Chapter 9

230 57 19
                                    

Nakalabas na ako ng campus. Hindi ko alam kung saan na ako napadpad. Naupo ako sa bench na nakita ko. Ang sakit na ng paa ko. Nakaheels pa naman ako ngayon. Nakapants ako ngayon at long sleeve na pantaas. Hinilot ko ang paa ko ng hindi tinatanggal ang sapatos ko.

Pero nabigla ako ng may humawak sa paa ko at tanggalin ang sapatos ko.

"Anong ginagawa mo?!"

"Tinutulungan ka."

"Pwede ba I don't need your help!" Sigaw ko dito pero hindi sya naiingling tumigil sa ginagawa nya. Hanggang sa natanggal na nya ang sapatos ko sa kanang paa. Ganun din ang ginawa nya sa isa ko pang paa. Ng matanggal nya ito ay hinilot hilot nya ito. Napatingin naman ako sa paligid at napansing tinitingnan kami ng mga nadaang tao. Nasa labas na kami ng campus kaya hindi lang estudyante ang nandito. Hihilahin ko na sana ang paa ko dahil nahihiya na ako sa mga tumitingin sa amin.

"Wag kang malikot Angel." Sabi naman nito. Ng matapos sya sa paa ko ay isinuot ulit nya ang sapatos ko. "Makakalakad kaba?" Tanong nya sa akin habang nakaluhod parin sa harapan ko. Iniiwas ko naman ang tingin ko dito.

"Bakit kaba sumunod?"

"Dahil sabay tayong maglalunch diba?" Napalingon ako sa kanya at nakita na naman ang dimples nya.

"Bakit pumayag ba ako?" Nakataas kilay kong sabi.

"I don't need your permission. Remember? May utang kapa sa akin."

"Tsk." Bigla naman akong napahawak sa tyan ko dahil nakaramdam na ako ng gutom.

"So, tara na?" Tumayo na ito.
"At sa tingin mo sasama ako sayo? Ni hindi nga kita kilala eh." Bigla kong sabi dito. Totoo naman hindi ko sya kilala.

"Okay, You are Richie Angel Real right?" Napanganga naman ako sa sinabi nya. Stalker ba sya? "Pinakilala ka sa akin ng best friend mo nung nagkabungguan tayo. Remember?" Bakit naman sasabihin ni Chloe ang pangalan ko sa kanya? "At ako nga pala si Charlie Dwayne Taipe, 4th year student. At same tayo ng course. Business Ad." Nakangiti nyang sabi. Charlie Dwayne? Hmn. Parang narinig ko na ang pangalang yun ah. Saan nga ba?

"So magkakilala na tayo, so tara na?" Bigla ulit nyang yakag. Hindi ko na tuloy naisip kung saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon. Tumayo na ako dahil nagugutom narin naman ako. Pero bagya na akong makalakad dahil medyo masakit parin ang paa ko. Hinawakan naman nya ang bewang ko at ang kanang kamay ko pero tinulak ko sya.

"Anung ginagawa mo?"

"I'm trying to help you. Don't worry makita man tayo ng boyfriend mo ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya." Binalik ulit nya ang kamay nya sa bewang ko at inalalayan ako sa paglalakad.

"At naniwala ka naman sa bruhang si Sofie?" Tumigil naman sya sa paghakbang kaya napatigil rin ako. Tiningnan ko naman sya ng nakakunot ang noo.

"So, wala ka talagang boyfriend." Nakita ko ang pagngiti nya. Nababaliw naba ang lalaking to? Ano naman nakakatuwa sa sinabi ko. Tsk. "Mabuti naman."

"Anong sinabi mo?" Di ko kasi narinig ang huli nyang sinabi. Umiling lang ito habang nakangiti.

"Saan mo ba balak kumain? Malapit naba tayo? Ang sakit na kasi talaga ng paa ko." Sabi ko naman dito. Kanina pa kasi kami lakad ng lakad. Ang dami na naming nadaanang mga resto na pede namang kainan.
"Andito na tayo."  "Talaga?" Napangiti naman ako. Sa wakas makakakain narin! Gutom na gutom na talaga ako. "Alin dito?" Tanong ko dahil ilang kainan ang nasa harap namin. Bigla naman nyang tinuro ang nasa gilid na maliit na kainan. Nagtaka akong napatingin sa kanya. "Dyan? Bakit dyan?" Itinuro kasi nito ang karinderyang nasa gilid ng mga malalaking kainan. Hindi naman sa pag-iinarte pero hindi ko pa nasusubukang kumain sa isang karinderya. Medyo maselan din ako sa mga pagkaing kinakain ko dahil may food allergy ako.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon