Chapter 28

10 1 0
                                    

Kinabukasan pumasok na ako sa school, di tuloy ako nakasama sa practice ng sayaw sa PE. Tulog pa si Wonpil no'ng umalis ako sa bahay kanina, siguro gising na yon, umalis kasi ako kaninang 7 am e, 9 am na ngayon at nasa klase ako.

"Uy bakit ka nga pala umabsent kahapon?" bulong na tanong ni Mina sa akin, nagdidiscuss kasi sa harapan ang teacher namin at buti na lang nasa likuran kami dahil sa surname namin e hahaha.

"Pumunta ako kila Lola Alicia." Pabulong na sabi ko.

"Umano ka?"

"Mamaya na natin pag-usapan baka makita pa tayo ni Ma'am na nag-uusap dito hahaha." Tumango naman s'ya at nakinig na kami.

After 1 hour...

Tapos na ang klase namin at  break time na namin. Parang kanina pa ako hindi mapakali, feeling ko parang may kulang sa bag ko, kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa bag ko e, nandito naman cellphone ko at may pera naman ako—

Paktay!!!

Nakalimutan ko yung wallet ko! Yung pinamasahe ko kasi kanina, yon yung nilagay ko na kahapon sa bulsa ng bag ko, nakaseparate na sa iba ko pang pera para hindi ko na magastos.

Hala paano na yung pangkain ko ngayong araw, may practice pa kami ng sayaw.

"Uy bakit parang kanina ka pang hindi mapakali dyan?" tanong sa akin ni Mina habang nag-aayos ng sarili.

"Y-Yung wallet ko nakalimutan ko." Sabi ko at napaupo ulit.

"Hala, paano ka kakain nyan?" tanong n'ya.

"Pahiram muna akong pera, ibabalik ko na lang sayo bukas." Sana may pera tong si Mina, minsan kasi sakto lang ang pera n'ya e. Iniiwan n'ya din yung ibang pera n'ya dahil nag-iipon na din s'ya e.

"Ay sakto lang pera ko dai, alam mo namang nag-iipon na din ako diba? Nahawa na kasi ako sayo e hahaha. Kay Karen ba?" ay oo nga kay Karen total mayaman naman yon. Pero may klase s'ya kapag ganitong oras.

"May klase s'ya e." sabi k okay Mina.

"Tara tawagan natin mama mo, pahatid n'ya pera mo. Saka lumabas na nga tayo ng room, tayo na lang dito o hahaha." Tumango naman ako at lumabas na kami para pumunta na sa canteen.

"Wala akong load sis huhu. May pantawag ka ba dyan?" bwisit naman ang malas ngayon ha.

"Ay wala din nag-expire kaninang 6 am."

"Hala paano yan, e hindi naman nakaonline ng ganitong oras si mama. Baka nagbabantay yon kay Ally tapos may iba pang ginagawa." Pag minamalas ka nga naman o. Bakit kasi nakalimutan ko yon? E importante yon, okay ng maiwan ko yung cellphone ko wag lang pera.

Habang naglalakad kami, may napadaan sa harapan namin at parang kinikilig.

"Uy narinig mo yon? May sobrang gwapo daw dito na pumasok sa school? Maputi daw tapos medyo matangkad?" sabi ni Mina sakin.

"Gagawin ko? Hahaha" wala naman ako paki sa ganyan e, sa Day6 lang mayroon no hahaha.

"Tara tignan natin. Teka lang pala tatanongin ko yung mga dumaan sa harap natin, nandon lang naman sila bench nakaupo e." pumayag naman ako at pumunta na s'ya doon sa apat na napadaan sa harap namin.

Si Mina talaga kapag usapang gwapo kahit saan hahanapin n'ya e, hays. Maya-maya nakabalik na s'ya.

"Uyy nandon daw sa may malapit sa guard house nakatayo, tara dali tignan natin kung sino, para magkalove life na akoooo." At sabay batak sa akin papunta doon.

Imbis na samahan n'ya ako maghanap ng pera gwapo ang inatupag. Hays Mina talagaaaa.

Pagdating namin doon, madaming tao.

"Hala may mga nakauna na sa akin. Teka lang dyan ka lang ha titignan ko lang kung anong itsura yieeeeeee." Tapos nagtatakbo doon sa mga nagkukumpulan na mga estudyante. Naiwan akong nakatayo dito. Hays, hindi pa kami nakakakain maya-maya n'yan may klase na huhu gutom na ako.

Hindi ko masilayan kung sino yung pinagkakaguluhan nila dahil sa dami ng estudyante. Lumapit na lang ako para tawagin na si Mina dahil nagugutom na ako, makikishare na lang muna ako sa pagkain n'ya hahaha.

Maya-maya biglang nagsigilid yung mga estudyante, kaya kitang-kita ko na kung sino yung pinagkakaguluhan nila.








Bakit yan nandito?!


Napalunok ako dahil sa nakita ko. Hindi n'ya pa ako napapansin dahil may kausap s'ya. 

Hihhh mama! Sabi ko wag mong palabasin tong si Wonpil.

Pinagkaguluhan tuloy s'ya. 

At Nakajacket pa nga, ang init-init dito sa Pinas tapos wala pa s'yang face mask nako naman.  Napansin n'ya siguro ako kaya lumapit s'ya sa akin.

Nagulat naman yung mga estudyante dahil sa paglapit sa akin ni Wonpil. Si Mina naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"W-Wae yeogiisseo?" (Why are you here?) 

"Dangsin-eun igeos-eul tteonassseubnida." (You left this.) sabay abot n'ya sakin ng wallet ko. Hinatid n'ya pa dito. 

Namula naman ako.

"K-kamsahamnida." sabi ko at yumuko. Ayaw kong mapansin n'ya na namumula ang pisngi ko.

"Arasseo, ije jib-e galgeoya josimhae najung-e boja." (Okay, I'm going home now. Take care. See you later.) at hinalikan ako sa pisngi sabay umalis.

Naiwan akong nakatulala dito at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa n'ya.


"Hoy! Tara na marami kang ipapaliwanag sa akin." bumalik naman ako sa ulirat no'ng tinapik ako ni Mina.


Nanginginig ako dahil sa nangyari. Para na akong sasabog dahil sa init ng pisngi ko, bakit n'ya kasi ako hinalikannnnn. Kinikilig tuloy ako huhu.







Wonpillllll.



Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon