Chapter 7

23 7 0
                                    

Bigla akong napabalikwas sa higaan ko dahil sa alarm clock na nasa gilid ko.

Ala-syete na pala ng umaga. Tumayo ako at nag-inat-inat. Napansin ko ang boteng nasa gilid ng kama ko, katabi ng alarm clock. Nanaginip ako tungkol dito, at sabi ng matandang babae ay isa daw itong Love Potion o Gayuma. 

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, dahil panaginip lang naman yon e. Pero bakit sa dami-dami ng pwedeng mapanaginipan iyon pa. 

Umiling-iling ako, ayoko munang isipin ang mga bagay na yon dahil linggo ngayon. Kaya lumabas na ako ng kwarto upang mag-almusal na. 

"Kain na at para maaga tayong makaalis." sabi ni mama sa akin at umupo na ako at kumain.

Nakatulala ako habang kumakain dahil hindi nanaman maalis sa isipan ko yung napanaginipan ko. Parang totoo talaga sya, parang nandoon talaga ako sa panaginip. Gusto kong masagot lahat ng katanungan ko, nacucurious talaga ako sa boteng yon at lalo na sa laman non.

"Bakit ka nakatulala?" sabi ng kapatid kong babae, 3 kasi kaming magkakapatid at 2 years old ang bunso.

"Wala may naisip lang." sabay subo ng tinapay.

"Alam ko kung anong iniisip mo." sabi niya habang nagpapalaman sa tinapay.

"Ano?" tanong ko.

"Day6. Ayan lang naman lagi laman ng utak mo kaya lagi mong bukambibig o may sarili lang talagang utak din yang bibig mo hahaha." bumusangot naman ako. Umagang-umaga sinisira araw ko.

"Porket natulala Day6 agad? Hindi ba pwedeng kung ano-ano lang dyan? Etsutsera ka talaga nako." sabi ko sa kanya. 

"E ano pala?" pag-usisa nya.

"Wala ka na don." sabi ko at tumawa.

-----------------------------------------------------------

Nandito na kami sa simbahan at hinihintay na lang naming mag-umpisa, napansin kong paparating sina Brix kasama ang pamilya nya. 

Si Brix, sya lang naman yung crush ko since elementary hanggang nitong college na, ganon ako ka-strong hahaha kaso iba naman gusto nya. Pero kilala nya naman ako syempre magkaklase kami nong elementary hanggang high school naghiwalay na lang nong college na, pero parehas lang na school ang pinapasukan namin.

Pero hindi ibig sabihin na porket crush ko sya e di ko na gusto si Wonpil, magkaiba sila. Si Wonpil hindi nya alam na nag-eexist ako dito sa mundo, at si Brix alam naman nya pero iba ang tingin nya sa akin, classmate lang or schoolmate. Pero okay lang, mas mahal ko pa rin ang Day6 lalo na si Wonpil.

Nagsimula na ang simba, at nanalangin ako.

"Lord, alam ko pong pinakilala N'yo sa akin ang Day6 upang pasayahin din ang buhay ko, kaya nagpapasalamat po ako sa Inyo. Bigyan N'yo naman po ako ng chance na makita at makausap sila. Iyon lang po salamat. At salamat po sa buhay na binibigay N'yo sa akin at mga blessings. Amen"

2 hours later...

Natapos na ang simba namin at nandito kami sa labas ng simbahan at nag-aabang na ng masasakyan pauwi. 

May dumaang jeep sa harapan namin at pagkalampas non.

Nakita ko ang matandang tinulungan ko at nagbigay sa akin ng weird na bote, nakatingin sya sakin at nakangiti.

Nag-paalam ako kay mama na may pupuntahan lang akong kakilala. Gusto ko na talagang malaman kung para saan ba talaga yon. Nababaliw talaga ako sa boteng yon.


Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon