PART 14

231 5 0
                                    

CHAPTER XIV.

    A FLOWER is a beautiful and helpful living thing.
Although once the winter came it has no choice,
but to wither and lose its dame.
It must have been lonely for the stem, left alive for a new summer to begin.

"I've always dreamt of being able to do this to myself." Napangiti nalang siya at napailing kay Alba. Nilalagyan nito ng kolorete ang kanyang mukha para sa sayawan sa kanilang school.

"Edi gawin mo sa sarili." Sabi niya. Her friend is awesome, nagmumukha siyang tao.

"If only I can see myself in a mirror." Malungkot na sabi nito. "Vampires don't have reflection."

"Why? Nabubuhay ka naman at nakakausap kita." Nagtataka niyang tanong.

"Mirrors are said to reflect a creatures' soul but our souls are sold to the Underground Goddess. " And that means?

" Wala kaming kaluluwa. We're like empty vials." He stared at the mirror sadly. Nahawa siya salungkot ng kaibigan kaya yinakap niya ito.

"I do wonder, Kapag kaya namatay ako ay makikita ko ang kaluluwa mo sa other life? Magtatagpo pa kaya ang landas natin?" Tanong nito habang nakatitig sa kanya ang malamlam nitong mga mata. He has a sad smile in his face and slowly he disappears.

"Alba? Alberto?!" Gusto niyang sumigaw pero natatalo siya sa sakit na kanyang nararamdaman. Para ba siyang binablatan ng buhay.

She can't think straight at isang puting liwanag ang papalapit sa kanya. It's getting bigger and bigger at mukhang lalamunin siya nito. She wanted to escape pero hindi siya makagalaw so she just let herself be enveloped by the blinding light.

"Hindi ko hahayaan na mawala ang batang tinuring ko ng anak." Nakakarinig siya ng boses ng isang lalaki. Pangmatanda ito but she can't see him. "Not under my eyes your highness."

"

Very well." May kausap ba ito? Nasaan siya at bakit napakasakit ng kanyang katawan na sagad sa kaluluwa.

"Sleep tight child. You'll face greater challenges when you wake up." Narinig niyang masuyong bulong ng kung sino. Isang tinig ng babae at nararamdaman niyang hinahawakan siya nito.

'Don't leave!' Gusto niyang isatinig pero nawala na ang nilalang na iyon. Her caress is soothing parang haplos ng isang ina, pamilya.

Pamilya.

Isang butil ang nalaglag sa kanyang mga mata as a scene appears to her mind. Slowly tormenting her brain and heart.

"Alberto." Nasambit niya. Slowly her senses came back. Nakakaramdam, nakakaamoy at nagagalaw niya na ang kanyang kamay.

Sa kaunting lakas ay unti- unti niyang binuksan ang kanyang mata. She dreamt of her friend's death.

It's fake right?

"Sasa, hija?" Unti- unti niyang ibinaling ang tingin sa nagsalita. She silently hope nasi Alba ang unang sasalubong sa kanya. Just like the old times kapag binabangungot siya.

"Pa- pana-ginip lang po iyon diba?" Tinignan siya ni Mang Cardo ng malungkot making her lose her little hope and sanity. Unti- unting dumaloy ang kanyang luha na lumaon ay naging hikbi. "Hindi pa patay si Alba diba?"

Sinubukan niyang bumangon, na mabilis lang sana dahil nakatagilid siya, pero tinalo siya ng kanyang likod. It's so painful na para bang hinahampas at sinasaksak siya ng paulit- ulit bilang paalala sa mga nangyari.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon