Chapter 18

10 2 0
                                    

Napako ako sa kinatatayuan habang nakatulala sa lalaking palapit sa akin. 
B-bakit nandito yan? E busy sila, at buti pinayagan s'ya ng manager n'ya?

"Annyeong Avril." nakangiti n'yang sabi sa akin at ako wala pa rin sa sarili ko. Tinapik naman ako sa likod ni Mina.

"Annyeong daw gagita. Snob mo pa yan? Ayan na o, nasa harapan mo na ang pinapangarap mo pakipot ka pa." bulong sa akin ni Mina habang nasa likuran ko.

"Yeogiseo mwo haeyo?"(What are you doing here?) Sabi ko sa kanya at hindi pa rin ako makapaniwala.

"Nan danji dangsi eulbogo sipeo." (I just want to see you)

"Avril, bakit ang tagal n'yo naman d'yan papasu--" naputol ang sasabihin ni mama dahil sa gulat.

"Sino yan?" bulong na tanong naman ni mama sakin.

"W-Wala lan--", "Member po yan ng isang sikat na banda sa Korea, and diba nga po galing kami sa fan meeting. Nagtaka na lang po kami hinahanap n'ya yang anak n'yo matapos nilang mag-usap." pinutol ni Karen ang pagsasalita ko kanina dahil sumingit s'ya.

"Ay bakit hindi n'yo papasukin, ang init init e. Kakausapin ko s'ya kung anong pakay n'ya." sabi ni mama

"Tita, hindi po s'ya gaanong marunong mag-english. Korean po yung language n'ya." napanganga naman si mama sa nalaman n'ya.

"Okay lang yan. Papasukin n'yo." hay nakooo, bakit pinapasok pa huhu. 

"Ma, kailangan na rin n'yang umalis da--", "Come here Wonpil, let's go inside of their house." sabi ni Mina. Putcha! Ayaw patapusin ang sinasabi ko.

Pumasok na sila ng bahay at nahuli akong pumasok, nanlalambot pa rin ako sa mga nangyayari. Walangya talaga tong dalawang to, bakit pa kaya nila dinala si Wonpil dito. Magagalit ang agency n'ya sa kanya at madadamay yung apat. Ano ng gagawin ko nito?!

"Sit here, What's you name iho?" tanong ni mama sa kanya at umupo naman sila at magkaharap sila ngayon.

"Kim Wonpil." Nakangiti n'yang sabi.

"Your name is Kim?" medyo natawa naman ako sa sinabi ni mama.

"Anieyo, Wonpil imnida." kumunot naman ang noo ni mama.

"Wonpil daw ma." walang gana kong sabi.

"Did you have lunch?" tanong ni mama.

"De, beolsseo meogeoyo."(Yes, I already eat) Ahhh ang cute n'ya talaga, he's so soft huhu.

"Kumain na daw s'ya." sabi ko

"Buti naiintindihan mo s'ya Avril?" tanong ni mama sa akin.

"Nag-aral ako ma." sabi ko sa kanya. Nanlalambot na ako dito. Umalis ka na Wonpil, malalagot ka sa agency n'yo huhu.

"Iwan muna kita dito, at kukuha lang ako ng tubig." sabi ni mama kay Wonpil at naiwan kaming apat dito sa sala. Nakatayo ako at nakaupo sila.

"Useon yeogiedugo, mul-eul jom gajyeo ogessseubnida." sabi ko sa kanya nilapitan naman ako ni Karen.

"Dai, okay ka lang? Bakit ka namumutla?" tanong n'ya sakin.

"May sasabihin ako sa inyo mamaya pagka-alis ni Wonpil, hindi ko na talaga kayang itago to e." sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Wonpil. Nagtama naman ang tingin namin at nginitian ako.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Sige paalisin na pala namin to hahaha." hinampas ko naman s'ya ng mahina.

"Lapitan mo kaya s'ya dai no." sabi niya sakin, hindi ako umimik. Maya-maya nakabalik na si mama na may dalang pitsel at tatlong baso.

"So, why are you here?" muling kinausap ni mama si Wonpil habang nakaupo at katapat s'ya.

"Naneun danji geunyeoleul bangmunhago deo algo sipeoyo". (I just want to visit her, and to know her more) nagulat naman ako sa sinabi n'ya.

"Translator please." nagtawanan nama sila.

"G-Gusto n'ya daw akong bisitahin, a-at k-kikilalanin pa." pautal kong sabi. Please sana may magtext kay Wonpil na pabalikin na s'ya sa hotel nila huhu. Baka hindi ako makapag-pigil hindi ko na talaga iuuwi to sa South Korea.

"You like her?" nabulunan ako sa tanong ni mama kay Wonpil. Kinantyawan naman ako ng dalawa.

"Not yet, but yes a little bit." sabi n'ya at s'ya namang kinapula ko. Wonpill,  kung alam mo lang gusto ko ng humandusay dito sa sahig dahil sa kilig. Pero hindi naman totoo yang nararamdaman mo sa akin e. 

"Ayyieeee, tita ipakasal n'yo na yang dalawang yan at ako'y sobrang kinikilig naaa." sabi ni Mina sabay hampas sa braso ni Karen.

"Aray ko! Kinikilig din ako pero di ako nanghahampas." nagtawanan naman kami, nakikitawa din si Wonpil akala mo naiintindihan n'ya talaga hahaha.

"Then court her." nagulat naman ako sa sinabi ni mama. Anong ligaw? May side na gusto ko pero, paano na lang kung bumalik ang dati n'yang nararamdaman? Edi ako ang kawawa. Lalo na s'ya.

"Ma, hindi pwede sa agency nila yan. Madidisband yung banda nila or papaalisin s'ya sa agency. Ma, pangarap n'ya yan. Pangarap ng lolo at lola n'ya yan sa kanya." paliwanag ko.

Napansin kong kinausap s'ya ng dalawa, pinaliwanag siguro nila kung anong ibig sabihin non.

"Naneun geunyeoleul wihae nae gyeonglyeog-eul tteonal junbigadoeeossseubnida." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya.









Handa n'ya daw iwan ang career n'ya para sa akin.






Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon