Chapter 30

8 0 0
                                    

Pag dating namin sa bahay, hinanap ko kaagad si mama para kausapin. Sakto at nasa kwarto lang s'ya.

"Ma, bakit hinayaan mo si Wonpil lumabas? Pinagkaguluhan tuloy s'ya kanina sa school no'ng hinatid n'ya yung wallet ko." sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa kwarto nila.

"Madami kasi akong ginagawa. 'To naman ang higpit mo naman sa boyfriend mo, saka ayaw mo no'n para alam n'ya na yung campus n'yo para may taga-sundo ka na." sabi ni mama sa akin.

"Malaki na ako ma no, hindi na ako kailangang sunduin. Saka paano kung maligaw s'ya?"

"Ito naman agad may conclusion e. Nasa modern day na kayo kaya madali na lang makarating sa pinaroroonan kapag bago ka lang sa isang lugar. May mapa na nasa cellphone lang makikita." sabi n'ya, sabagay may point naman si Mama pero inaalala ko kasi yung safety n'ya. Inaalala ko palagi yung sinabi ni Lola Alicia.

"Anong sinakyan n'ya kanina?" tanong ko sa kay mama.

"Tricycle. Pinaservice ko na lang para pag dating n'ya dito ako na lang magbabayad, tapos no'ng sinundo ka n'ya, ayon ulit. Si Ninong mo, hindi ko na sinabi sa kanya na hintayin si Wonpil tutal kasama ka naman n'ya na. Kumain na kayo doon at may nakahain na. Papatulugin ko pa tong si Ally." tumango naman ako at lumabas na ng kwarto, pagdating ko sa kusina naghahain na si Wonpil.


Ihhh ang sweet..


Napanganga naman ako dahil sa ginagawa n'ya. Marunong din pala s'ya sa mga ganito e, akala ko dati hinahainan lang sila palagi. Napangiti naman ako habang minamasdan s'ya at lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko.

Napahawak naman ako dito. 


"Bakit hindi ka ba mapakali sa pagkabog kapag nakikita mong ganito si Wonpil sayo ha?" bulong ko sa sarili ko.

"O m-museun il-iya? Gwaenchanh-a?" (What happened to you? Are you okay?) pag-aalalang tanong ni Wonpil sa akin at kumuha s'ya ng tubig para ipainom sa akin.

"N-ne" (Yes) at pumunta na ako sa lamesa para kumain na.

"Meokja!" nakangiting sabi ni Wonpil at umupo na kami.

"Meonjeogidohabsida." (Let's pray first.) sabi ko sa kanya at yumuko para manalangin. Gumaya naman s'ya. Tuwing kakain kasi kami, nagdadasal muna para doble ang busog.

Pagkatapos naming manalangin ay kumain na kami.

After 30 minutes...

Tapos na kaming kumain at nalinis na namin yung lamesa. Mag-aayos na lang ako para pumasok na. Nandito ako sa kwarto ko na kwarto na ni Wonpil ngayon hahaha. Kumukuha ako ng damit at bimpo para mamaya,  nag-aayos na rin ako ng sarili ko rito.

Si Wonpil naghuhugas ng plato sa labas, ang sipag at ang sweet uhhh huhu every single day unti-unti akong nafafall sa kanya. Pero wag naman sana pang lumalim yon.



Baka hindi na ako makaahon.


Lumabas na ako ng kwarto para umalis na, nadatnan ko naman s'yang nakaupo na sa sala.

"Kkeutnassseubnikka? Jom swiseyo." (You're done? Have some rest) sabi ko sa kanya habang nagsusuot ako ng sapatos

"Anieyo. Haggyoe delyeoda julkke." (No, I will take you to your school) sabi n'ya at tumayo para kuhanin yung cap n'ya at face mask.

"Anieyo. Geunyang swiseyo.) (No, just have some rest.)

"Anie." hindi ko na s'ya pinipigilan ang kulit kasi. Pinuntahan ko si mama sa kwarto nila para makapag-paalam pero tulog ito kaya napagpasyahan naming umalis na.

"Jeep tayo." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami at nakapayong. Pero bigla n'yang kinuha sa akin yung payong, ako kasi ang may hawak.

"J-Jeep? Geuge mwoya?" tanong n'ya kung ano yon.

"Famous public transportation of our country. You'll see." sabi ko at nag-abang na ng jeep dito sa kanto ng barangay namin, Maya-maya may jeep na, pinara ko na iyon at nauna akong sumakay. Nag-aalangan pa s'yang pumasok kaso napapasok ko din. Masikip kasi at medyo mainit dahil tanghaling tapat.

"Waahh daebak." manghang bulong n'ya sakin, hindi s'ya gaanong pinagtitinginan dahil nakacap at mask naman s'ya e. Kanina lang pinagkaguluhan dahil walang suot na ganon hays.

Maya-maya may naramdaman akong pumatong sa kanang balikat ko. Nakatulog pala s'ya. Pisti ang init makakatulog s'ya sa ganito tapos traffic pa. Kinuha ko yung pamaypay ko para may hangin kaunti.

Jusko, bumibilis nanaman ang pintig ng puso ko. Lagi ka na lang bang ganito heart? Maging normal ka naman baka maheart attack ako e.

Ang hassle, nakapatong kasi tong ulo n'ya sa balikat ko kaya hirap akong kumilos, ayaw ko namang maglilikot baka maistorbo s'ya. Sabi ko kasing wag na akong ihatid, ihahatid talaga ako. Ang kulit hays.

After 200 years nakuha ko na din yung wallet ko sa bulsa ko para magbayad. Sana hindi pa ako late huhu, lagot ako nito ang terror pa naman ng subject teacher namin na yon. Lahat na lang yata ng subject teacher namin terror e. 


After 15 minutes...

Nandito na kami sa school, inaantok pa tong si Wonpil hahaha.

"Go home now and have some rest. See you later." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wait." sabi ko at pumunta sa TODA para ihatid si Wonpil sa amin, nagbayad na din ako. Sumenyas naman ako na pumunta s'ya dito para makasakay na at sumunod naman s'ya.

"Jib-e dochaghaess-eul ttae jal dolbwa." (Take care and sleep well  when you got home) sabi ko sa kanya. Nagulat ako no'ng tinanggal n'ya yung face mask n'ya at..



Hinalikan nanaman ako.




Sa noo.

Natulala naman ako.

"Ingat ka din." sabi n'ya. Napanganga naman ako, saan n'ya natutunan yan e hindi ko pa naman s'ya natuturuan. Sumakay na s'ya sa tricyle at umalis na sila.



Naiwan ako ditong nakatulala at nagwawala ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Naglakad ako papasok nang nakatulala pa din. Para akong tanga dito hahaha, hindi pa rin ako makaget over e.

Inayos ko na ang sarili ko bago pumasok ng room baka makita pa nila akong wala nanaman sa sarili. 





Si Wonpil kasi -.-

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon