Chapter 23

9 2 0
                                    

FLASHBACK(Chapter 21)

Tapos na kaming kumain nila mama at tapos na rin nagligpit ng pinagkainan. Nacucurious ako sa sinabi ni Wonpil kanina na may sasabihin daw s'ya sakin.

Ano nanaman kaya yon, ewan ko ba bigla akong naexcite na masaya na ewan. Di ko maipaliwanag, kaya pumasok ako sa kwarto para i-text s'ya. Gusto ko ng malaman ngayon kahit na bukas n'ya pa sasabihin. Nacucurious na talaga ako e haha.

To: Wonpil

나에게 무엇을 말하고 싶습니까?

Tinanong ko s'ya kung anong sasabihin n'ya sa akin.

Ang bagal n'ya magreply. Nakatitig lang ako sa phone ko habang naghihintay sa sasabihin n'ya. Maya-maya nag-ring phone ko.



S'ya yung tumatawag.

Agad ko namang sinagot.

"Mwoya?" bungad ko sa kanya.

"Naneun geogie gal geos-ida"(I will go there) sabi n'ya. Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung sakin n'ya ba sinabi o sa kausap n'ya sa kabilang linya, may kausap kasi s'ya do'n e.

"M-Mwo?" utal kong sabi.  

"W-Wait." bigla n'yang inend yung call.

Sabi na e may kausap s'ya sa kabili kaya hindi para sa akin yung 'I will go there'


Akala ko naman sakin na.


End of Flashback

Ano kayang pasorpresa ni Wonpil? Kinakabahan ako sa mga paganyan e. Nandito ako sa school, lutang kakaisip kung ano yon. 

Bakit kasi hindi na lang sabihin agad. Text ako ng text sa kanya kagabi pa pero s'ya naman tong hindi na nagrereply. Problema no'n.

Baka busy.


Hindi ko na lang muna inintindi yon, at nakinig na lang sa Professor namin. Habang nakikinig ako biglang nag-vibrate phone ko, nasa bulsa ko kasi e kaya naramdaman ko.

Gusto kong buksan kung sinong nag-text kaso baka makita ako ni Prof. kunin pa tong phone ko huhu. Bakit kasi ngayon nag-text hindi na ako makakapagfocus n'yan hahaha.

Vibrate ng vibrate phone ko, kinuha ko muna sa bulsa ko yon para tignan kung sinong nagtetext. 


Ay pisti.

Hindi text.


Tumatawag si Mama. Hala bakit kaya? Sasagutin ko na lang, mag-papaalam na lang ako sa Prof. namin.

"Ahm Excuse me Prof. I'm going to answer this call." terror kasi tong Professor namin kaya kailangan naming  mag-paalam at kailangan English ang salita since English Language yung subject n'ya hays.

"Who's calling Ms. Villagracia?" o diba sabi sa inyo e, pati iyon tatanongin pa.

"My mother." at ipinakita ko sa kanya para maniwala.

"Okay go outside and answer that." tumango naman ako at lumabas ng room.

"Hello ma, bakit ka napatawag?" bungad ko sa kanya.

"Maaga ka bang makakauwi?" nagtaka naman ako sa tanong ni mama.

"Mga 2 pa ako makakauwi bakit ma?"

"Ay ganon ba. Tulungan mo sana ako."

"Ha? Para saan?"

"Translate." hala bat sa Translate? Ano bang nangyayari dito kay mama, nakakaintindi naman s'ya ng English.

"May ano ba ma?"

"Basta. Pag-uwi mo tulungan mo ako." tapos inend n'ya yung call. Akala ko naman importante papatranslate lang pala.

Bumalik na ako sa room,  at naglelecture sila no'ng nadatnan ko.

"Huy, ano sabi ng mama mo?"bulong na tanong sa akin ni Mina no'ng pagkaupo ko.

"Kailangan n'ya daw ng translator." sabi ko naman. Pagkasabi ko naman bigla s'yang natawa ng mahina.

"Translator ng?" 

"Ewan ko nga e kung ano yon. Basta daw." sabi ko at nag-pout.

"Baka nandon si Wonpil te." napatulala ako sa sinabi ni Mina. Baka nandoon nga. Naalala ko bigla yung sinabi ni Wonpil na 'I will go there' pero hindi naman yata ako ang kausap n'ya no'n kaya imposibleng pumunta s'ya dito at isa pa mahirap umalis sa JYPE dahil marami ka pang pagdadaanan na proseso at higit sa lahat marami silang ginagawa halimbawa yung promotions, guestings, minsan may mini concert sila or gig. Kaya imposible yon.

"T-Tumigil ka nga. Imposible naman yang sinasabi mo." sabi ko at kumuha ng notebook sa bag.

"Baka lang naman. Pero kung totoo, ikaw na mahaba ang hair!" sabay hawi n'ya sa buhok ko.

"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na aksidenteng nagayuma lang si Wonpil?" paalala ko sa kanya. Totoo naman kasi e.

"Ay oo nga pala. Mas kikiligin ako kung totoo ang feelings n'ya para sayo hays." sabi n'ya at napakamot ng ulo.


Sana nga totoo na lang.


Napanguso naman ako sa sinabi n'ya. Kapag nawala na ang bisang yon, wala ng pag-tingin ulit si Wonpil sa akin at ituturing na lang akong isang taga-hanga.  

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon