Chapter 21

12 2 0
                                    

Nanghihina akong umalis ng bahay ni Lola Alicia, sina Karen at Mina na lang yung nagpaalam kay Lola Alicia na aalis na kami.

Habang naglalakad kami, wala pa rin akong imik. Matagal pang mawawala yung bisa, mawawala pa ang career n'ya dahil sa pagsunod sa maling nararamdaman n'ya at lalong nasa panganib ang buhay n'ya. Hindi dapat yon mangyari.

"Hala umiiyak si Avril, Mina!" agad naman nila akong inalalayan at inupo sa may malaking bato dito sa gilid ng daanan.

"Bakit ka umiiyak dai?" tanong ni Mina sa akin.

"A-anong gagawin ko?" at mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Gusto mo bang kausapin natin s'ya?" tanong ni Karen sa akin. 

"P-Pag-iisipan ko muna." yon na lang ang nasabi ko.

--------------------------

Nakauwi na ako ng bahay na tulala pa din, iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kay Wonpil. Ayoko s'yang pamahamak nang dahil sa akin, kasalanan ko to. Dapat tinignan ko muna kung anong laman non, ang tanga tanga ko.

*KRIIIINNGGGG*

Bumalik ako sa katinuan no'ng nag-ring cellphone ko.

Sino ba tong tumatawag?


Ha?



Si Wonpil?

Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi dahil nag-dedesisyon pa ako kung anong gagawin ko. Pero bahala na.

"Hello." matamlay kong sagot.

"Yeobbeosseyo? Wae? Gwaenchanh-a?" naluha ako no'ng narinig ang boses n'ya. Thank God at okay s'ya.

"Y-Yes, I'm okay." sabi ko

"Gamgie geollyeossseubnikka?  Dangsin-eun seuniping, jakkaman  uljo isseoyeo? Wae? Wae?" (You have a cold? You're sniffing,  wait are you crying? Why? Why?) sunod-sunod n'yang tanong sakin.

"Ani, naneun ulji anhgo gamgie geolliji anhseubnida. Nan joengmhal gwaenchanh-a" (No, I'm not crying, I don't have a cold. I'm really okay.)

"Okay, you may rest for now, tomorrow I have something to tell you. Annyeong." kahit nag-uusap lang kami sa cellphone alam kong nakangiti s'ya.

At ano kaya ang sasabihin n'ya?

"De. You too, annyeong." at inend ko na yung call.

Di ko na talaga alam gagawin ko.

Lord, help me please.


"Avril, kakain na lumabas ka na dyan sa kwarto mo." tawag naman sa akin ni mama mula sa labas. Nagpunas na ako ng luha at lumabas na ng kwarto.

Wala akong ganang kumain, pero dapat wag kong ipahalata kasi baka tanongin ako kung bakit. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol doon.

"Te, kailan ulit pupunta yung Day6 dito?" bigla akong nabulunan sa tanong n'ya kaya uminom ako agad ng tubig.

"At kailan ka pa nagkaroon ng interes na tanongin sakin ang tungkol sa Day6 ha?" pang-aasar ko sa kanya.

"Wala lang. Haba hair ha, nabingwit si Wonpil kahit hindi ka maganda hahahahahaha." halakhak n'ya tapos may nahulog na butil ng kanin galing sa bibig n'ya. 

Sabihan daw ba ako ng 'hindi ka maganda', hindi lang talaga ako palaayos hindi tulad sa kanya.

"Kadiri ka naman." pagiinarte ko.

"Pero Avril, kailan pupunta ulit si Wonpil dito?" si mama nanaman ang nagtanong. Parang dati kapag sasabihin kong pupunta si Wonpil dito sa bahay sasabihan pa ako ng 'mangarap ka lang, libre lang naman', tapos 'imposible, hindi nga n'ya alam na nag-eexist ka dito sa mundo.'

Real quick.

"Hindi ko alam ma, baka una at huling beses na lang yung pagpunta n'ya dito." sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Sayang naman, hindi s'ya nakilala ng papa mo hahaha." hala ipapakilala pa nga kay papa. Jusmiyo.

"Gwapo ng batang yon. Gusto ko s'ya na mapapangasawa mo ha." nabulunan ulit ako dahil sa sinabi ni mama.

"Ma! Imposible." sabi ko

"Aba parang dati, kami nagsasabi n'yan ah. Tapos baliktad na, di ka ba natutuwa na natupad pangarap mo? Hahaha" natatawang sabi ni mama

"Oo nga no ma, pahard-to-get e sus." inirapan ko naman s'ya.

Kinakantsawan naman nila ako habang kumakain kami. Ang sarap lang sa feeling na nagiging topic naming magpamilya yung Day6 at lalo na yung bias ko.

Pero iniisip ko pa rin yung consequences ng pag-inom ni Wonpil do'n, paano na lang kung bumalik ang dati nararamdaman n'ya. Pareho kaming masasaktan, lalo na s'ya kasi parang niloko na rin s'ya e.

Ayokong dumating yung araw na magagalit s'ya sa akin, na mismong fan ng Day6 at hinahangaan s'ya. Masakit yon sa isang fangirl na kainisan ka ng idol mo tapos may karamay pa s'yang milyon-milyon na fans.


Hays.



Bahala na.




Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon