Chapter 6

21 7 2
                                    

Ala-singko na ng hapon ng makauwi kami ni Karen, grabe ang sakit ng paa ko. Nakakapagod din, kaya natulog na ako tutal 9 PM na rin naman. Di ako makakapag-puyat dahil linggo bukas, mag-sisimba kasi kami bukas.

Nagpatugtog ako ng I'll Try by Day6, pampatulog ko kasi to e pati yung Still. Para ka talaga nilang hinehele.

Maya-maya pinikit ko na ang mata ko dahil nadapuan na ako ng antok.

.

.

.

Nakita ko na si Lola yung tinulungan ko at yung nag-bigay sa akin ng bote, kaya hindi ako nag-atubiling lumapit sa kanya baka mawala na lang bigla.

"Lola, ako nga po pala yung tumulong sayo. Kumusta po kayo? At anong ginagawa nyo rito sa mapunong lugar?" tanong ko sa kanya. Naglalakad kasi ako nang mapansin ko sya papasok sa mapunong lugar.

"Ay ikaw ba yan? Ano ba ang pangalan mo ineng?" tanong nya sakin.

"Avril po." napansin kong may dala-dala nanaman syang mga bayong. "Dalhin ko na po yung iba at samahan ko po kayong umuwi, mukhang malapit lang naman po ata."

"Salamat ineng. Halika at samahan mo kong umuwi." Nagsimula na kaming maglakad. Ganto pala ang itsura ng loob ng mga mapupunong lugar. Ang ganda at ang peaceful, gubat yata to e. May ganito pala sa Manila bakit parang ngayon ko lang nakita ito. Ang sarap naman dito, mukhang malinis ang hangin at medyo malamig.

"Lola, malapit na po ba tayo?" tanong ko sa kanya, medyo malayo yata ang tirahan nya.

"Oo iha, iyon ang aking bahay." Turo nya sa kanang direksyon namin. Sakto lamang ang laki ng bahay ngunit sya lang ang nakatira dyan?

Nakarating na kami sa bahay ni lola at malinis ang labas nito.

"Halika pasok ka." sabi niya sa akin, nang makapasok kami tumambad sakin ang napakalinis na bahay, at puro librong nakasalansan sa gilid. Nilapag ko sa lamesa ang dala kong bayong.

"Kayo lang po ang nakatira rito?" tanong ko.

"Hindi, may mga kasambahay akong kasama." sabi niya habang kumukuha siya ng maiinom na tubig.

"Wala po kayong asawa at anak?"

"May anak ako ngunit asawa wala. May isa akong anak sya ay nasa abroad at pinapadalhan nya ako ng pera. Kung minsan umuuwi sya rito. Heto tubig." kinuha ko naman ang baso na may tubig at uminom. Naalala ko yung binigay nya sa akin na bote. Itatanong ko na sa kanya kung para saan ba talaga iyon.

"Ahm, p-pwede po bang magtanong ulit? Hahaha"

"O sige ano yon?"

"Yung tungkol po sa boteng ibinigay nyo sa akin? Para saan po ba talaga yon?"

"Ah iyon ba? Para sa napupusuan mo."

"Napupusuan ko po? Bakit ko po ibibigay sa kanya iyon e binigay nyo na po sa akin hahahaha." biro kong sabi sa kanya.

"Hahaha palabiro ka talaga. Ibigay mo sa kanya yon, pero kalahatiin mo lang ang laman. Huwag mong ibigay sa kanya lahat dahil masama din sa kanya iyon." nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Ano po ang ibig nyong sabihin?"

"Isa iyong love potion o gayuma."

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon