Chapter 25

7 1 0
                                    

Napaatras ako dahil sa gulat. Shit totoo ba to? B-Bakit nandito si Wonpil? Sinuot ko ulit yung uniform ko dahil nakasando lang ako. Baka makita n'ya pang nakaganito ako.

"Ma, b-bakit nandito si Wonpil? Sino yung kasama n'yang pumunta dito? Anong oras s'ya dumating?" sunod-sunod na tanong ko no'ng paglabas ko ng kwarto.

"No'ng kakaalis mo lang. Hindi mo ba s'ya napansin kaninang umaga." Napaisip naman ako, parang kaninang umaga may napansin akong kulay white na van.

"Sa kanya ba kanina yung puting van?" tanong ko kay mama.

"Oo. Alam mo bang hirap na hirap kami kanina dito. Pero kahit papaano naiintindihan ko pa naman yung English n'ya. Pero more on Korean s'ya, dumudugo na nga ilong ko e." sabi n'ya habang naghahanda ng meryenda.

"Sinong kasama n'ya kanina?" tanong ko ulit.

"Wala daw s'yang kasama. Yung puting van na yon inarkila lang daw n'ya no'ng nasa Korea pa s'ya. May kakilala daw kasi yung isang staff ng JYP Entertainment ba yon na Filipino kaya ayon nakasakay s'ya dyan." Paliwanag n'ya sakin. Teka paano naman s'ya agad nakapunta dito? At ang sandali n'ya lang nakausap yung staff ah, at hindi ata s'ya pinigilan ng manager nila at iba pang highest staffs ng JYP Ent.

Jusko Wonpil anong pinaggagawa mo.

"Gisingin mo na s'ya at para makapagmeryenda." Utos sa akin ni mama.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at lumapit ako sa kanya, nakatihaya na s'ya, kanina kasi nakatagilid e at nakatalikod.

Umupo ako sa edge ng kama. Hindi ko namamalayan nakatitig na pala ako sa kanya. Napabuntong hininga ako.

Ano bang pinaggagawa mo Wonpil, hindi mo talaga ako matiis at pinuntahan mo pa talaga ako dito, sinunod mo talaga yang maling nararamdaman mo para sa akin.

Paano ang mga pamilya mo doon na naiwan?

"Surprise." Bumalik naman ako sa ulirat ko no'ng nagsalita s'ya. Nakangiti pa talaga to.

"Surprise mo mukha mo." Sabi ko.

"Mwo?" (What?) pagtataka n'yang tanong.

"Amugeosdo."(Nothing) sabi ko naman sa kanya at yumuko.

"I miss you Avril that's why I'm here. And this is my surprise." Sabi n'ya sakin, kahit hindi ako natingin sa kanya alam kong masaya s'yang nakangiti. Hindi ako nagsalita, napapaisip ako kung bumalik yung dating s'ya. At kung bumalik man yon, babalik na s'ya ng South Korea at wala na s'yang babalikang banda at Entertainment do'n. At ayokong mangyari yon, hangga't maaga pa lang magdedesisyon na ako para sa kanya.

"Go back there." Walang emosyon kong sabi.

"Wae?" (Why?) maya-maya bigla na lang ako naluha pero hindi ko pinahalata sa kanya.

"Just go back in South Korea. Jebal(please)" mariin kong sabi.

"But I go here for you Avril." This time, lumungkot yung tono ng boses n'ya. Gustuhin ko man, pero hindi naman kasi tama to. Mas maiintindihan ko s'ya kung totoo yang nararamdaman n'ya.

"Stop following your wrong feelings for me." Sabi ko sa kanya. "For tomorrow, I will bring you back in your hometown. I'll find a way." Sabi ko sa kanya at lumabas ng kwarto at nagpunas ng luha.

"O bakit anong nangyari?" salubong sa akin ni mama.

"W-wala ma. L-Labas muna ako magpapahangin lang. Gising na pala s'ya, tawagin mo na lang po." Lumabas muna ako ng bahay nang hindi pa nakakapagpalit ng damit pambahay.

Gusto kong pumunta kay Lola Alicia at pipilitin kong gumawa s'ya ng pangpawala ng bisa ng gayuma.

Ayoko sa ganito. Nandito na si Wonpil, ayokong dumating sa point na hulog na hulog na ako sa kanya saka pa bumalik ang dating nararamdaman n'ya. Ayokong pareho kaming masasaktan sa huli. Okay ng ako ang uminda ng sakit wag lang s'ya, kung hindi dahil sakin hindi magkakaganon si Wonpil.

Ang laki kong tanga.

Gusto kong sabihin kay Wonpil ang totoo, pero hindi naman siguro s'ya maniniwala doon.

Pero susubukan ko. Susubukan kong sabihin sa kanya ang totoo bago s'ya bumalik ng South Korea.

Bumalik na ako sa bahay at nadatnan kong nakaupo si Wonpil sa sala habang kumakain at si mama naman ay nagsasaing na. Lumapit ako sa kanya para kausapin s'ya.

"Let's talk." sabi ko sa kanya. "Ma, usap lang kami sa labas." Paalam ko kay mama. Nauna akong lumabas ng bahay at sumunod naman s'ya.

Pumunta kami sa may playground dito samin tutal wala ng mga bata at mga tao sa labas dahil pagabi na.

"Ige mwoya?" (What's it?) tanong n'ya.

"Go back."

"Geuleonde wae?" (But why?) tanong n'ya.

"Dangsin-eun yeogie eobs-eoyahabnida." (You should not be here.) sabi ko habang nakayuko

"Wae? Naneun dangsin-eul wihae tteonassgo dangsin-eun jeoege dasi galago malhabnida."(Why? I left there, for you and you telling me to go back there.) sabi n'ya.

Pinaliwanag ko sa kanya lahat, pati no'ng nangyari no'ng fan meeting. Habang nagpapaliwanag ako sa kanya, tumutulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako para sa kanya, dahil sa pag-sunod lang n'ya sa walang katotohanang nararamdaman n'ya para sa akin. Lahat isasakripisyo n'ya para lang sa akin para sundin lang yang sinasabi ng puso at isipan n'ya.

Pesteng yan, bakit pa dumating sa buhay ko yang gayumang yan at bakit pinahintulutan ng tadhana na mangyari to? Mas okay na ako sa dati, kahit hindi nila ako kilala mas lalo na s'ya.

"Ige jinjjaga aniya?" (So this is not real.) tumango naman ako.





"Geurae, hajiman nan geunyang yeogie daehae saeng-gaghaji anhseubnida, naega yeogiissneun han, dangsin-eun naega dangsin-ihaneun mal-ui yuhyoseong-eul ilh-eo beolidolog doul geos-ibnida. salajiji anhneun han tteonaji anh-eul geos-ibnida." (Okay, but I will just don't think about it, as long as I'm here, you will help me to lose the validity of what you say. As long as it's not gone, I'm not leaving.)

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon