Chapter 20

12 2 0
                                    

THIRD POV

Nakabalik na ng South Korea sina Wonpil at iba pa n'yang kasama. Ilang linggo na ang nakalipas dalawang araw din silang nasa Pilipinas, at kahit sa saglit lamang nilang  naroon ay napakasaya n'ya.

Dahil doon lang pala n'ya makikita ang isang babae na magpapatibok ng kanyang puso. Ayaw pa sana n'yang umalis sa Pilipinas dahil gusto n'ya pang makita at makasama si Avril pero kailangan nilang sumunod sa rules ng kanilang agency. 

Ngunit sa kagustuhan n'yang makasama si Avril, iiwan n'ya ang career n'ya para sa babae. Hindi n'ya kasi mapaliwanag ang nararamdaman, nagsimula itong magkagusto kay Avril no'ng nagkausap sila no'ng mayroong fan meeting sa Pilipinas. Pinagtataka rin n'ya ay kung bakit lumalayo ito sa kanya at parang hindi nagugustuhan ni Avril ang paglapit sa kanya ni Wonpil.

"Ahh igeon jinjja nal michige hae!"(Ahh this is really driving me crazy!) sabay sabunot n'ya sa sarili habang nakaupo sa couch ng dorm nila. Napansin naman ni Jae yon.

"Museun il-iya"(What happened to you?)  natatawang tanong ni Jae.

"Naega malhan pillipin yeoja? Geunyeoneun jinjja naleul michige haeyo." (The Filipino girl  I have told you about? She's really driving me crazy.) tapos ay ginulo n'ya ang kaniyang buhok.

"Wae? Geunyeoleul joh-ahabnikka?"(Why? Do you like her?) singit na tanong ni Sungjin habang tumatawa. Hindi sumagot si Wonpil, kinuha n'ya na lang ang cellphone n'ya at tinignan kung nagreply na si Avril.

Pero wala pa ring reply ito. Tinry n'yang hanapin ang Instagram account ni Avril pero hindi n'ya pa rin nahahanap.

"Jae hyung-ah. Teuwiteoga jaemissnayo?" (Jae, is Twitter is fun?) kumunot naman ang noo ni Jae dahil sa pagtataka.

"Wae? dangsing-eun teuwiteo gyeojeong-eul mandeul  geoya?" (Why?  You're going to create a Twitter Account?) tanong ni Jae sa kanya. Umiling naman s'ya. Napag-isip-isip naman n'ya na itetext n'ya na lang ito palagi baka sakaling magreply.

Avril

Natapos na ang simba namin at tinext ko na sina Karen at Mina tutal tapos na rin naman kami mananghalian. 

Nga pala, text pa rin ng text si Wonpil sakin. Nakaalis na pala sila dito kagabi lang. Siguro nandoon na yon sa Seoul.

Malamang..

3 hours at kalahati lang naman pala ang biyahe hahaha. May side na gusto kong replyan tong si Wonpil kaso baka pagnireplyan ko tuloy-tuloy na to, marupok pa naman ako ahays.

"Ma, aalis muna kami nila Karen at Mina ha." paalam ko sa kanya at pumayag naman s'ya. Tinext ko naman sila ulit para magkita na kami don sa sakayan ng tricycle malapit sa Over Pass na kung saan una kaming nagkita ni Lola Alicia. Tinawagan ko naman kanina si Lola Alicia para magpaalam ako na pupunta ako at sinabi ko na rin na may kasama ako dahil alam na rin naman nila ang tungkol do'n. May tiwala naman ako sa dalawa na hindi nila ipagkakalat yung sikreto.

---------------------------

Papunta na kami kila Lola Alicia at naglalakad na kami dito sa loob ng mapunong lugar.

"Ang creepy naman dito."sabi ni Karen.

"Ganda nga e, ang tahimik. May ganito pala sa Metro Manila haha, di kasi ako gala e." sabi ni Mina, nagtawanan naman kami. Maya-maya natanaw na namin yung bahay ni Lola Alicia.

"O may bahay na, kay Lola Alicia na ba yon?" sabi ni Karen. Kilala na rin pala nila si Lola, kasi naikukwento ko sa kanila. Lumakad na kami papunta doon.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon