Chapter 29

9 1 0
                                    

Hinila ako ni Mina papuntang canteen at nadatnan namin na nandito rin si Karen. Agad-agad nandito s'ya ha kahit may klase.

"Ngayon, magpaliwag ka. Bakit nandito si Wonpil?" tanong ni Mina sa akin, "Kaya pala absent ka kahapon ha." dugtong n'ya. Parang nanay lang kung magsalita e hahaha.

"Ayon na nga, pumunta s'ya dito. Binigyan s'ya ng Temporary Leaving for 5 months." sabi ko sa kanila.

"Ha? Akala ko ba mahigpit sila?" tanong naman ni Karen. Umayos ako ng upo at pinaliwanag ko lahat sa kanilang dalawa.

"So after 5 months hindi na s'ya babalik?" tanong ulit ni Karen.

"Ewan ko do'n. Hindi na siguro kasi babalik na ang dating nararamdaman n'ya kapag pinainom ko s'ya ng pampawala ng bisa. Balik sa dati ganon." sabi ko sa kanila.

"Sure ka na ba dyan?" sabay na tanong nilang dalawa. Puro tanong na lang tong dalawang to hays.

"O-Oo, sure na." sabi ko at tumingin sa malayo.


"Sure na." sabi ko at iyon na lang ang aking nabanggit at umorder na kami ng pagkain ni Mina, Si Karen naman ay bumalik na sa room n'ya dahil nagpaalam lang itong nag-cr. Naghanap talaga ng paraan para makasagap ng tsismis.

"Ano sabi ng mama mo n'yan?" tanong ni Mina habang naglalakad kami papuntang table namin habang dala-dala itong tray.

"Wala naman, okay naman sa kanya gusto na ngang ipakasal ako e hahaha." sabi ko at umupo na kami.

"Wow si Tita ha, support na support." sabi n'ya at sumubo ng pagkain. "Pumayag ka naman?" dugtong n'ya habang may laman ang bibig n'ya.

"Hindi no. Nag-aaral pa ako at higit sa lahat hindi totoo yung feelings ni Wonpil para sa akin, at pagkatapos nang magawa ni Lola Alicia ang gamot sa gayuma ibabalik ko na s'ya kung saan s'ya nanggaling kasi for sure wala ng feelings sa akin yan." paliwanag ko at sumubo ng pagkain.

"Hindi ka ba masasaktan o malulungkot?" natigilan naman ako sa tanong n'ya.

"Kaya kong i-take ang risk kasi kasalanan ko naman, ang tanga ko kasi. Kung dumating ang araw na yon mas sasaya ako kasi bumalik na s'ya sa dati at bumalik na kami sa dati." oo tama ang mga sinabi ko.

"Saka ngayon pa lang nalulungkot na ako, hindi dahil sa babalik kami ulit sa dati kapag napainom ko na s'ya ng pampawala ng bisa kundi sa pag-sunod n'ya sa wrong feelings n'ya. Handa n'yang gawin ang lahat kahit muntik ng mawala ang career n'ya para sa akin. Naguguilty ako." dugtong ko.

"Okay sabi mo yan. Basta nandito lang kami ni Karen." ngumiti naman ako. Kung dumating man ang araw na yon, masaya pa rin ako dahil nandyan sila para sa akin pala alalayan ako.


Kung masaktan man ako.


Nagbayad na kami at naglalakad na papunta sa room, dinukot ko sa bulsa ko ang wallet ko. Napangiti naman ako no'ng makita ko ito at bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinuntahan mo pa talaga ako dito para maibigay lang to. Kahit simpleng bagay lang ang nagawa mo masaya na ako Wonpil. 


Dumating na kami sa room, buti na lang at wala pa si Prof. kasi kung nalate kami sa labas talaga kami makikinig. Mala-high school lang hahaha. Pagpasok namin sa room sinalubong ako ng mga kaklase kong babae at may isang bakla hahaha.

"Ano mo yon Avril? Grabe haba hair ha yieeee." sabi ni Angel. So nandon din sila kanina.

"Anong pangalan no'n? Ang gwapoooo." kinikilig na sabi ni William, pusong mamon kong kaklase hahaha. May side na gusto kong sabihin sa kanila pero for Wonpil's privacy na lang in fact hindi nagsabi yon na sa amin s'ya pupunta baka manews pa sa kanila to.

"Ah e mawalang galang na. Hindi kasi pwedeng sagutin yang mga yan, don't invade somone's privacy. I hope you all will understand." bumusangot naman sila, hays salamat kay Mina. Pumunta na kami sa seats namin at maya-maya dumating na rin si Prof.


After 2 hours...

"Mina uuwi muna ako ha para kumuha ng extrang damit para sa practice natin mamaya, nakalimutan ko din kasi mag-dala." sabi ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit, katatapos lang kasi ng klase namin at lunch na.

"Pati ba naman yan nakakalimutan mo hahaha. O sige ingat ka." tumango ako at sabay kaming lumabas ng room.

"Sige ingat ka kita na lang tayo mamaya saka wag kang magpapalate." sabi n'ya, tumango naman ako at nagseparate way na kami. Habang naglalakad ako sa may corridor, naririnig ko yung mga bulungan nila like, "S'ya yung kanina diba?" tapos "Hindi sila bagay hahaha." wow ha, porket wala ka lang nabingwit na Korea--


Ay oo nga pala, gayuma lang yung nagpapatakbo ng puso at isipan n'ya. Sumimangot naman ako habang naglalakad. Hahaha okay lang yan, hindi dapat ako mainis kasi hindi naman totoo yon.

Paglabas ko ng gate, may biglang humatak sa akin. 

" Bwisit naman sino b--" naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko na ang mukha n'ya.

"W-Wonpil?" utal kong sabi. 

"Jib-e kaga." (Let's go home) ngiti n'yang sabi.

"Y-Yeogiseo mwo haeyo?" (What are you doing here?) tanong ko sa kanya.

"Nan geunyang dangsin-eul delileo." (I'm just picking you up) namula naman ako sa sinabi n'ya. Hinila n'ya na ako paalis at nakaholding hands kami.

Nanlalambot ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko dahil dito sa holding hands namin at parang slow-mo lang ang bawat galaw namin habang nakatitig ako sa kanya habang naglalakad kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanlalambot ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko dahil dito sa holding hands namin at parang slow-mo lang ang bawat galaw namin habang nakatitig ako sa kanya habang naglalakad kami. 


Then he suddenly look at me and smile.


Those smiles made me fall even more. I want to restrain it from slowly falling to you but as long as you here by my side I cannot help falling inlove with you.


You're in a trap of love potion.


and me





 I'm trap with your smiles and with your actions that makes my heart flutter. 

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon