PART 10

289 11 0
                                    

CHAPTER X.

  ISANG araw na ba ang lumipas? Hindi alam ni Sasa kung gaano na siya katagal sa ospital at medyo nagiging okay na naman ang kanyang pakiramdam.

"Sasa." Napatingin siya kay Giulio na nakahilig sa pinto. Ang layo ata nito sa kanya?

"Hmm? Ayos ka lang?" Matapos umaalis ni Alba ay minsan nalang itong nadalaw. Saan kaya iyon naglalagi?

"Don't." Napakunot ang noo niya dahil tila nahihirapan ito.

"Ano?" Tanong niya. Nakangiwi ito at nakahawak sa pintuan. Natatae ba ang lalaki? Teka tumatae ba ang mga bampira?

"Don't untie it." Untie? Ano naman ang babaklasin niya? Nakatingin ito sa ilalim ng kanyang higaan kaya napatingin rin siya doon. Metal lang naman , anong problema nito?

"Huh?" Hindi niya pa rin na-gets. Kinuha nalang niya ang salamin sa gilid at tinignan ang leeg na wala ng benda.

Nakakaawa ang sinapit ng kawawa pero masarap na leeg niya. May isang tuwid na sugat at sa nakikita niya ay medyo namumuo ang dugo doon. Pero hindi naman ito malalim.

"Sasa " Napakaganda ba ng palayaw niya at trip atang sambitin ni Giu ng paulit- ulit?

Inilipat niya muli ang kanyang paningin mula sa salamin patungo sa lalaki. Baka gusto nitong tumae at magpapasama sa kanya? Mga gwapong bampira nga naman oh. Takot sa banyo.

"What--" Natigagal siya ng pagtingin niya sa direksyon ni Giu ay wala na ito sa pintuan. Saan nagpunta iyon?

Ibinalik niya nalang sa salamin ang paningin niya pero muntik na niyang mabitawan ito ng makita sa harap si Giu. Malalim at mas dark ang kulay pula nitong mga mata na senyales na hindi ito galit.  

Nakatingin ito sa kanya --- sa kanyang leeg na para bang isang karne iyon na kailangang sakmalin kaya napaisod tuloy siya paatras.

"Te- teka lang Giu, gutom ka b-ba?" Tanong niya pero natatakot na siya ng slight. Maliit lang ang kanyang takot dahil sino ba naman ang hindi mae- entice sa beauty ng bampirang kaharap?

His dark red eyes are looking at her straight. Gulo- gulo ang buhok at kagat ang labi na para bang pinipigilan ang namumuong tensyon sa mga pangil nito. Naghahabol din ang lalaki ng hininga na para bang tumakbo ng napakalayo habang ang mga kamay ay nakatukod sa gilid ng kanyang mga paa.

'Umayos ka Sasa. Huwag magpadala sa Adonis na kaharap. ' Kastigo niya sa sarili. Pero hindi niya talaga maiwasan na tumingin sa mga mata nito na parang nanghihigop at ang panga nito na gumagalaw galaw.

" Magiging pagkain kaya ako nito?" Bulong na tanong niya sa sarili. Hindi man siya napahamak sa dalawang magtotroso pero mukhang magiging agahan naman siya ng lalaking nagligtas sa kanya.

Papasakmal ba siya?

"G-giu." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat dahil mas lumalapit na ito sa kanya.

'Ginagapang siya ng lalaki.'

Wait, may kulang sa sentence. Gumagapang ang lalaki at mas nagkakalapit pa ang bibig nito at leeg niya. Inaamin niya na kumpara sa lakas nito ay wala siyang panama kaya kahit anong pagpupumiglas niya ay wala siyang magagawa.

"I'll eat you." Tumibok ng kusa ang kanyang puso pero hindi sa takot kundi sa hindi maipaliwanag na antisipasyon. Nababaliw na ba ang kanyang isip?

Takot siya at alam niya iyon. Ayaw niyang masipsip ng bampira ang kanyang dugo pero kumukontra ang kanyang katawan. Tumitiyad ito at halos ilapit pa ang pangil ng lalaki sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon