Chapter 41

124 23 0
                                    


"Dwayne?"

"Yes Love?" Malambing nyang tugon.

"Binayaran mo lang ba si Rai or may sinabi pa syang iba?" Lumingon ito sa akin saglit ng nakakunot ang noo. Napawi na ang ngiting nakapaskil sa labi nya kanina.

"Whose Rai?"

"Yung President ng Engineering."

"Do you like him?" Napataas ang kilay ko sa tanong nito. God! Nakalimutan kong pinagseselosan nga pala nya ang taong iyon, lalo na noong basketball. Sila Rai kasi ang kalaban nila noong Championship, at nahuli nya ako ng time na iyon na nakatingin dito. Tsk.

"What kind of question is that? Isa lang ang nagugustuhan ko at alam mo kung sino yun. Tsk." Nakita ko ang pagngisi nito dahil sa sagot ko. Moody as ever. Tsk.

"Good! Yup, nagbayad lang ako. Bakit may kailangan pa ba syang sabihin pwera sa payment?"

"Wala naman." Sagot ko nalang. Mukha namang matino si Rai at hindi naisipang lagyan ng kalokohan ang kontrata nya. Tsk. May pakontrata pang nalalaman bayad lang naman pala ang ilalagay nya. Tsk. Tsk. Wasting a piece of paper and ink.

"Eto na tayo, Love." Namalayan ko nalang na inihinto na ni Dwayne ang sasakyan. Sinilip ko ang labas, pero kahit anong paglibot ko ng paningin ko ay hindi pamilyar sa akin ang paligid. Nasaan ba kami? Ni wala akong makitang bahay sa paligid. Puro matataas na pader ang nakaharang.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan kaya lumabas na ako. Hinatak na nya ako papasok sa loob. Ni wala man lang karatula o pangalan man lang ng pinasukan naming malaking gate.

"Sure kabang tama ang pinasukan natin?" Pagpigil ko kay Dwayne ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Wala naman akong nakikitang kakaiba dahil puro halaman ang nasa paligid. Ang kinatatayuan lang namin ni Dwayne ang maliwanag dahil hindi ko maaninag ang kabuuang lugar dahil gabi na nga.

"Yep. Don't worry hindi kita ipapahamak." Nakangiti nyang saad at hinatak na naman nya uli ako. Tumigil kami sa paglalakad ng nasa harap na kami ng isang maliit na arko na gawa sa kahoy at napapalibutan ng mga bulaklak. "Go, Angel. Just follow this pathway. I'll wait until you reach the end." Nakangiti nitong saad sa akin. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil bigla nalang itong tumakbo palayo sa akin. Salungat sa nilalakaran namin.

Wala na akong nagawa pa para habulin pa ito. Tsk. Ano na naman kayang pakulo ng lalaking iyon? Ibinalik ko ang paningin sa arkong nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok dito. Damuhan parin ang aking nilalakaran.

Puro maliliit na puting bumbilya ang nakasabit sa magkabilaang gilid ko na syang nagsilbing ilaw sa loob. Mala tunnel ang aking dinaraanan. May bubong ito at may sangga ang magkabilaang side ko, kaya hindi ko makita ang nasa labas. Hindi ako makakaalis sa tinatahak ko kung hindi ako babalik sa pinanggalingan ko o kung hindi ko tatapusin ang nilalakaran ko. Ang kanan at kaliwang side ko kasi ay may mga halaman at bulaklak na nakadesign, na syang nagpaganda sa daan. Halatang ginawa lang ang lahat ng to para mas maging romantic ang lugar at para hindi ako maligaw papunta sa lugar na destinasyon ko.

Akala ko maganda na ang nilalakaran kong iyon pero ng lumiko ako ng trail at tumapak sa sementado nang daan ay mas namangha ako ng biglang kumislap ang iba't ibang kulay ng ilaw. Habang ang daan ay puno ng red and white petals ng roses. Hindi ganoon kaliwanag sa dinaraanan ko katulad ng nauna kong tinahak dahil mas marami ang iba't ibang kulay kaysa sa puting bombilya. Pero sapat ang liwanag para makita ko parin ang dinadaanan ko. Para ngang Christmas light ito pero mas malaki lang ang bombilya nito. Nakasabit parin ito sa magkabilaang gilid ko.

Nagsimula na muli akong maglakad pero huminto rin ako agad ng may makitang isang red rose sa daan na may nakasabit na card na neon pink, kaya talagang mapapansin ko ito. Pinulot ko ito at binuksan ang isang maliit na card na nakasabit dito. Binuksan ko ito at may nakasulat na word na 'Please'. Malaki ang font size kaya mababasa ko ito ng walang kahirap hirap. Naglakad muli ako at katulad ng nauna ay may isang pulang rosas na naman akong nakita sa daan. Binasa ko muli ang nakasulat sa card na 'be'. Dalawa pa ang pinulot kong red roses na may nakasulat na 'officially' at 'mine'. Please be officially  mine. Ba't kailangan pa nya akong tanungin muli e kami na nga? May surprise na ba sya sa akin bago pa nya ako tanungin?

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon