PART 4

350 11 0
                                    

CHAPTER IV.

[ A/N: Kunware po ay ganyan kaganda ang falls wokey?]

***

   MANGHANG tinignan ni Sasa ang paligid sa loob ng kagubatan na iyon. Malawak at may mayayabong na mga puno at talaga namang napakadilim ng paligid. Tinatakpan talaga ng mga nagtataasang mga puno ang liwanag. Napakatahimik pa, gaya rin ng katahimikan sa paligid nila kanina habang kumakain siya.

Silent pero hindi naman nakakailang.

"Kaya pala gusto mo dito manirahan, hindi ka masisilaw sa araw." Sabi niya.

"I saw this when I was in my teen years at nagustuhan ko talaga. I dreamt of making an abode here. Malayo sa pressure and all." He said.

"Pressured ka pala? But I can't see tiredness in your eyes." O baka nageechos lang siya at hindi lang niya talaga mahulaan ang iniisip ng binata.

"Pressured yes. But I love what I do and about to do. Gusto ko sa hinaharap ay ako naman ang mamuno sa North territory." May ganoong pagnanasa ang binata?

"You wanna rule the whole North territory?" Tanong niya.

"Not really. Pero if given the chance why not?" Katulad lang ba ito ng mga Pulitiko na gustong makakuha ng kasikatan at paggalang ng mga tao? Bakit naman gagawin iyon ng lalaki Sasa? Kakayahan at pangalan pa lang nito ay maotoridad na at nakakahatak na ng atensyon.

"Siguro naiisip mo ngayon that it's a selfish dream but it's not. Gusto kong maging maayos ang pamumuhay sa North territory. Half bloods, Pure bloods and Normalite should live peacefully. Hindi ganito na halos walang pakialam ang Half bloods at Wolf ng Woollard's pack sa mga Normalite. Mas masahol pang tratuhin kaysa sa mga rogues at omega ." She can hear determination.

"Iyon din ang nais ko." Pero gustuhin niya mang umasa na sa hinaharap ay magiging ganoon nga, ay parang nawawalan siya ng pag- asa. But if ever this man could change the stratification, she would be his ultimate supporter. "Someday we could be treated fairly."

Hindi sila magkatabi at hindi niya nakikita ang binata pero nararamdaman niya ang presensya nito dahil may lumalagitik na mga sanga. Natatapakan siguro ni Giu ang mga iyon.

"You wanna see some magic?" Napaigtad siya ng sa isang iglap ay naramdaman niya ang hininga nito sa kanyang taenga. She nodded her head .

'Nakakabigla' she thought.

Ang unfair dahil mukhang nakikita siya nito samantalang ay siya walang maaninag. Kunsabagay sanay ang bampira sa dilim. Narinig niya ang baritonong tawa nito at tatlong magkakasunod na palakpak.

"Wow!" Kung kanina ay mas namangha siya sa dilim ng paligid, ngayon naman ay namangha siya sa liwanag.

"It's the fireflies doing." Nilingon niya ang katabi na nakapameywang at nakatingin din sa mga alitaptap sa gilid.

Indeed it feels like magic.

"This is where I want to build my vacation house." Saad ni Giu.

"Dito mismo sa kinatatayuan natin?" She asked. Nilingon siya ni Giu at tinanguan.

Hindi siya sure pero pwede kayang mag- comment?

"Bakit may problema ba?" Problema? Wala naman.

"Pwede mong sabihin kung ano ang nasa isip mo. I won't bite." Pabirong saad ni Giu na ikinailing niya. May bampira bang hindi nangangagat?

"Dito nakatira ang mga alitaptap at baka maistorbo mo sila. Bakit hindi nalang sa hindi malayo- layo." Ayun lang naman. Nabuhay kasi ang mga alitaptap na ito sa dilim, at kapag nandito ang bahay ni Giu siyempre may ilaw kaya baka umalis na din sila sa pwesto.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon