Chapter 19

13 2 0
                                    

Nakaalis na si Wonpil dahil tinawagan na s'ya ng apat. Nag-aalala ako sa kanya sa magiging career n'ya kapag susundin n'ya ang maling nararamdaman sa akin.  Hindi ko tinranslate kanina yon dahil saktong tinawagan s'ya ng leader nila. Hindi ko naman ginustong painumin ng gayuma si Wonpil, pero bakit ginagawa ng tadhana to.

"Dai anong sasabihin mo pala?" tanong ni Karen sa akin. Nandito kami sa kwarto kaya walang makakarinig.

"H-Hindi totoo yung f-feelings ni Wonpil para sa'kin." napayuko ako dahil parang babagsak ang mga luha ko

"Ha? Anong hindi? Mukhang seryoso naman, nagpupumilit nga sa'min kanina na sumama e. Wala naman kaming magagawa kasi gusto ka n'ya talagang kausapin at makita ka." pagpapaliwanag ni Mina. Bumuntong hininga ako, sasabihin ko na ang totoo.

"Sa totoo n'yan nagayuma ko si Wonpil, yung ininom n'ya kanina sa tumbler ko, gayuma yon." nagulat yung dalawa sa sinabi ko. Habang ako bumagsak na ang mga luha ko, dahil na rin sa hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"H-ha?  Totoo yung mga gayuma? At saka bakit nandodoon yon sa tumbler mo?" tanong ni Karen. 

Pinaliwanag ko sa kanila yung totoo, kung anong nangyari, habang umiiyak ako. Yung plano ko munang hindi pag-punta sa mga gathering na kasama ang Day6, hindi na muna ako pupunta para na rin hindi ako makita ni Wonpil at hindi n'ya na rin ako sundan para sundin ang maling nararamdaman n'ya. Kakausapin ko si Lola Alicia kung hanggang kailan mawawala yung bisa ng gayuma kasi hindi ko talaga makakayanan na talikuran n'ya yung pangarap n'ya at isa pa, hindi na sila katulad dati na underrated pa lang dahil ngayon ay narerecognize na sila.

"Hala anong gagawin mo n'yan te?" tanong naman ni Mina habang hinahagod ang likod ko.

"Kakausapin ko si Lola Alicia bukas pwede n'yo ba akong samahan?" sabi ko.

"Oo naman, anong oras ba? Linggo bukas diba? Free naman ako buong araw?" sabi ni Karen at ganoon din daw si Mina.

"After lunch, magsisimba pa kasi kami." pumayag naman silang dalawa. Maya-maya nagpaalam na silang uuwi dahil pagabi na. Hinatid ko na sila sa may sakayan ng tricycle tutal ay malapit lang naman yon sa bahay namin.

"Ingat kayo." sabi ko sa kanila at kinayawan naman ako.

Pauwi na ako ng bahay nang may matanggap akong text.




Si Wonpil nanaman.


Hindi ko sinave ang number n'ya pero alam kong s'ya. Ibang number nanaman? Hay nako, ilang number ba ang mayroon s'ya. Hindi ko na lang s'ya nireplyan at nilagay ko na lang ulit bulsa ko yung phone ko.

Bakit ang bagal ng oras ngayon? Sinasadya ba talaga ng tadhana to na hindi muna matapos ang araw na to? Kasi ako gusto ko ng matapos, para makapagpahinga na at sana panaginip lang tong mga to.

Sana saglit lang ang bisa ng gayuma.

Nakauwi na ako ng bahay na nakatulala, hindi ko ineexpect na mangyayari tong mga to, gulat na gulat pa rin ako sa mga pangyayari. 

Gusto ko ng matulog.

"O ate napano ka? Bakit para kang sinabugan?" bungad sa'kin ng kapatid kong bruha wala kasi s'ya sa bahay kanina kaya hindi n'ya alam ang nangyari kanina dito.

"Hindi pa yata nakakamove on sa kanina hahaha." pang-aasar pa ni mama habang walang gana akong naglalakad papunta sa kwarto.

"Bakit ma? Anong nangyari?" usisa ng kapatid ko.

"Pumunta kasi si Wonpil dito, para makausap at makita ate mo." bigla namang tumili ang walangya kong kapatid kaya biglang parang bumalik ako sa sarili ko.

"OMO! TOTOO MA? O BAKA MAGKAKONTSABA LANG KAYO NI ATE HAAA." bwisit na bata to ang lakas ng boses.

"Hinaan mo nga boses mo." irita kong sabi.

"Totoo yon, may picture pa nga kami e hahaha." hala? Nagpicture pa nga.

"Patingin maaa, patingin." sabi niya.

"Teka sandali kunin ko lang sa kwarto namin yung cellphone ko." tumango naman kapatid ko habang kinikilig. Aba malandi to, parang dati lang sinasabi n'yang hindi magkakatotoo yon tapos ngayon s'ya pa tong tuwang-tuwa.

"Ito o nak." sabi ni mama na kakalabas ng kwarto. Nagpicture pala sila, bakit di ko alam. Siguro wala talaga ko sa sarili no'ng mga oras na yon hays.

"OMGGGGG! TOTOO NGAAAAAA YIEEEEEEEE." pag di ako makapagpigil masasapak ko to.

"ATEEEE ANG GWAPOOOO. KAILAN ULIT BABALIK YAN DITOOO." sabi ng malandi kong kapatid hahaha.

"Pag wala ng itim sa mata mo." pinandilatan n'ya naman ako ng mata.

"Ma, gwapo?" usisa n'ya ulit. Hay nako subukan n'yang agawin si Wonpil isasako ko talaga s'ya.

"Oo naman, mukhang prinsipe sa gwapo Abby." hala pati tong si mama kinikilig na.

"Ihhh sayang hindi ko nakita." lungkot na sabi n'ya.

"Buti nga hindi mo nakita e hahaha." sabi ko pumasok na ng kwarto. Napahinto kasi ako sa paglalakad kanina dahil sa usapan nila.


Bukas, malalaman natin kung hanggang kailan yung bisa na yon at mabubuhay na ako ng tiwasay kung mawawala agad yon.








Sana. 

Love by Spell (Day6 Fanfic) #WonpilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon