Chapter 5

22 7 1
                                    

Habang sa pag-iikot-ikot namin ni Karen sa Book Section may napansin akong medyo maliit na libro, ang title ay Love Potion. Pwedeng i-potion ang love? E nasa atin lang ang love ah, nasa puso lang natin at hindi natin kailangan pa ng materyal na bagay.

Binasa ko ang nasa loob non, hindi sya nakasealed kaya binuklat ko na lang. Ang nakalagay ay,

Love is unconditional. But if you choose to have a condition, you will find a way that will achieve your love needs.

Binuklat ko pa ang ibang pages, at may napansin ako doong naka-bottle din sya at yung stem na may tinik ng rose ay nakalagay sa loob ng bottle na may tubig. 

The meaning of the rose with thorns is when you order to enjoy something that is beautiful  and pleasurable, you must endure something that is  difficult and painful.

Hindi ko magets kung anong pinopoint nitong librong to kaya ibinalik ko na lang. May side sa sarili ko na, gusto kong ipagpatuloy na basahin pero mas matimbang ang pagsasawalang bahala.


Hinintay ko na lang si Karen na matapos maghanap ng librong bibilhin nya. Habang busy pa sya sa paghahalungkat sa mga librong mga nakasalansan may napansin akong matandang babae.

Teka...

Ito yung tinulungan ko kanina ah. Lalapitan ko na sana sya ngunit may lumapit sa kanyang isang lalaki at sabay silang umalis nito. Itatanong ko pa naman sana kung para saan ba talaga ang boteng ibinigay nya sa akin.

Hays, kaysa isipin ko pa iyon mag-tiTwitter na lang ako ulit habang hinihintay ko si Karen.

Maya-maya pag-scroll down ko bigla na lang akong napatalon sa kinatatayuan ko kaya napatingin sa akin ang mga tao.

Ito na ang hinihintay kooo. May date na ang fanmeeting ng Day6 dito sa Pilipinas. Sa sobrang saya ko lumapit ako kay Karen at masaya kong ibinalita sa kanya.

"Next month na hoy! Magkano na ipon mo?" mahinang pagkakasabi sa akin ni Karen.

"3k dai! 2k kapag hindi pa nakakapagregister sa fan club tapos papasok don, kaya lang sa dulo ako pero okay na yon makaattend lang ako at makita sila. Malapit lang naman yon."

"May panahon ka pa para makapag-ipon!"

"Oo nga e huhu excited na akoooo" 

"Easy ka lang baka mapost-pone hahahaha."

"Che! Hindi yan sinasabi ko sayo." sabi ko at tumawa naman sya.

"Tara na nga sa counter." at pumunta na kami doon para bayaran yung librong binili nya.


Excited na ako! Buti next month na, ayaw talaga akong pinaghihintay ng matagal ng Day6 hahaha.


Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon