CHAPTER VII.
UMAGA na pero tulad noon ay natatabingan pa rin ng malalaking ulap ang araw. Kaya parating malamig sa North Territory. Pero sa kabila ng malamig na temperatura ay nakabihis na si Sasa dahil gagayak siya sa bayan ng East o Soft Stone Pack. Walang pasok ngayon dahil may General Cleaning sa kanilang paaralan kaya tiyak na marami ang malalako niyang tindang gulay. Galing ang mga iyon sa kanyang bakuran at sobrang fresh." Where are you going?" Napaigtad si Sasa ng pagbukas niya ng pintuan ay nandoon si Giu. Nabungaran niya ang lalaki na nakataas ang kamay na akmang kakatok.
"G-giu. A-ano, pupunta ako sa bayan dahil magtitinda ako." Ipinakita niya ang dalang bayong na may lamang mga gulay. "May mga suki kasi ako doon."
Kumunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa dala niya. May problema kaya ito?
"I-ikaw bakit ka nandito? A-ang aga pa." Humakbang na siya palabas ng kanyang bahay habang sinasara ang pintuan sa kanyang likod.
"I was about to ask you kung nandito ba si Alberto." Kumunot ang kanyang noo.
"Wala siya dito. Kahapon ko pa siya huling nakita." Medyo nahawa na rin siya sa nakikitang pag- aalala sa mukha ng lalaki. "Nagkaproblema ba kayo?"
Umiling ito.
"Nope. Sila ni Mamá, may inerereto na naman kasi ang aming Ina sa kanyang babae." Kaya pala. Gusto sana niyang mapangisi. Tiyak na nasa kagubatan ang kaibigan para magdasal sa mga kakahuyan na huwag matuloy ang date nito.
"Wala siya dito pero alam ko kung saan mo siya makikita." Saad niya sa lalaki. Ngayon naman ay nakatitig na ito sa mukha niya kaya medyo nakaramdam din siyang pagkailang. Ang laki pa naman ng tigyawat niya buti nalang ay medyo nahaharangan ng kanyang buhok.
"Never mind. Uuwi din iyon later. Ikaw ang inaalala ko." Napabuka ang kanyang bibig sa bigla. Bakit naman siya?
"This looks heavy." At inagaw na nito ang dala niyang bayong na punong puno ng malalaki at mabibigat na gulay gaya ng kalabasa, repolyo at petchay.
"Giu hindi mo kailangan buhatin iyan. Mabibigat iyan." At inagaw niya ang bayong kaso mas malakas nga sa kanya ang lalaki kaya hindi niya rin nakuha.
"Mabibigat nga kaya ako ang magdadala. Patpatin ang katawan mo at kumpara sa lakas at pagiging bampira ko ay kayang- kaya ko ito. Tayo na ." May shortcut papunta sa East territory sa kanyang bukid kaya doon sila dadaan ng binata.
"Hindi ka ba masisilaw sa araw? Baka kasi may araw doon ngayon." Saad niya habang nagsisimula ng humakbang.
"I'm a Pure blood vampire pero may panangga kami sa araw." Isinuot nito ang sunglasses sa mga mata at ngumiti sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan matigilan. Bagay na bagay sa matingkad nitong mukha ang suot na sunglasses. Bumagay din iyon sa suot nitong black cotton longsleeves at jeans.
Kumpara sa mga lalaking nakikita niya sa kanyang paaralan ay tiyak na namumukod tangi ito.
Bumuntong hininga nalang siya. Mukhang ayaw talaga papigil ng lalaki kaya hahayaan niya na lang.
"Dito tayo." Sabay turo niya sa daan sa likod bahay niya. Medyo matarik iyon pero sanay na siya , Ewan niya lang sa lalaki at anak mayaman ito.
"Kakayanin mo ba?" Tanong niya. Nauuna kasi itong bumaba sa kanya at nag-aalala siya na baka madulas ito dahil marami pa naman itong bitbit na gulay.
Nilingon siya ng lalaki at tinignan sa mata. May kung anong kislap sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan.
"Trust in me Sasa. I can do impossible things possible." At walang kahirap hirap itong nakalampas sa matirik na daan. Nasapo nalang niya ang ulo.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...