Chapter 36

11 1 4
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas since no'ng dumating si Wonpil sa amin. April na ngayon at month n'ya na, hindi ko alam kung dito ba s'ya magbibirthday.

Sa dalawang buwan na nagdaan mas naging sweet si Wonpil, mas nakilala ko s'ya ng lubusan at kalakip no'n mas lalo akong nafall sa kanya.











Mahal ko na s'ya. Hindi bilang idol, kundi s'ya talaga, na tinuturing kong ordinaryong tao. Sa bawat labas namin nakikilala s'ya pero hindi naman umaabot sa news dahil napapakiusapan ko/naman namin. Tuwing makikita nila kaming magkasama, ang pinapakilala ko sa sarili ko ay bilang Personal Assistant dahil sa ayaw kong masira ang image ni Wonpil at ayaw kong makarating ito sa Agency nila.



Sa dalawang buwan na pagsasama namin hindi ko inisip na nagayuma ko lang s'ya. Ayaw ko munang isipin yung mga bagay na yon, kinain ko ang mga sinabi ko na sa mas lalong madaling panahon mapainom ko na agad s'ya ng pangpawala ng bisa.


Ayaw ko pang mawala s'ya sa tabi ko, ayaw ko pang mawala ang taong ngayon ko lang minahal ng ganito. Sa tuwing iisipin ko yung mga bagay makakapagkomplikado sa akin/sa amin nasasaktan lang ako, kaya hindi ko muna inaalala yung mga ganoon dahil sa limang buwan ni Wonpil dito, gusto kong sulitin yon bago s'ya umalis sa tabi ko.


"Walang kang pasok?" tanong ni Wonpil sa akin, medyo marunong na kasi s'yang magtagalog. Kung wala ako sa bahay si mama ang nagtuturo sa kanya at kung may free time ako, ako ang nagtuturo sa kanya, madali lang naman s'yang makagets.


"Wala e, uri seonsaengnimdeul egeneun seminaga issseubnida." (Our teachers have seminar) sabi ko sa kanya habang nanonood ako ng TV dito sa sala.


"Ohh naega chamjo." (I see) Nga pala ngayong month din yung birthday ko kaya nga 'Avril' ako e hahaha, mas mauuna nga lang ako sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya yung birthday ko dahil darating din yung time na makakalimutan n'ya yon.


Napagtanto ko, itatake risk ko na lang kasi ginusto ko, wala akong magagawa dahil ito ang sinasabi ng puso at isip ko. Kung dumating man ang araw na bumalik ang dati n'yang feelings atleast aware na ako. Nasabi ko na rin kay mama na nagayuma ko s'ya at aksidente n'yang nainom yon. Pero ang sabi n'ya nangyari na wala na kaming magagawa pa pero sinabihan n'ya ako na dapat bago s'ya bumalik ng South Korea ay bumalik na rin dapat ang dati n'yang nararamdaman.





Pumayag naman ako pero wag muna ngayon, hindi pa ako handa.



"Avril, jeongmal dangsineul saranghabnida." (I really love you) bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya na yon, lumapit s'ya sa akin at umupo sa tabi ko at yinakap.


"Wae? Neoneun mwonga wonhanda?" (Why? You want something?) nakatingin kong tanong sa kanya habang yakap yakap ako sa bewang at nakatingin s'ya sa akin. Tumango naman s'ya at nag-pout habang nagpapuppy eyes. Bwisit talaga to e, alam talaga ang kahinaan ko.


"Ano yon?" natatawa kong tanong sa kanya.


"Kiss." During the two months we were together he always begging for a kiss. Halatang komportable na talaga s'ya sa akin. Hindi ko pa naibibigay yung First Kiss ko kasi ewan ko ba, kasi feeling ko kapag nakuha na First Kiss ko hindi na rin ako virgin hahaha. Bwisit.

Kinurot ko naman ang labi n'yang nakanguso at nakapikit pa talaga hahaha.

"Hajimaaa." (stop it) natawa naman s'ya.

"Joke lang. Dyan ka muna magsasaing na ako tanghali na hahaha" sabi n'ya at tumayo na. Natawa naman ako, s'ya na kasi ang taga-saing namin, gusto n'ya daw kasi. Tumango naman ako at pumunta na s'ya sa kusina.


