Chapter 9

17 4 4
                                    

Ano nga bang ibibigay ko kay Wonpil if ever na magmeet kami for remebrance nga naman. Puso ko na lang siguro hahaha.

"Di ko naman siguro mamemeet yung Day6 at lalo na si Wonpil dahil illegal myday kaya ako." alam nya yung tungkol sa Day6, lagi kong sinasabi sa kanya every detail pero ewan ko ba bakit hindi pa nagiging fan to hahaha.

"Hoy inday, don't lose hope. Malay mo ma-meet mo pala gaga ka." sabi ni  Mina

"If ever nga na ma-meet ko sila, puso ko na lang ibibigay ko hahaha."

"Jusko ang korny mo dai, tara na nga at kumain muna tayo sa labas."

Tumango naman ako at niligpit na yung mga gamit ko. Di ko mahanap si Karen kanina pa saan kaya nagpunta yung babaeng yon. Baka nagskip nanaman ng class, nag-inuman nanaan siguro sila ng mga kaibigan nya sa room. Hay nako yung babaeng yon talaga.

Habang naglalakad kami ni Mina sa hallway nakita ko si Brix, papasok pa lang yata sya. Siguro ganitong oras ang klase nya. 10:00 am na e, at break time namin to.

Nakita nya ako at nginitian, nginitian ko rin sya di naman ako masungit gorl hahaha. 

Sa ilang minuto na paglalakad namin nandito na kami sa canteen, buti at wala gaanong tao siguro may klase ang iba. 

"Gusto ko ng palabok, ikaw ba?" tanong Mina sakin.

"Ganon na rin hahaha." tumawa naman sya at sabay kaming pumunta sa tindera.

"Uy naniniwala ka ba sa mga gayuma ek-ek na yan?" nagulat naman ako sa tanong ni Mina, at bigla kong naalala yung panaginip ko.

"Bakit mo naman natanong?" sabi ko.

"Kasi may kakilala mama ko, ang kwento nya sakin yung kaibigan daw nya, ginayuma nya lang daw yung asawa nya na yon, dati kasi ayaw talaga nong asawa nya sa kanya noon, noong binata't dalaga sila. Tapos ang kwento ni mama ilang buwan daw, inlove na inlove na daw yung asawa nya sa kanya." bigla naman akong nasamid.

"Baka naman narealize lang nong lalaki na gusto nya pala yung kaibigan ng mama mo." siguro ganon lang. May part na gusto kong subukan yung boteng binigay sa akin nong matanda pero kanino? At saka baka lason yon, at hindi nya pa naeexplain sa akin ng maayos ang tungkol doon.

"Ate dalawa pong palabok bayaran na lang namin mamaya kapag tapos ng kumain." binigay na sa akin ni Mina yung plato kong may palabok at pumunta na kami sa table namin.

"Te, natulala ka yata hahaha, may balak ka bang mang-gayuma? hahaha."nabalik naman ako sarili ko nong tinapik nya ko.

"H-ha pinagsasabi mo. Wala nga akong alam sa ganyan, at ni hindi ko nga alam kung totoo yon e." sabay subo ko ng pagkain.

Sa Sabado, kakausapin ko na talaga si Lola. Sasabihin ko na lang na may importante akong lakad.

Kasi hindi talaga ako makakatulog hangga't hindi nasasagot ang mga tanong ko, naistress na nga ako sa acads pati ba naman doon juskorold.


Ilang minutong pagkain namin ni Mina at tapos na rin kami. Aalis na sana kami ng canteen ng may biglang nahulog na kung ano sa bitbit ng babae.



Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon