Chapter 11

22 4 4
                                    

Sabado na ngayon, hindi muna ako makakapunta sa mga kagrupo dahil may mahalaga akong pupuntahan. Hindi ko na talaga makaya itong pag-ooverthink ko sa mahiwagang bote na yon. Kaya kahapon pa lang nagpaalam na ako sa kanila na may mahalaga akong lakad.

Maaga akong nagising at tinext ko na si Lola na magkita kami doon sa sakayan ng Tricycle don sa may malapit sa over pass kung saan kami unang nagkita. Paalis na ako at magpapaalam na lang kay mama na may mahalaga akong pupuntahan, hindi nya na ako tinanong kung saan dahil ang alam nyang gagawa kami ng thesis ng mga kagrupo ko. Hindi sa ginawa kong palusot ang thesis ha, when curiousity hits you gagawa ka talaga ng paraan para malaman yung lagi mong iniisip saka minsan lang naman akong di makakapunta sa pagkikita namin ng mga kagrupo ko.

Dinala ko din yung boteng binigay ni Lola, kasi balak kong ibalik na lang kapag nalaman ko na.

Natanaw ko na si Lola sa sakayan ng tricycle at kumaway naman sya, patakbo akong lumapit sa kanya.

"Kanina pa po ba kayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, ano tara na?" tumango naman ako at sumakay na kami ng tricycle. After 15 minutes ay nakarating na rin kami.

"Saan po dito ang bahay nyo?" palinga-linga ako upang mahanap ang bahay niya.

"Kung ano ang napanaginipan mo noon nong nakita mo ako, don tayo sa mapunong lugar dadaan." nagulat naman ako sinabi ni Lola. Bakit parang totoo yata ang panaginip na iyon? Ano ba talaga si Lola?

"P-po? Totoo po pala i-iyon?" utal kong sabi dahil hindi ako makapaniwala.

"Tara na." pumasok kami sa isang madamong daan at papasok ito sa mapunong lugar o gubat, gaya ng nasa panaginip ko maganda ito, napaka-peaceful at ang sarap ng simoy ng hangin. Maririnig mo ang mga awit ng mga ibon at mahangin dito. Nakakawala ng stress.

"Saan po dito ang bahay nyo?" baka pakanan din ang direksyon non.

"Pakanan po ba? Katulad ng nasa panaginip ko?" tanong ko ulit, at tumango naman sya.

Woaaa di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kumanan na kami at natanaw na namin ang bahay nya, gaya ulit ng nasa panaginip ko malinis ang labas nito. 

Nakarating na kami sa bahay niya, at nag door bell sya. O, may door bell din pala si Lola. Nagbukas na ang pinto at ang nagbukas nito ay isang babae na edad 50+ na siguro ito.

"Pasok po madam." sabi nya sa matanda. Nginitian nya rin ako at ngumiti din ako pabalik.

Ang lawak ng bahay nya ay puro libro nga, nabasa na kaya lahat ni Lola to. Ang dami kasi, bawat espasyo yata ng bahay niya ay puro libro e.

"Halika iha, doon tayo sa pahingahan ko." sumunod naman ako sa kanya at pagpasok namin sa pahingahan nya at napaatras ako. 


A-ano itong mga to? Parang ayaw ko na lang pumasok dahil nanginginig ako sa takot. Ang ganda nga ng labas pero pagdating dito ay parang gugustuhin mo na lang mamamatay kaysa pumasok pa rito. 

Kasi.

Kasi.

Kasi ano huhu.


Puro puso ng tao ang nakalagay sa Jar na may tubig... 

Kaya sa sobrang takot ko bigla na lang nag-dilim ang paligid.

_____________________________________________________

Guys excited na ba kayong ma-meet si Wonpil? Konting chapter na lang lalabas na sya hahahaha hint ko, hindi sya magtatagalog hahahaha. Yon lang, enjoy reading^^

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon