Chapter 8

22 7 3
                                    

Parang nanghahabol at naghahanap lang ako ng daga simula nong dumating ang bote sa buhay ko dahil mayroong nag-bigay sa akin non, at hinahanapan ko ng kasagutan ang mga tanong na palaging nag-sisink in sa utak ko.

Flashback

Nag-paalam ako kay mama na aalis muna ako at may pupuntahan akong kilala at pumayag naman sya basta't bibilisan ko lang.

Sumenyas ako sa matanda na teka lang, at hinintay nya naman ako.

Tumawid ako ng kalsada upang makarating sa kanya, at safe naman akong nakatawid.

"Lola, may itatanong lang po ako. Pwede nyo po bang masagot na? Mababaliw na po ako kakaisip kung para saan po talaga yung binigay nyo sa aking bote kahapon."

"Kung anong napanaginipan mo, iyon ang katotohanan. Ngunit sa isang kondisyon, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa boteng iyon dahil marami ang magkakainteres na gamitin iyon." nagulat ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman ang tungkol sa panaginip ko? Isa ba syang fairy? Yung mga napapanood ko sa TV at mga nababasa ko?

"P-paano nyo po nalaman ang panaginip ko." gulong-gulo na ako.

"Mukhang marami kang tanong iha, maaari kong sabihin sa iyo kung sasama ka sa akin, hindi ito ang lugar na pwede nating pag-usapan ang tungkol doon."

"P-pero uuwi na po kami e, may cellphone number po ba kayo? Social media? Para agad ko po kayong macontact."

"May cellphone number ako. At may social media rin. Pero i-text mo na lang ako or tawagan sa number ko. Anytime pwede ako." ang techi naman ni Lola o hahaha.

Binigay nya sa akin ang isang card at nandoon ang number nya.

"Tatawagan ko na lang po kayo kung may free time po ako kasi may pasok po ako bukas e."

"O sige. Umuwi ka na at uuwi na rin ako." tumango naman ako at sumakay na sya ng tricycle.

End of Flashback...

Ilang araw na ang nakalipas since nong nagkausap kami ni Lola, hindi ko man lang natanong ang pangalan nya dahil pursigido talaga akong malaman ang tungkol sa mahiwagang bote na yon.

Wala akong time na makausap sya dahil sobrang busy ko these days. Puro pasahan ng requirements dahil matatapos na ang 1st Semester, gustuhin ko mang tumakas pero yung grade ko tatakas din. May ibang araw pa naman.

At saka mag-papasko na, kailangan naming maghabol dahil may Christmas Break kami hanggang katapusan ng December at enrollment sa January. Next month na ang fan meet ng Day6 huhu syempre may ipon na ako, yung mga gastusin ko sa school nakaseparate na agad yon sa iipunin ko pang fan meeting hahaha. Nagbabaon na nga lang ako ng pagkain para makatipid e, hay nako ang lakas talaga ng impact sa akin ng Day6 na yan. Stay healthy daw, at sabi ni Jae "Don't spend your money for us, settle down the money for you too" e kaso labas sila ng labas ng new merch e at may mga pa-concert at pa-fan meeting. Nakoooo.

Kung hindi ko lang talaga sila mahal syempre hindi ko sila pagkakagastusan, ganon talaga ang buhay fangirl.

"Avril. Magpapasko na, anong balak mo?" tanong sa akin ni Mina, kaibigan ko din sya at kaklase. Si Karen kasi ibang course yon.

"Ayon nag-iisip ng balak pa din hahaha, siguro sa bahay na lang with family." wala naman akong maisip kung anong planong gagawin ko sa buhay, ang pag-iipon ko siguro ayon lagi ang plano hahaha.

"Ano ba naman yan ang boring ng buhay mo gorl hahaha." biro nya

"Di naman. Bat ako maboboring may Day6 ako haha at next month pa ang plano ko no."

"Ay oo nga pala no. If ever na mameet mo sila, at lalo na si Wonpil, anong ibibigay mo sa kanya for remembrance?" napa-isip naman ako.





Ano nga ba?

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon