Chapter 17

16 2 0
                                    

Walang hiya talaga tong Karen na tooo! Sinabi ko na ngang iiwas ako tapos biglang nagtext. Oo gusto kong habulin n'ya ko pero yung totoong feelings. Ayoko yung gagamit ng gayuma, huhu paano na to.

To: Karen, Mina

Me: BINIGAY MOOOOOO? WALANGYA KAAA HUHU

Kakalbuhin ko talaga tong babaeng to. Hindi lang feelings ni Wonpil talaga ang inaalala ko, yung career din n'ya. Forbidden kasi dating sa JYP Entertainment. Kapag hindi nila sinunod ang contract na yon, madidisband sila or aalis s'ya sa banda. Hindi pwede yon!

From: Karen, Mina

Karen: Bakit nag-text na sayo? : >

Me: OO! BAKIT MO KASI BINIGAY?!

Karen: Hala tih? Ngayon ka pa nagpahard to get kung kailan nahumaling na sayo si Wonpil o. Hindi ka ba natutuwa kasi natupad na pangarap mo? Haha iba ka.

May point si Karen, pero mali to. Maling-mali, ang tanga ko kasi bakit huli ko ng mapansin na gayuma pala yon. Kainin na sana ako ng lupa.

Hindi ko na nireply-an si Karen, windang na windang ako ngayong araw na to. Ang daming nangyari.

Lord, bakit n'yo naman po pinahintulutan to? huhu

Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Pero sana mawala yung bisa ng gayuma, iyon lang hinihiling ko. At isa pa hindi ko talaga sinadya yon, gaya nga ng sabi ko, gusto kong mahalin n'ya ko yung totoo at bukal sa puso n'ya at walang halong gayuma na yan.

Hindi ko rin alam kung rereply-an ko ba si Wonpil, nakatitig lang ako sa text n'ya habang malakas ang kabog ng dibdib ko na parang gusto ng kumawala sa loob ng katawan ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malagkit. 

Napagdesisyonan kong wag munang reply-an si Wonpil kahit gusto ko na s'yang pansinin kaso pinipigilan ko ang karupukan ko. Kasi kapag sinunod ko to wala na end of Avril na. 

Lumabas muna ako ng kwarto at kumuha ng malamig na tubig dahil init na init na ako. Kahit may electric fan naman sa kwarto, at malamig ang panahon. Wala pa ring hinto ang kabog ng dibdib ko. Huhu huminto ka na please, alam kong marupok ka pero wag muna ngayon please ayokong matrouble ako lalo na si Wonpil. Katapusan na ng mundo kapag sinunod kita. Ha--


*KRIIINGGGGGG*

O paking tape! Tumatawag s'yaaaaa. What to dooo? Helpppp huhu.

Pumasok ulit ako ng kwarto at nagdedecide pa rin kung sasagutin ko ba. Nakatitig ako sa phone ko habang nanginginig ang mga kamay ko.

Sagutin ko kaya? At magpanggap akong chappy ang signal at i-off ko at magpapalit akong sim. Siguro ganon na lang nga ang gagawin ko. 

Isa.

Dalawa.

Tat-

"Avril lumabas ka nga d'yan. May naghahanap sayo sa labas."





Potahamnida. Napansin kong inend na ni Wonpil yung call at lumabas na ako ng kwarto. 

"Sinong naghahanap sakin ma?" tanong ko sa kanya.

"Sila Karen at Mina." What a relief, akala ko kung sino na ang nag-hahanap sa akin.

"Bakit pawis na pawis ka?" tanong ni mama sakin.

"A-ah, nag-eexercise a-ako" at nag-inat-inat naman ako ng katawan at sabay lumabas na ng bahay, ayokong tanongin ako ni mama nanaman ng kung ano-ano at baka madulas ako.


"Bakit kayo nandito?" sabi ko sa kanila habang binubuksan ang gate.

"May surprise kami sayo" sabi ni Mina

"Iniwan ko nga kayo do'n tapos may pasurprise pa kayo. Enebeyen?"sabi ko sa kanila at isinukbit ang buhok ko sa tenga ko hahaha.


"PASOK!" sigaw ni Karen. Anong pasok? Ang daming pakulo ha, at ang dami ding nangyari ngayong araw.

Napansin kong may papalapit na lalaki dito sa kinatatayuan namin na lumabas sa isang, ewan ko kung saan yon, hindi ko makita kasi may mga nakaharang na mga sanga at dahon ng bulaklak ni mama.

Naka-cap s'yang puti at at nakatokong na white at naka T-Shirt na dilaw at nakaface mask na itim. Sino naman to? Napansin kong mabalahibo yung binti nito.


Teka?




"Andwae"(No way) mahinang sabi ko.




S-Si.






S-Si Wonpil ba to?

---------------------------------------------------------------------

Hi readers, huhu ngayon lang nakapag-UD ulit. Kahit hindi pa ako gaanong okay. Keep on reading and I'm not sure kung makakapag-UD ako next next day pero sisikapin kong makapag-UD kahit isang chapter lang : )


Thanks for reading~























Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon