CHAPTER VI.
ILANG siglo na ang nakakaraan ay naisipan ng Deities na bumuo ng isang mundo para sa kanilang pag- aaliw.
" Ang Hearth po ba ay binuo sa mga kapangyarihan ng lahat ng Deities? " Tanong ng aking kaklase.
Nasa World History kami at isa lang ang ibig sabihin nun. Excited na nga ako dahil malapit ng maguwian!
"Oo para magbigay aliw sa kanila dahil nababagot na sila sa kanilang tahanan. Masyado kasing banal iyon kaya kung naroon ka ay kailangan mong galangin ang panuluyan nila. Ipinagbabawal ang ano mang pang-kasiyahan doon." Ang taray naman. Napaka- solemn siguro ng panuluyan ng mga Deities.
"Ano naman po ang magiging kasiyahan dito sa Hearth kung kaya po ito ay ginawa nila?" Kunware ay nakikinig siya pero nakatitig lang talaga siya sa kawalan.
Bakit ba kasi ang tagal ng Gong na hudyat para umuwi na sila?
"Marami dahil dito naroon noon ang purong mga lobo, bampira, sirens at iba pang lahi. Wala pang half bloods pero mayroon ng Normalities." Nakuha noon ang kanyang atensyon kaya napatingin siya sa lalaking guro. Mataba ito ngunit bata pa. May kulot na buhok pero napaka- friendly ng aura. Hindi nga ito nagrereklamo kahit na wala siyang pake sa leksyon mo.
"Ano naman po ang tungkulin ng mga Normalites noon? Taga- alaga ng mga Pure breeds? O taga- punas ng mga suka ng mga Pure breeds? Hahaha" At nagtawanan ang mga Half bloods.
Nakita niyang napayuko ang apat na Normalites na kasama niya sa silid kaya napabuntong hininga nalang siya. Kailan ba naging maganda ang World History?
"Nope. Taliwas sa inyong inaasahan at gusto. Ang Normalites ay ang tinaguriang taga- pamagitan. They may not be strong Physically pero may balanse silang pag- iisip." Nakangiting sabi ng guro. "Sila ang itinuturing na prinsesa at prinsipe ng Hearth dahil lahat ng lahi ay nangangailangan ng kanilang payo at gabay."
Lahat ay natahimik sa dagdag ng aming guro at nagpapasalamat talaga siya sa Gong na iyon dahil tumunog na. Dali-dali siyang tumayo at dumiretso palabas.
"Ms. Aydin?" Natigil siya at napalingon. Ang kanyang guro pala sa World History. Nagsilabasan na din ang kanyang mga kaklase kaya tumabi siya sa gilid.
"Bakit po?" Nagtataka niyang tanong. Pagsasabihan na kaya siya nito kung bakit hindi siya nakikinig sa lectures?
"Nakita ko kanina na umismid ka noong sabihin kong itinuturing na Prinsesa at Prinsipe ang mga Normalite noon. Bakit?" May malumanay pa ring ngiti ang lalaking guro. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
"Noon lang po iyon hindi naman mababago nun ang ngayon." Walang pake niyang sabi. Tumango ang guro na parang naintindihan siya.
" Alam mo ba kung bakit naging kawawa nalang ng ganito ang mga Normalites hija?" She shook her head.
"Dahil naging duwag sila hija. They were destined to stop at mamuno sa labanan noong Unang Digmaan but they hid. Pinabayaan nila ang libo- libong mga purong lahi na mamatay at magpatayan." Nagulat siya. Totoo iyon dahil kahit interesado siya sa konstitusyon ng Hearth ay hindi niya kailanman tinignan ang History ng mundong ito.
"They're supposed to be the White Guards pero sila pa mismo ang sumuway sa kanilang sinumpaang tungkulin. Kung magbabalik man ang White guards ngayon ay hinihiling kong mabago na ang kasaysayan. Normalites should regain their position dahil walang isinilang para maging kawawa. Desisyon niyo iyon." Iyon ang sinabi ng guro bago tinapik ang kanyang balikat at naglakad paalis.
Bakit kaya nasabi iyon ng lalaki? May alam kaya ito sa pinag- usapan nila ng Grandmy? Napabuntong hininga ulit siya at hindi nalang iyon pinansin.
"Hoy Sasa! Ano iyang mukha na iyan? May sasabihin ka pa saakin." Pahampas na sabi ni Alba.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampirosGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...