Chapter 24

9 1 0
                                    

Sa lahat ng subject na dumaan ngayong araw, wala akong naintindihan. Si mama kasi may pa basta-basta pang nalalaman alam n'yang napakacurious kong tao at hindi mapakali hangga't hindi nalalaman ang isang bagay.

Hanggang sa nag-uwian na lang, lutang parang ako hahaha.

"Edi uuwi ka kaagad n'yan?" tanong ni Mina sa akin habang nagliligpit kami ng gamit namin para lumabas na ng room.

"Oo, siguro? Bakit may gagawin ba tayo?" tanong ko kay Mina habang nag-liligpit at nag-aayos din ng sarili.

"Oo dai, may practice tayo sa P.E na sayaw. Tapos next week yung presentation. Sinabi kanina, lutang ka yata hahaha." hala? May ganon? Wala kasi ako sa sarili ko e, palagi na lang hmp. Kaya kung may sasabihin dapat sakin, sabihin na hindi pa naman ako makaget over hays.

"Hala hindi ko alam bwisit." natawa naman si Mina.

"I-text mo muna mama mo o tawagan mo 2 pm pa lang naman e. Saka sabihin mo mamaya na s'ya magpatranslate busy ka pa sa school hahaha." sabi ni Mina sa akin.

"Sige." kinuha ko na yung phone ko sa bag at tinext ko na si mama na hindi muna ako makakauwi agad dahil may gagawin pa kami.

From: Mamc Smart

Ay, gnun b. Sge ingt k hntay n lng kta d2 s bhay.

Hindi na ako nagreply dahil wala na akong load, kakaexpired lang kanina. Lumabas na kami ni Mina, kasama mga kagrupo ko.

Jusmiyong P.E may bukas pa naman kasi e. Gusto daw kasi ng teacher namin sa P.E na walang palpak sa sayaw namin next week. Gusto n'ya wala daw nangangapa ng steps. Kung sino pa yung minor subject ayon pa yung nagpipiling major. Tapos napakaperfectionist pag dating sa mga pasahan ng requirements.

No'ng minsan nagpagawa s'ya ng video na sumasayaw kami, about sa healthy and fit dance. Jusko nagalit ba naman samin, kasi daw ang pangit ng transition. Nagpagawa na nga kami sa kaklase kong magaling mag-edit at nagbayad kami. Ayan tuloy ang baba ng grade namin.

At gusto n'ya pa ipa-CD kaya kaming buong klase naiinis sa kanya. Kaya maarte, bakla kasi hahaha. Pero yung teacher ko naman no'ng Senior High hindi naman ganon. Ganon yata mga teacher ng college e, kailangan perfect kasi daw patungo na kami sa pagiging professionals. Wushu.

Nandito na kami sa bahay ng kaklase namin. Malapit lang naman kasi yung bahay n'ya sa Campus.

"Ano bang theme ng sayaw natin?" tanong ko sa kanila. 10 kasi kaming lahat.

"Hip-hop daw." ayt hip-hop. Hindi pa naman ako marunong sumayaw. Kung kakanta yan game ako.

"Hirap naman." sabi ko.

"Oo nga, tapos dapat daw may halong free style. Ano kaya yon?" sabi ni Ian

"Sino ba magaling sumayaw sa atin?" tanong ni Mina. Magkagrupo kasi kami since magkalapit ang surname namin. Villagracia ako at Vianzon s'ya.

"Si Alexa." turo ni Ian. Ay buti na lang may magaling sumayaw sa amin saka halata naman kay Alexa.  Fit yung katawan n'ya usually daw kasi sa mga magagaling sumayaw, magaganda yung mga pormahan. Kaya halatang dancer s'ya

"Okay. Anong tugtog ba?" tanong niya. Nag-isip naman sila. Pero parang wala yata silang masuggest.

"Dynamite?" sabi ni Mina.

"Common kasi yan. Dapat yung bago sa pandinig." sabi naman ni Alexa.

"Timber?" sabi ni Ian.

"Hm yung mga kanta ni J.Lo" suggest naman ni Patrick.

"Common din kasi yan. For sure may gagamit n'yan sa mga kaklase natin. Ikaw ba Avril? May naiisip ka? tanong sa akin ni Mina. 

Ano kaya? Nangalkal naman ako  sa phone ko kung anong pwedeng maging tugtog sa sayaw namin. Try ko kaya sa Day6.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon