindi na napapanatili ang pagiisa ng purong lahi kaya mayroong mga halfbloods."Ayos ka lang ba Giu?" Nag-aalalang tanong niya sa binata. Namumula kasi ang sulok ng mga mata nito.
"O-oo naman." Sagot nito kaya ipinagsawalang bahala nalang niya ang napansin.
" Tapos na po naming ibenta Mang Cardo. " Imporma niya sa matandang lalaki.
"O sige na at humayo na kayo dahil baka gabihin kayo sa daan. Hindi ko na naman kayo mapipilit na kunin ang aking bayad sa inyong pagtulong." Napailing nalang siya. Ayaw niyang tanggapin ang bayad nito dahil alam niyang nangangailangan din ang lalaki.
"O sige po. Mauuna na kami." Hinawakan niya sa braso si Giu na sobrang tahimik.
"Naabutan na tayo ng hapon, pasensya na Future Mayor!" May himig ng biro na sabi niya kaso ng lingunin niya ang lalaki at parang maiiyak na ito habang nakatingin sa isang half Werewolf na kumakain.
"Gutom ka na ba?" Tanong niya. Umiiling ito kaya mas lalo siyang nagtaka. "Bakit tila iiyak ka na?"
Hindi niya mapigilang tanong. Bumuntong hininga muna ang lalaki bago tumingin sa kanya.
"Naaawa ako." Tinignan niya muna ang lalaking tinignan nito kanina bago pabalik sa bampirang kaharap.
"Naawa ka sa kanya? Dahil ba ang taba taba niya at may mga hikaw sa taenga?" Nagtataka niyang tanong. Kung naaawa nga ito sa lalaki kung ganun ay magkaiba pala sila ng taste.
Tinignan siya nito na para bang siya ang pinaka- weird na nilalang sa Hearth.
"Nope. I'm not pitying the guy , it's the fish." At lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa harapan nuong Half Werewolf. Madami kasing buto ng isda.
Sa nakitang simpatya ng lalaki sa isda ay hindi niya tuloy maiwasan matawa. Iyong malakas na halakhak na halos buong populasyon ng pamilihan ay titingin sa kanya. Medyo may kababawan nga ang kaligayan niya.
Nakita niya na parang napapahiya na si Giu pero hindi niya talaga mapigilan. Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking kinakaawaan ang isda kapag kinakain.
"H- hey. S-stop. T- they're looking at you weirdly. " Naramdaman niya ang paghawak sa kanya ng malamig na kamay ni Giu at ilang segundo pa ay naramdaman niya ang hampas ng hangin.
Mukhang ginamit nito ang kakayahan na tumakbo ng mabilis para maalis sila sa pamilihan at maiwasan ang atensyon ng mga dumadaan. Ngayon ay nakarating na sila sa daanan patungo sa kanyang bahay ng isang minuto lang. Ang bilis ata kompara sa nilakad nila kanina.
"So- sorry." Natatawa pa rin niyang sabi. Sobrang seryoso ni Giu kaya medyo nahiya siya at tuluyan ng namatay ang kanyang aliw. "Galit ka ba?"
Napakamot tuloy siya sa kanyang kilay. Paano na ito? mukhang nagalit nga si Giu.
"Nope. I'm not mad. I'm just" Napakamot din ito sa likod ng ulo. "Embarrassed."
"Dahil ba tinawanan kita?" Medyo naguilty naman daw siya. Hindi deserve ng lalaki na pagtawanan ng isang Normalite na kagaya niya. Dapat nga ay iginalang niya ito dahil mas mayaman at makapangyarihan ito sa kanya. "Pasensya na. Nakakatuwa ka kasi."
Nakayuko siya at hindi makatingin sa mata ng lalaki. Paano pala kung galit ito sa kanya?
"Ang liit kasi ng mga isda para kainin." Napaangat ang kanyang tingin sa lalaki. "Kung malalaking isda ay okay lang pero kawawa kasi ang maliliit."
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
Про вампировGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...