*Bzzztttt*

Vibrate ng phone ko, tinignan ko naman kung sino ang nagtext sa akin.


From: Lola Alicia

Punta ka rito sa bahay, may ipapakita ako.


Ano kaya ang ipapakita ni Lola? No'ng March kasi tinanong ko s'ya tungkol doon sa ginagawa n'ya pero hindi pa daw s'ya tapos. Saka bakit n'ya kaya ako pinapapunta e 2 months pa lang naman, e sabi n'ya 3 months ang aabutin no'n.


Ano kaya yon?


After 3 hours...

"Saan ka pupunta?" tanong ni Wonpil sa akin habang kalaro tong kapatid kong bunso dito sa sala dahil umalis si mama.

"May importante lang akong pupuntahan. Babalik din ako kaagad." sabi ko naman sa kanya.

"Sige ingat ka ha." tumango naman ako at lumabas na ng bahay.


Nag-abang na lang ako ng tricyle dito sa tapat ng bahay namin dahil tinatamad akong maglakad papuntang TODA dahil mainit, may mga dumadaan namang mga tricycle e.

Maya-maya pinara ko na yung isang tricycle at buti na lang walang nakasakay, huminto naman s'ya at sumakay na ako. Sinabi ko na rin kung saan n'ya ako ibababa.

















Mga ilang minuto lang binaba na ako ni Manong Driver at naglakad na papasok papunta kila Lola Alicia. Habang naglalakad ako dito sa mapuno at papalapit ng papalapit sa bahay ni Lola nakakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko.





Hindi ko maintindihan.


"Wala lang siguro yon no?" sabi ko at sabay iling. Pagdating ko sa bahay nila naka-abang na agad s'ya sa labas ng bahay n'ya at nakangiti.


"Tara pasok muna tayo nasa loob ang ipapakita ko sayo." sabi n'ya at sumunod naman ako sa kanya. Pagdating sa loob pinaupo n'ya muna ako dito sa sala at pumunta s'ya sa pahingahan n'ya para may kuhanin raw.

Habang naghihintay ako nagcecellphone muna ako, tinetext kasi ako ni Wonpil.

From: Pope Wonpil

어디야? 이미 당시니 그리워요!!!  (Where are you? I already miss you)

Natawa naman ako sa text n'ya.

To: Wonpil

그리워? 내가 집을 떠난 ㅋㅋㅋ (Miss me already? Its just a few minutes since I left home)

"Huy! Ngiting-ngiti dyan ha. Ito na yung ipapakita ko sayo." Nagulat ako doon sa pagkakasabi ni Lola Alicia sa akin, busy kasi ako katetext dito. Si Wonpil kasi!

Napatingin ako doon sa hawak n'yang maliit na bote, kasing laki ng bote ng mogu-mogu hahaha pero babasagin naman s'ya.

"Ano po yan?" Tanong ko sa kanya.

"Yung request mo na pampawala ng bisa ng gayuma." Nakangiti n'yang sabi.

Hala ang bilis yata?


"Akala ko po ba 3 months ang aabutin? E dalawang buwan pa lang po e."

"Minadali ko na iha, madami akong engkantasyon para mapadali ang pag-gagawa. Kaya iyan." Napanganga ako dahi sa sinabi ni Lola Alicia.

"Ipapainom mo na ba?" Napaisip ako sa tanong ni Lola.



Ipapainom ko na ba agad?

Kung papainumin ko kaagad, babalik na ang dating nararamdaman n'ya at kung babalik na yon baka magalit s'ya sa akin. Pero ito na, nandito na. Pinagmadali kong pagawain ng ganito si Lola Alicia pero hindi ko gagamitin agad? At isa pa ang sabi ni Lola noon kailangan agad na ipainom dahil mawawala agad ang mahika nito.


"I-Ilang araw at oras po ba ang tinatagal nito kapag hindi pa po napapainom sa taong nagayuma?"

"Hm, ewan ko lang. Madami kasi akong ginawa para dyan." Hala bakit ewan?! Huhu.

"Ipapainom mo na ba agad?" Napaisip naman ako, tinititigan ko ito habang nag-dedesisyon kung ipapainom ko kaagad.




Kapag pinainom ko na sa kanya to, magbabalik na sa dati ang lahat.





















"O-Opo, i-papainom ko n-na."

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon