Chapter 32

12 1 0
                                    

Sabado na ngayon at maaga akong nagising para makapag jogging sa labas, ngayon ko na lang ulit to ginawa. Minsan kasi tinatanghali na ng gising dahil sa daming ginagawa. Bago ako umalis tinignan ko muna kung tulog pa si Wonpil, sabagay 7 am pa lang naman. Mga gising kasi no'n mga 8:30 or 9 e o diba alam ko na agad hahaha syempre. Pero baka malay n'yo magbago pa, ilang araw pa lang naman.


Habang nagjojogging ako may napansin akong pink na box dito sa tapat ng Pandayan sa may labas at nakapatong yung mga panregalo sa lamesa para sa Valentines. Gusto kong bilhin yung pink na box ang cute kasi.


Ibibigay ko kay Wonpil, mahilig kasi s'ya sa pink e hahaha. Nilapitan ko yon para tignan kung ano yung laman.


Ayt akala ko may laman, pero binili ko na lang yon tutal may dala naman akong pera, pag-iisipan ko pa kung anong ilalagay ko sa loob. Ibibigay ko kasi sa birthday n'ya malapit na kasi at buti na lang dito s'ya magbibirthday hangga't hindi pa natatapos si Lola Alicia sa paggagawa ng pampawala ng bisa.


Speaking of her, try ko kayang puntahan si Lola mamaya tutal wala naman akong gagawin. Tinignan ko yung oras sa phone ko, mag-aalas otso na pala. Napagpasyahan kong umuwi na.


Pagdating ko sa bahay, nag-aalmusal na sila kasama si Wonpil, himala ang aga n'ya yata nagising.


"Kain tayo." sabi n'ya habang nakangiti. Ang sarap n'yang pakinggan kapag nagtatagalog, hindi lang masarap pakinggan masarap talaga sya--


Hoy! Ang kalat hahaha. Napailing naman ako at lumapit na sa lamesa sa kusina.


"Umano ka ate?" tanong ng bruha kong kapatid habang may laman yung bibig.

"Nag-jogging malamang, hindi ba halata sa suot ko?" sabi ko at inirapan s'ya hahaha. Nagtawanan naman kami dito, nakitawa na din tong si Wonpil kahit hindi n'ya naintindihan hahaha ang sama e.


"May gagawin ka ba Avril?" tanong ni mama sa akin.


"Wala naman ma, bakit?" sabay subo ko ng pandesal.


"Samahan mo naman si Wonpil, mag-mall kayo para hindi s'ya mabagot dito sa bahay." sabi n'ya. Hala plano ko pa naman pumunta kila Lola Alicia pero next time na lang siguro. Tama naman si mama, para hindi maboring si Wonpil dito sa bahay.


"Sama ako sa kanila maaa." sabi ni Abby.


"Wag na, tulungan mo ako dito sa bahay." sumimangot naman s'ya. Makikithird wheel pa e, date na namin to no hahaha charot.


"Sit here." sabi sa akin ni Wonpil, nakatayo kasi ako at katapat n'ya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi n'ya.


"Ate, kayo na ba?" nabulunan naman ako sa tanong ng kapatid ko kaya binigyan agad ako ni Wonpil ng tubig. Buti na lang may tubig na nakatabi agad.


"Hindi no." sabi ko at sabay inom ulit.


"What's kayo na ba?" pagtataka n'yang tanong.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon