Chapter 31

10 0 1
                                    

Nakauwi na ako ng bahay na pagod na pagod, sa lunes na kasi yung performance namin sa PE at nilinis na namin ngayon yung sayaw namin, sabado kasi bukas para naman makapag-pahinga ng isang araw. 

Humilata muna ako dito sa sofa namin sa dahil ang sakit ng mga paa ko, tinorture ako ng hiphop na yan hays. Nasaan kaya sila mama saka si Wonpil? 

Di ko muna inalala yon at umidlip muna ako.

THIRD POV

Nasa rooftop sila Wonpil at Mama ni Avril dahil tinuturuan n'ya itong magdilig, habang nagdidilig tinuturuan din ng Mama ni Avril si Wonpil na mag-tagalog. Simpleng mga greetings lang at mga words na ginagamit araw-araw ang itinuturo n'ya, madali namang nakukuha ni Wonpil ang mga tinuturo sa kanya dahil willing talaga s'yang matuto para kay Avril. 

Naisip n'yang wag na lang s'yang magpaturo ng Tagalog kay Avril dahil pagod lagi ito galing sa paaralan at alam n'yang napakabusy n'ya sa mga studies n'ya. 

"Tara na baba na tayo baka nandyan na si Avril." sabi ng mama ni Avril habang gumagamit ng Google Translate Voice para mas maintindihan lalo ni Wonpil.

"O arasseo, baba na po tayo." sabi ni Wonpil na nakangiti at bumaba na sila sa rooftop. Pagbaba nila, nadatnan nila si Avril na natutulog sa sofa. Nilapitan naman iyon ni Wonpil, habang natutulog ito, pinagmamasdan n'ya si Avril.

Maya-maya bumilis ang kabog ng kanyang puso, naisip n'yang dahil lang ito sa love potion na sinasabi ni Avril kaya hinayaan n'ya na lang.

Simula no'ng malaman n'ya iyon, may side na ayaw n'yang maniwala dahil iba talaga ang nararamdaman n'ya at sigurado s'yang totoo yon. Pero naisip n'yang kung totoo talaga iyon, at kung mawala man ang nararamdaman n'ya kay Avril ay ipagpapatuloy pa rin n'ya ang nasimulan n'ya no'ng unang magkaroon s'ya ng nararamdaman kay Avril na kahit mawala man iyon, gagawin n'ya ang lahat na bumalik iyon sa dati nang wala ng gayumang ginagamit.

Avril

Naalimpungatan ako dahil parang may humihinga sa mukha ko pagmulat ko ng mata ko..





O MAMAMIA!!!


Nanlaki yung mga mata ko dahil ang lapit nanaman ng mukha ni Wonpil sa akin!

"M-Mwohaneungeoya?" (What are you doing?) sabi ko at umupo palayo sa kanya.

"Naega neoleul kkae wossni? Mianhe" (Did I wake you up? Sorry) sabi n'ya at tumayo.

"It's okay." sabi ko at pumunta na sa kwarto ko para makapag-palit ng damit. Pagpasok ko do'n, nakawahak ako sa dibdib ko at nagpapadyak.


"Di ko na alammmmmmm." sabi ko at sinabunutan ko ang sarili ko. Mababaliw na ako sa ginagawa ni Wonpil, alam kong ilang araw pa lang s'ya dito pero nagkakaganito na ako, paano pa kaya sa susunod na araw at buwan. Sana matapos agad ni Lola Alicia yung pampawala ng bisa para hindi na ganito si Wonpil sa akin. 

Mababaliw na ko.


Naupo muna ako sa kama ko habang nakahawak pa din sa dibdib kong malakas ang kabog. Hindi ko na talaga alam gagawin ko kung palaging ganon si Wonpil sa akin. 

E kung iwasan ko muna kaya s'ya, natatakot kasi ako kapag tuluyan na akong mafall sa kanya. Baka mas lalo akong masaktan kapag bumalik na ang totoo n'yang nararamdaman, sabi ko nga sa inyo hirap akong makaget over.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon