Chapter 39

30 2 0
                                    

"Ma, alis na kami ni Wonpil." Paalam ko kay mama habang nilalabas ko tong dalawang maleta namin.

"Sige mag-iingat kayo. Yung bilin ko sayo ha? Wag muna gumawa ng baby."

"Maaaaaa." Sabi ko, tumawa naman s'ya pati si Wonpil.

"Promise Tita, wala kaming gagawing masama." Sabi ni Wonpil.

"O s'ya sige mag-iingat kayo ha. Sulitin mo bakasyon mo dito sa Pilipinas Wonpil." Tumango naman s'ya at tinulungan na akong dalhin yung mga iba pa naming dalahin. Parang mag-aabroad lang kami ah, nagmaleta na kami para hindi na masyadong marami ang bitbitin.

"Ingat ate, pasalubong ha. Pasalubong mo dapat buntis ka na hahaha."

"Heh! Pasmado bunganga nito." Nagtawanan naman sila.

"Joke lang! Pasalubong haaa?" sabi ng magaling kong kapatid habang kumakain ng almusal, may pasok kasi s'ya.

"Pasalubong? Ige mwoya?" (What's it?)

"Ginyeompum."

"Ahhhh. Geurae." Sabi n'ya.

"Ma, alis na kami ha." Paalam ko ulit.

"Sige ingat kayo doon, saka na kami sasama kapag may free time na kami."

"Opo ma." Sabi ko sa kanya at hinalikan s'ya sa pisngi.

Lumabas na kami ng bahay ni Wonpil. Nag-grab na kami para hindi hassle papunta sa terminal ng bus. Hinanda ko na rin yung Waze ko para hindi kami maligaw kapag nasa Bataan na kami.

"Naneun sini nandaaaa." (I'm excited) nginitian ko naman s'ya at tumingin sa labas, naramdaman ko namang kinuha n'ya ang kamay ko at pinag-cross n'ya ang mga daliri namin. Tumingin naman ako sa kanya at binigyan n'ya naman ako ng matamis na ngiti.



Mamimiss ko itong mga ngiti n'yang 'to.



Mga ilang minuto nandito na kami sa Bus Terminal ng Bataan at ibinaba na ni Manong Driver yung mga dalahin naming sa trunk at nagbayad na rin ako.

"Sundan mo ko." Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para tignan ko sa notes ko yung first step hahaha. Nilista ko na para sure baka makalimutan ko pa. Sumunod naman s'ya sa akin, pagkarating naming sa Bus na sasakyan namin, kinuha agad ng konduktor yung dalawang maleta namin at inilagay sa luggage compartment at sumakay na kami dahil saktong paalis na.

"Ingat sa atinnn." Sabi n'ya pagkaupo namin, at umandar na ang bus.


After 2 hours...


Nasa Pampanga na kami, medyo malayo-layo pa sa Destination namin. Nakatulog naman tong si Wonpil sa balikat ko at ako, hindi man lang ako dinapuan ng antok kahit ang aga naming nagising. Hindi kasi ako sanay matulog sa biyahe, gusto ko kasing makita yung dinadaanan namin at saka baka lumagpas kami hahaha.

"Ma'am, kapag nasa Olongapo na po tayo, bababa na kayo dahil hanggang sentro lang kami. May mga jeep at bus naman pong papunta ng Morong." Sabi no'ng konduktor. Shems akala ko dire-diretso na, ang hassleeee.

"Ay ganon po ba. Sige po." Hindi na ako nag-alangan dahil may waze naman ako.

Hinayaan ko namang natutulog si Wonpil sa balikat ko at tinuon ko na lang muna ang atensyon ko dito sa bintana habang pinagmamasdan ang bawat dadaanan namin. Napatingala naman ako, ang ganda nanaman ng langit. Nakikisama s'ya sa lakad namin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon