PART 9

226 9 0
                                    

CHAPTER IX.

LAHAT ng nilalang sa Hearth ay immortal. Hindi sila namamatay kung hindi dahil sa digmaan, sadyang pinatay o kaya ay kinulam ng Witches.

"Mas makulimlim ata ang kalangitan ngayon?" Nagtataka niyang bulong sa sarili. Papasok na siya sa H.C.U pero hindi niya kasama si Alba dahil nagpasya itong umuwi.

Kilala naman niya ang kaibigan na hindi makakatulog ng maayos kung hindi nakakasundo ang bawat tao sa kanilang bahay. He's a family lover.

Tahimik niyang binabagtas ang daan ng umambon kaya napatigil muna tuloy siya sa isang punong kahoy upang sumilong.

"Mukhang uulan pa ata." Mahinang kausap niya sa sarili. Siguro ay kailangan niya munang maghintay saglit dahil baka mawala rin agad ang ambon.

"Witweeew!" Napadako ang kanyang tingin sa dalawang magtotroso na may parehong dalang itak at serbesa sa mga kamay. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang isa sa mga lalaki kaya nakaramdam siya ng kaba.

Kinakabahan at medyo may dumalaw na takot sa kanyang isip kaya kahit umaambon ay naglakas loob siyang umalis sa kinapupwestuhan upang patuloy na maglakad. Sa kamalas- malasan lang ay nasa daan niya ang dalawang lasing na halfblood at kailangan niyang dumaan sa gilid ng mga ito upang makalampas.

"Oyy teka lang Normalite." Hinaklit ng isang magtotroso ang kanyang braso. Puti ang mataas nitong buhok , may katandaan na at ang mga mata ay kulay ginintuan.

Muntik na siyang matapilok, madulas pa naman ang daanan pababa ng bukid sapagkat may mga sanga at basang dahon sa basang lupa kaya mabuti nalang ay nakuha niya ulit ang balanse.

"Huwag mo naman takutin si Ms. Normalite Fred." Kinikilabutan siya sa mga ngisi nila at amoy na nagmumula sa katawan ng mga ito. Amoy lupa na para bang doon natutulog at may kasamang amoy ng alak.

Ang kasama na tumawag sa may puting buhok ng 'Fred' ay may kayumangging mataas na alon along buhok. Pareho ang mga ito ng katawan na medyo matikas pero madumi ang mga suot na basang damit.

"Hindi naman Ted. Nakikipagkamustahan lang tayo sa mala- Diyosang Normalite na ito." Binalingan siya ng lalaki na nagngangalang Fred. "Halika at sumama ka muna saamin Ms."

Napakagaspang ng kamay ng lalaki na nakahawak sa palapulsuhan niya. Inagaw niya ang braso ng unti- unting tumataas ang hawak nito.

"Bitawan mo po ako Manong. Papasok pa ako sa eskwelahan." Buong lakas niyang inagaw ang kanyang braso pero mas malakas ang matanda sapagkat ito ay isang Halfblood.

" Huwag ka naman matakot Miss. Kakausapin ka lang namin." Nakangising sabi nuong Ted at humawak din sa kabilang braso niya.

"Bitawan niyo po ako." Nagpupumiglas siya pero gaya kanina ay wala talaga siyang panama sa lakas ng mga ito. Binitawan ng dalawa ang mga alak at itak na dala at hinawakan ang pisnge niya .

Nagtayuan ang kanyang mga balahibo lalo na nung haplosin ng mga ito ang kanyang pisnge. Wala siyang sinayang na oras at tinadyakan ang bayag ng mga ito.

Natumba ang dalawa pero nahawakan siya ng isa sa buhok at mas lalo pa siyang nanlamig ng makita ang talim ng itak na nakaamba sa kanya.

"Manlaban ka o kaya ay sumigaw at mapupugutan ka ng ulo." Nagbabantang bulong sa kanya noong lalaking may puting buhok.

Nanginig ang kanyang bibig at mas lalo pang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Nagbabadya na ding tumulo ang kanyang mga luha lalo pa't nakikita niya ang mga ngisi ng mga lalaki habang siya ay nakasalampak sa lupa.

"Makipag- cooperate ka Miss. Masama akong magalit." Saad noong lalaking kulay brown ang buhok at may hawak na ring itak. Isa- isang tumulo ang kanyang luha at kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang nginig sa kanyang katawan. Hindi dahil sa lamig kundi sa labis na takot na baka kung anong mangyari sa kanya.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon