Chapter 2

38 8 4
                                    

Nabuga ko ang iniinom ko dahil do'n sa nakita ko sa Twitter.

Omooo legit ba to? Parang kanina lang naghahangad lang ako na magkaroon ng fanmeeting ang Day6 dito tapos agad-agad sinagot agad hiling ko.

Mismong account ng Day6 ang nagpost so legit na legit na legit talagaaa. Kaso illegal myday ako hindi ako mapapriority. Hindi ko din sila mahahawakan huhu. Bakit illegal? Hindi pa kasi ako nakakaregister sa fan club, kasi nga wala akong pera dzai ahuhu. Poorita ang ate nyo, pero hahanap pa rin ako ng paraan para makita sila kahit hindi na makausap ayos na yon. Sobrang saya ko na. Kung may chance man na makita ko sila harapan as in yung tititigan ka talaga nila yung hahawakan ka man nila syempre KUNG lang yon hahaha ang layong mangyari.

Soon to be announce kung magkano ang ticket. Makakapasok ka pa rin naman kaya lang sa dulo kasi nga illegal myday ka hahaha. 

*bzzzzzt*

Tinignan ko kung sinong nag-text, si Karen lang pala. Yung lukarit kong kaibigan nag-aya nanaman mag-mall. Jusko kung alam nyo lang kung gaano kademonyo to, yung bang kapag alam nyang may pera ka aayain ka talaga nyang lumabas at kumain o kaya mamili ng kung ano-ano dyan. Hindi sya fan ng Day6 pero support lang naman sya sakin. Ewan ko ba bakit pa hindi nagiging myday to, siguro konting push pa dito.

To: Karen

Wala akong pera ngayon wag mo kong ayain. Pero kung libre mo sige gora ako.

From: Karen

Oo libre ko alam ko namang nag-iipon ka nanaman para sa Day6 mo.

To: Karen

Oo naman ganon kapag walang jowa sila yung ginagastusan mwahahaha.

From: Karen

Sige na. Mag-asikaso ka na, text ko na lang kung saan tayo magkikita.

Hindi ko na sya nireplyan dahil maliligo na ako. Sabado pala ngayon kaya pala nag-aya sya. Naboring siguro to sa bahay nila, bakit pa sya maboboring e ang laki-laki at ang ganda pa ng bahay nila kaysa sa amin, at may wifi pa. E samantalang ako data lang, ang hina pa ng signal minsan.

After 15 minutes...

Tapos na akong naligo at magbibihis na lang at aalis na. Magtataka nanaman tong sila mama kung bakit aalis ako. Pero kapag sinabi kong kasama ko si Karen papayagan naman nila agad ako.

Nagtext na rin sya kung saang lugar kami mag-kikita. Nagmadali na akong nagbihis dahil maiinis nanaman yon dahil ang bagal ko daw. Konting ayos lang ng mukha at nagsuklay ng buhok ayos na. Di naman ako nagmamake-up.

"Ma, alis muna ako. Kasama ko si Karen." paalam ko kay mama.

"Sige mag-ingat kayo." o diba sabi sa inyo e payag agad yan. At umalis na ako ng bahay.


Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon