Chapter 10

16 3 1
                                    

Napatigil kami ni Mina dahil nahulog yung mga gamit na dala nong babae, estudyante din sya. Pero may napansin akong isa, isa syang maliit na bote lang. Alam nyo yung lagayan ng mga maliliit na papel na nakabilog? Yung colorful, basta Jar of Paper, ay nyemas parang Jar of Hearts hahahaha chos. Anyways, hindi papel yung nakalagay sa loob kundi kulay violet din sya kaparehas nong sa akin yung binigay nong matanda. Ang ipinagtataka ko bakit nya nilagay doon sa maliit na bote na yon.

Di ko namalayan na lumapit na pala ako sa kanya.

"Tulungan na kita." kinuha ko yung mga gamit nya at ibibigay ko na sa kanya yung boteng maliit pero tinaboy nya ang kamay ko.

"Wag mong hahawakan yan, ayokong may makahawak at makapansin nito dahil kukuhanin lang ng iba ito." nagtaka naman ako sa inasal nya. Ano ang ibig nyang sabihin?

"H-hindi ko naman kukunin iyan, ibabalik ko naman sayo." nagmadali syang inayos ang mga gamit nya at umalis na sya. Nilapitan naman ako ni Mina.

"Ang sungit naman ng babaeng yon, sya na nga tinulungan hindi pa nagpasalamat." sabi ni Mina sa akin.

"Hayaan mo na. Tara bumalik na lang tayo sa room at baka malate pa tayo." Tumango naman sya at naglakad na kami pabalik sa room namin.

Ano kaya ang ibig sabihin nong babaeng yon.

"Sa isang kondisyon, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa boteng iyon dahil marami ang magkakainteres na gamitin iyon."

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Naalala ko ang sinabi ng matandang babae sa akin nong Linggong nag-usap kami. Hindi kaya gayuma rin iyo? Sa kanya ko na lang kaya tanungin tutal parehas lang kami ng school na pinapasukan at madali ko lang syang mahahanap dahil laging sa canteen lang naman ang punta nya palagi o di kaya sa library, matagal ko na kasi syang nakikita dati at ang tahimik nya lang, wala siyang kaibigang kasama.

"O Avril bakit ka napahinto? May problema ba?"

"W-wala may naisip lang. Tara na hahaha." 

"Ang weird mo nitong araw ha, lagi kang tulala madami ka bang iniisip? May problema ka ba? Nandito naman ako, sabihin mo lahat ng hinanakit mo." 

"Oa mo gorl wala nga hahaha." napanguso naman sya dahil sa sinabi ko.

Ang dami palang kakaiba dito sa mundo pero ngayon ko lang unti-unting nalalaman lahat. Nababaliw ako kakaisip, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. E kung itapon ko na lang kaya yung boteng yon, sumasakit ulo ko kakaisip kung ano ba talaga yon. Ang dami ko na ngang iniisip tungkol sa pag-aaral ko dumagdag pa yon. Hindi ko nga naiisip yung Day6 e kasi nakatuon isip ko don sa bote at sa matandang babae hahahaha.

Once na malaman ko kung para saan iyon itatapon ko na lang siguro para less isip ng kung ano-ano. Dapat sa Day6 lang ako mabaliw hahaha dejok. Pero dapat si Wonpil mabaliw din sakin hahaha joke ulit.

Ano kayang feeling kapag nagkajowa ka ng Celebrity, siguro kapag nagkajowa ka ng ganon at napangasawa mo pa ikaw na siguro ang pinaka maswerteng nilalang sa buong mundo dahil may nabingwit kang ganong nilalang hahaha. Pero ang labong mangyari sakin yon, gaya ng sinabi ko ni hindi nga nila alam na nag-eexist ang isang tulad ko sa mundong ito.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon