Chapter 1

63 10 2
                                    

Avril

"Neomunado saranghaetgie
Ireoke apeunga bwa
Daedanhaji anchiman
Haebokmaneun jul su isseul geora
Saenggakhaetneunde"

"Machi heulleoganeun baramcheoreom neon yongwonhi jaburyeo haedo jabhijiga an—"

"Nagkokoryan nanaman sya o. Manahimik ka na nga lang." sabi ng magaling kong kapatid. Pagdating kasi sa chorus kinanta ko na, kapag kasi sinimulan ko sa Verse 1 hanggang chorus ay jusme! Ipit na boses ko pag dating doon.

"E paki mo ba, nakikinig ka na nga lang." sabi ko sa panira kong kapatid. Ganda-ganda ng kanta e.

Syempre magagandang lalaki at talented pa yung kumanta.

Syempre DAY6 yon!!!! Waaaahhhh!
Napakagaling talaga ng bandang yan! At saksakan pa ng gwapo. Ang sarap iuwi dito samin kaso dapat isa lang kasi syempre wag mong lahatin, hinahangad din ng iba yung ibang member HAHAHAHA. Si Wonpil na lang iiuwi ko, yieee kinikilig nanaman ako ano ba!

Kailan kaya ulit sila pupunta dito sa Pilipinas gusto ko na silang makita huhu. Kasi noong nakaraang concert nila dito sa Pilipinas hindi ako nakaattend e, lampera gorl! Studyante pa lang ako no. And hindi naman ako support ng mga magulang ko sa ganyan-ganyan no. Kaya kapag bibili ako ng mga merch nila sarili kong pera.

Nag-iipon na nga ako e para sa concert nila. Para incase na ngayong taon ang concert edi may pera na ako! Wag lang sana akong mademonyo ng mga fan art ng mga myday ajuju.

Ay hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Avril Kim asawa ni Kim Wonpil dejok. Ako si Avril Bien Villagracia. 20 years old and ready ng ipakasal kay Piri, chos.

Kapag magkakaroon sila ng concert dito ulit VIP talaga ko bawi lang hahaha. Or pwede na rin yung fanmeeting. Hindi pa kasi sila nagkakaroon ng fanmeeting dito e, yung may pahawak-hawak pa ng kamayyy! Tapos yung makakausap mo pa sila ng harapan. Sana magkaroon dito non no?

Nag-open na lang ako ng Twitter baka may update yung Day6 hehe.

Bago ko i-open Twitter ko kumuha na muna akong tubig, natuyo lalamunan ko kasi nga kumanta ako diba. Alam mo naman nakakatuyo ng lalamunan yung pahigh notes ng Day6 haha joke.

Pag-open ko ng Twitter naibuga ko iniinom kong tubig kasi ba naman bungad agad yon!!!

MYGHAD MAMA!!!! IZ THIZ REALLLLLLL?!!!





Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon