CHAPTER II.
[A/N: Pasilip sa ating bampira. Napoproblema iyan dahil kay Mordecai. Tsk.tsk. Bagets pa si Mayor diyan ☝☝]
***
MAG- ISA siyang naglalakad papasok sa Hearth Central University ngayon sapagkat may bonding session si Alberto at ang Mamá nito kaya lumiban muna.
"Ang aga mo ata Sasa?" Bati sa kanya ng isang halfblood na security guard. Ngumiti siya.
"May gagawin pa po kasi ako sa library." Nakangiting sabi niya. Matagal na ang guard na iyon dito sa paaralan at sa lahat ng half blood creatures ay ito ang nagpapatunay na hindi sila lahat masama.
Pagkapasok niya sa field palang ay marami na agad ang mga estudyante sa H.C.U. Mayroong Normalites sa gilid, iyong hindi na halos mapansin na lugar dahil nasa sulok ng grounds pero kakaunti lang ang bilang.
Dumiretso agad siya sa Eastwing ng eskwelahan dahil doon ang kanyang dadaanan. Pagkaliko palang niya sa madilim na Hallway papunta sa silid aklatan ay sinalubong na agad siya ng isang Nerd na half blood. Marami itong dalang libro at may malaking bag pa. May makapal na salamin at buhaghag ang kulot na buhok na halos mas malaki pa ang buhok keysa maliit nitong mukha.
" Sasa pakihatid nito sa library." Padabog nitong sabi na ikinaangat ng kilay niya. Hindi niya kilala ang babae pero kung makautos ito sa kanya ay parang alila lang siya.
"Kilala mo ako?" Nagugulat niyang tanong. Ipinatong nito sa kanyang kamay ang limang mabibigat at makakapal na libro.
The girl in front of her scoffed.
"Kilala ka kaya ng lahat dito. Ikaw lang naman kasi ang pinakamahirap na Normalite na mag- aaral dito. And not to mention there only a hundred of Normalite students here." A hundred of mga alila kamo.
"Bakit ako ang uutusan mo? Narating mo na ang pinto ng Library ipasok mo nalang." Ayaw niya na namang makarinig ng pang- aalipusta kahit ngayong araw lang kaya pinalambot niya ang tinig. Kahit pa sa totoo lang ay gusto na talaga niyang sigawan ang babaeng tila amo niya kung umasta.
"May gagawin pa kasi ako at gusto lang kitang utusan. Wala akong makita na ibang Normalite eh." Mataray na saad ng babae na malaking nunal pa malapit sa bibig at may kinakain na damo.
She sighed. Ayaw na niyang patulan kasi hindi din naman siya mananalo. She's brave but sometimes courage is not enough bara baguhin ang saradong isip ng mga tao.
"May sasabihin ka pa? Aalis na ako. Ingatan mo iyan ha at ibigay ito sa Librarian." At umalis ito. Wala man lang pasalamat. She gripped the paper hard. Minsan naiisip niya na kaya siguro hindi ngfi- fit in at nababagay average o tuktok man sa Food chain ang gaya niya dahil wala namang nagtangka na lumaban. Not even their ancestors, ng malaman siguro na Normalite sila ay tsaka nalang nagpaalipin sa ibang lahi.
"S-sige." Kaunting tiis nalang Sasa. Makakawala karin sa tanikala.
Ang ibang mga Normalite sa Hearth ay nawalan na ng ganang mag- aral. Nagtatrabaho nalang sila para makaahon sa araw araw at sabi nga ng kasabihan nila 'hinihintay na lang mawala sila sa Hearth upang makahulagpos sa pait na naranasan nila'.
"Napakabigat naman ng pasanin ko ngayon." She make it sound simple pero sa kanya double ang meaning noon.
Tanggap naman talaga niya na hindi sila nagsa- shine sa society hindi gaya ng mga nasa taas ng Chains, pero kung kailan naman tanggap na nila ito ay tsaka naman sila pinapahirapan ng nakapaligid.
Hinihingal siya na nakarating sa library. Bukas na ang pinto nito , salamat naman. Ang laki pa naman ng metal nitong pintuan at may mabibigat pa siyang. Hindi na kaya ng mahina at ng buto niyang marutupok.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...