Chapter 3

28 8 3
                                    

Tinext ko si Karen na papunta na ako sa SM, baka kasi mainip kakaantay yon e. Habang naglalakad ako may nakita akong matandang madaming dala at hindi sya makaakyat sa hagdanan ng over pass. Itetext ko na lang mamaya si Karen kung bakit natagalan ako.

"Tulungan ko na po kayo." sabi ko don sa matanda

"Ay salamat iha. Salamat talaga." sabi ng matandang babae.

Dinala ko yung bayong nyang may laman ng mga gulay at yung isa pang bitbit nyang bayong. Hindi ko na sinilip kung ano iyon, nakatakip kasi ng telang itim. Hinatid ko sya hanggang makababa sya ng over pass para makasakay sya ng tricycle.

"Iha salamat talaga. Anong gusto mo?" tanong niya.

"Day-" Naputol ang sasabihin ko dahil naalala ko bigla sasabihin ko hahaha. Hay nako kasalanan ng Day6 to hahaha joke.

"A wala po yon, okay lang po. Hindi po ako nanghihingi ng kapalit." nakangiti kong sabi.

"Ang bait mo namang bata. Matulungin pa."

"Ay hindi naman po medyo lang."

"Hahaha palabiro pa. Ito ineng bilang pasasalamat ko sa inyo." sabay abot nya sa akin ng isang bote, hindi sya kalakihan pero sakto lang. Parang bote ng soju? 

"Ano po ito?" tanong ko sa kanya, ang weird ng boteng ito ha. May dahon-dahon sa loob.

"Ibigay mo sa napupusuan mo." Ha? Napupusuan? Tinitigan ko ang laman nito, kulay violet yung tubig, tapos may dahon? Wine ba to? Tapos may nakaburong dahon? Inamoy-amoy ko sya, at mabango naman.

"Napu-" naputol ang sasabihin ko dahil pag-tingin ko sa harapan ko wala na ang matanda.Nag palinga-linga ako baka mahanap ko pa sya ngunit wala akong nakitang matandang babae. Hala ang bilis nya naman mawala, ang weird. Itatanong ko pa sana kung bakit ibibigay ko sa napupusuan ko ito. Siguro itatabi ko na lang muna ito or iinomin ko? Pero ang sabi nya ibigay ko daw sa napupusuan ko e. So hindi ako ang iinom? E paano kung napupusuan ko ang sarili ko? Hahahaha mais. 

Ay! Oo nga pala mag-kikita kami ni Karen, nawala sa isip ko. Nawindang ako dito sa bote.

To: Karen

Dai! Papunta na ako may tinulungan pa kasi ako e. Tiis ka na lang muna dyan medyo malapit naman na ako e.

Nag-over pass ako ulit para makapunta ulit doon kung saan ko nakita yung matandang babae, kasi konting lakad na lang naman nandon na yung SM.

Habang naglalakd ako di talaga mawala sa isip ko kung para saan ba talaga tong boteng to. Maganda yung pag-kakaayos nya, may pa-ribbon pa, kaya lang walang brand ang nakalagay.  Siguro hindi naman lason to no? Mukha naman mabait yung matanda.

Ang  bango nitong wine na to. Nakakaadik yung amoy pero nakakaadik pa rin yung Day6 hahahaha chos. Nagmadali na akong naglakad para makarating agad ako sa SM.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon