Chapter 26

9 1 0
                                    

THIRD POV

Flashback

"Naneun Philippines gal geos-ida"(I will go to Philippines) sabi ni Wonpil sa kanyang mga kasama habang nasa dorm sila.

"Geogiseo mueos-eul hasigessseubnikka?" (What will you do there) tanong naman ng kanilang leader na si Sungjin.

Napangiti naman si Wonpil, naisip n'ya kasi si Avril.

"Uriga fan meeting-eulhaess-eul ttae mannan sonyeo ttaemun-e? Avril-i majseubnikka?" (Because of the girl you met when we had a fan meeting there? Is Avril right?) singit na tanong ni Jae. Tumango naman si Wonpil dahil sa tanong ni Jae.

"Daehaengsaga eomgyeoghan gyeong-u eotteohge dochaghabnikka?" (how do you get there if our agency is strict?) at ngayon si YoungK na ang nag-tanong.

Napagdesisyonan na n'ya ito. Handa n'yang iwan ang career n'ya para lang kay Avril dahil sigurado na s'ya sa kanyang sarili na gugustuhin n'ya na lang makasama si Avril habang-buhay. Gusto na n'yang sundin ang mga gusto n'ya nang walang humahadlang. Nakapag-paalam na rin ito sa magulang n'ya, noong una ay ayaw pa ngunit wala silang magagawa dahil desisyon n'ya na ito.

Bumuntong hininga muna s'ya bago nagsalita.

"Naneun uri gigwan-ui hoejang-ege iyagihago beobjeong hyugaleul-wihan pyeonjileul sseul geos-ibnida" (I will talk to the president of our agency and I'll write a letter for my legal leaving) sabi n'ya. Nagulat naman ang apat sa sinabi n'ya.

"Yah!" sabay-sabay na sabi nilang apat.

"Jinjja? Seoduleuji anhgo gyeoljeong-eul naeliji malgo sinjunghage saeng-gaghasibsio." (Seriously? Don't make a decision in a rush, just think about it carefully) sabi ni Sungjin.

"Hyunggg, dangsin-eun urileul tteonalgeoya?" (Are you going to leave us?) sabi ni Dowoon at nagpout, at pinalupot n'ya ang kamay n'ya sa braso ni Wonpil.

"Anieyo." (No) sabi ni Wonpil.

Kinabukasan

Kausap na ngayon ni Wonpil ang Head Department ng Agency, ngunit sinabihan s'ya nito na kausapin n'ya ang promoter at CEO ng Agency. Tumango naman s'ya at pinuntahan ito.

Bumuntong hininga muna s'ya bago pumasok ng office ng CEO nila. Tinanong pa s'ya nito kung anong kailangan n'ya at ibinigay n'ya ang Resignation Letter.

Pero hindi pumayag ang CEO nila dahil kailangan ng banda si Wonpil dahil umalis na rin dati ang keyboardist ng banda kaya hindi pumayag ito. Napag-isip-isip ng kanilang CEO na bigyan na lamang s'ya ng Temporary Leaving Contract for 5 months. Pumayag naman s'ya, pero sa isip n'ya ay saglit lang yon.

Hindi n'ya sinabi ang tungkol kay Avril, dahil para patuloy pa rin ang kanilang banda. Bumalik na s'ya sa dorm at sinabi n'ya sa mga kasama ito, at bukas na bukas aalis na s'ya. Buti na lang at may kakilala ang CEO n'ya na Staff na may kamag-anak sa Pilipinas kaya't ipapasundo na lang si Wonpil sa Pilipinas.

Hindi n'ya na inisip na saglit lang iyon, ang mahalaga makasama n'ya si Avril.

End of Flashback

Avril

Hindi ako pumasok ngayong araw para puntahan si Lola Alicia, buo na talaga ang desisyon ko na manghingi o magpagawa kay Lola Alicia ng pampawala ng bisa. May ipon pa naman ako, kaya iyon na lang ang ibabayad ko.

Maaga akong umalis, at sinabi ko kay mama na may importante akong pupuntahan. Hindi ko na sinama si Wonpil, mahirap na baka pagkaguluhan s'ya, sinabihan ko na lang si mama na huwag s'yang palalabasin. Pinaloadan ko na rin si mama para kung mag-uusap sila i-google translate na lang n'ya kapag mag-kokorean si Wonpil, may voice record naman do'n hahaha.

Kung iniisip n'yong nagtabi ba kaming natulog? Haha syempre hindi, do'n ako sa kwarto ng kapatid ko natulog.

And guess what? Mas kinikilig pa s'ya sa akin at gusto n'ya pang tumabi kay Wonpil, napaka-landi ng batang yon hahaha at hindi makatulog kung bakit s'ya nasa bahay namin. Ang sinasabi ko na lang, naligaw si Wonpil kaya kinupkop muna namin ni mama hahahahaha.

"Tao po." Sigaw ko, nandito na kasi ako kina Lola Alicia. Bumukas naman ang pinto, at s'ya ang nagbukas.

"O iha bakit naparito ka halika pasok ka." Pumasok naman ako, hindi ko na kasi natext si Lola Alicia, kasi yung dapat na iloload ko, kay mama ko binigay.

"May favor lang po kasi ako sa inyo e." sabi ko at umupo kami dito sa sala.

"Ang aga mo dito ha. Anong favor ang gusto mo? Gayuma ulit?" natatawa n'yang sabi.

"Hindi po. Mayroon po ba kayong pampawala ng bisa ng gayuma? Magbabayad po ako." Nagulat naman s'ya sa sinabi ko.

"Meron naman, kaso gagawa pa ako." Sabi n'ya. Hays salamatttt.

"Lola, please po parang awa n'yo na gawan n'yo na ako. Promise po magbabayad ako kahit magkano po, mabigyan n'yo lang ako." Lumuhod na ako sa harapan n'ya.

"Bakit ka naman manghihinga ng ganon iha?" tanong n'ya.

Pinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat tungkol kay Wonpil at kung bakit gusto kong bumalik ang dating nararamdaman ni Wonpil.

"Kawawa naman s'ya. Sige gagawa ako. Pero matagal ang pag-gagawa no'n iha. Aabutin ng tatlong buwan." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya. Nagdesisyon pa naman ako na pabalikin na si Wonpil ngayong araw.

"Hala Lola, ngayon ko na dapat ipapagamit sa kanya, para makabalik na s'ya ng South Korea." Sabi ko naman sa kanya.

"Matagal ang paggagawa no'n iha."

"Wala po ba kayong nakastock dyan?" kinapalan ko na talaga ang mukha ko.

"Wala e, ang paggagawa kasi ng ganon, kailangan ipapainom agad. Matagal nga ang inaabot ng paggagawa ng ganon pero dapat ipapainom agad kasi nawawala agad ang mahika no'n." napasimangot naman ako.

Paano na to?

"P-pwede po bang umpisahan n'yo na ngayon?" sabi ko sa kanya.

"Oo naman para sa lalaking sinasabi mo. Naaawa din ako e. Saka hindi mo naman sinasadya na ipainom sa kanya iyon e." sabi n'ya. Napahinga naman ako ng maluwag. Kaya lang maghihintay ako ng tatlong buwan.








Tatlong buwan ko rin makakasama si Wonpil.

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon