Chapter 12

15 3 0
                                    

Maya-maya lumiwanag na ang paligid, nahimatay pala ako. Nakahiga ako dito sa sofa sa...

Sa...

Pahingahan ni Lola. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko parang anytime mahihimatay ako ulit sa mga nakikita ko. Totoo ba to? Napaupo naman ako dahil biglang pumasok si Lola at kinabahan naman ako bahagya.

"O gising ka na." Ngiting sabi sakin ni Lola. Napalunok naman ako.

"Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sayo. Handa ka na ba?" Tanong niya sakin.

"O-opo" pautal kong sabi.

"Alam kong nagtataka ka kung sino ba talaga ako? Ako si Alicia, at isa akong mang-gagamot at good witch ako." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"E-e bakit po may mga puso ng tao sa mga boteng yan?"

"Iyan ba? Sa mga patay ko na kinuha hahaha kaya wag kang mag-alala hindi ako mamamatay tao" tawa niya.

"Pinag-eeksperementuhan ko lang yan. Paliwanag ko na sayo ha." tumango naman ako

"Gaya nga ng sabi ko sayo, isa akong mabuting mangkukulam. Yung binigay ko sayong love potion sayo ay bilang kapalit ko na lang sayo dahil sa pag-tulong mo sa akin."

"E bakit po love potion ang binigay nyo sakin?" pagtataka kong tanong.

"Dahil alam kong may ninanais kang lalaki, gusto mo syang makita at makausap. At kung may pagkakataon ay gusto mo syang maging nobyo." nagulat naman ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman 'yon?

"Hay nako mga kabataan nga naman talaga ngayon. Pero kung gagamitin mo sa kanya iyon, mag-ingat ka. Walang unlimited sa mundo, at lahat ay nagwawakas. Mapanganib din ito. Pero nasa iyo ang desisyon kung ipagpapatuloy mong ipainom sa kanya ito. Basta't binabalaan kita, huwag sobra ang pagbibigay mo sa kanya nito, dahil kung hindi mo susundin ito ikaw ang mag-sisisi sa huli." nabigla naman ako sa sinabi nya. Hindi ko naman gagawin kay Wonpil yon no. Saka hindi naman kami mag-kikita at mag-kakausap non at bakit ko sya bibigyan ng ganon.

Pero bakit ang defensive ko? Balik tayo kay Lola Alicia.

"B-bakit po pala nag-eexperiment kayo sa ganyan? At kumukuha pa po talaga kayo ng mga p-puso ng mga p-patay na tao?" sabi ko habang nakatitig sa mga pusong iyon.

"Hindi mo na kailangang alamin pa. Dahil masyadong malawak ang mundo ng mahika at kahit na ipaliwanag ko sa iyo, hindi mo ito maiintindihan. Basta ang bilin ko sayo." tumango naman ako.

"Umuwi ka na iha, at baka hinahanap ka na nila at hapon na rin." mahabang oras pala ang pagkawala ng malay ko kaya pala medyo nagugutom na rin ako.

"Ayaw mo bang kumain rito?" alok ni Lola Alicia.

"Hindi na po, uuwi na rin po ako. Salamat."

"Ipapahatid na kita sa labasan ng aking kasambahay." tumango naman ako at sumenyas naman ang kasambahay na nag-bukas ng pinto kanina nong pagkarating namin ni Lola Alicia dito sa bahay nya. Sumunod naman ako at magalang ako nagpaalam.

Nang makalabas kami ng bahay ni Lola Alicia, nabalot naman ang katahimikan ang paligid at tanging mga yapak lang namin ang maririnig at huni ng mga ibon. 


Maya-maya pa'y binasag na ng kasambahay ni Lola Alicia ang katahimikan.

"Mukhang may bago nanamang pinagbigyan ng gayuma si Madam Alicia ah." sabi niya at tumawa.

"Bakit po? May iba pa po syang pinagbigyan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, at yung iba naman binibili ito sa kanya." paliwanag niya.

"Mabuti po at may nakakakilala sa kanya sa pag-gagawa ng gayuma?"

"Oo dahil na rin sa mga kakilala nilang mayroon non."

"May tanong po ako, at sa atin lang po ito ha?"

"Bakit po may mga puso ng tao sa bahay n'ya?" seryosong tanong ko. Binagalan ko ang pag-lalakad para medyo mahaba pa ang pag-uusap namin.

"Hindi n'ya ba sinabi sa iyo ang tungkol do'n?"

"Hindi po e."

"Sa totoo n'yan, sa mga dati n'yang mga nagiging nobyo at asawa ang mga pusong iyon."


Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon