RICHIE's POV"Are you still thinking about that?" Tanong ni Louie habang pinipilit nya akong pakainin. Nawalan kasi ako ng gana dahil sa page-eskandalo ni Sofie.
"I know Dad will never lie to me." Naniniwala ako kay Dad pero bakit hindi ko maiwasang isipin ang sinabi nya. At ano ang ibig nyang sabihin na sya dapat ang nasa Mansion at hindi ako?
"Maniwala ka Richie kay Tito Richard, witness ako sa pagmamahalan nila ni Tita Esmeralda."
"Matagal na silang magkakilala ni Tita Anasthasia diba?" Bigla kong tanong na nagpakunot ng noo nito. "Hindi dahil naniniwala ako kay Sofie pe----"
"Sssssh." Biglang tinakpan ni Louie ang labi ko gamit ang hintuturo nya. "Ask your Dad Richie. Sya lang ang makakasagot sa mga katanungan mo. Just don't jump to a conclusion okay?" Tumango naman ako. Sinubuan nya ako ng pagkain, kahit ayaw ko ay napilitan akong ngumanga. Alam kong hindi titigil itong si Louie hangga't hindi sya nagtatagumpay sa nais nya.
"That's my girl." Sabi pa nya. Hinablot ko ang kutsara at ako na ang nagsubo sa sarili ko. Nakakailang subo lang ako ay umayaw na ako, wala namang nagawa si Louie. Nagpaalam sya sa aking na pupunta na syang kitchen para bisitahin ang ginagawa ng mga kasama nya. Ala una na rin kasi ng hapon.
Nakaupo lang ako sa silya habang naglilinis ang mga maid. Tinatamad akong silipin sina Chloe sa kitchen lalo na at makikita ko si Dwayne. Naiinis kasi ako sa kinikilos nya. Hindi ko sya maintindihan.
"Miss." Napalingon ako at nakita si Elena na nakatayo sa gilid ko. Tumaas naman ang kilay ko sa kanya kaya napayuko sya sa akin. "Sorry po sa nangyari kanina." I rolled my eyes to what she says. "At thank you po sa pagtatanggol sa akin."
"What? I don't even care about you." Pero nakita ko ang pagngiti nya na inirapan ko lang. "Sa susunod kasi tawagin mo agad si Manang Catalina, o ako para walang nangyayaring ganto." Bigla ko namang sabi. Tumango naman siya. "Sige na. Tumulong kana dyan." Pagtataboy ko dito. Dali dali naman syang umalis sa gilid ko. Nakita ko pa ang ibang maid na nakatingin sa akin.
"What?!" Bigla naman silang nabigla sa pagsigaw ko at nagbalikan sa ginagawa nila. Tumayo ako at lumakad papunta sa malaking puno. May bench sa ilalim nito kaya naupo ako. Sumandal ako habang nakatingin sa ulap. Mahangin at medyo may kalamigan na ang simoy ng hangin dahil malapit naring magpasko. Pumikit ako at unti - unti na akong hinila ng antok.
Biglang humangin at nakaramdam ako ng lamig. Sumiksik ako, uminit naman ang pakiramdam ko sa ginawa ko. Pero bakit nakakaamoy ako ng mabango? Amoy lalaki. Napakunot ako pero hindi parin ako nagmumulat ng mata.
"Hmn." Ungot ko habang hinahawakan ang katabi ko kung saan nagmumula ang mabangong amoy. Hinahaplos ko ito pero nagtataka ako kung bakit matigas. Matigas?
"Ano bang hinahanap mo dyan?" Narinig kong nagsalita ito. Bigla kong naalala na nasa garden nga pala ako. Unti-unti kong minulat ang mata ko at luminaw ang nasa harapan ko. Isang nilalang ang nakatingin sa akin ngayon. Biglang nanlaki ang mata ko dahil nakasandal ako sa balikat nya at ilang pulgada lang ang layo ko sa mukha nya. Isinisiksik ko pala ang mukha ko sa mainit nyang leeg. At ang kamay ko ay nasa dibdib nya.
Bigla naman akong umipod palayo sa kanya. Napatingin ako sa nahulog na kumot sa aking hita. Kinuha ko ito at napatingin sa kanya.
"Hindi ko alam na kahit saan pala ay nakakatulog ka." Sabi nya sa akin. "Nagpakuha ako sa maid mo ng blanket dahil may kalamigan na dito baka kasi magkasipon kapa." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tinakpan ko agad ang bibig ko dahil bigla akong bumahin. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh." May pag-aalala nyang sabi.
"Sa susunod kasi kung gusto mong matulog, pumunta kang kwarto mo hindi yung kung saan saan ka nauupo at natutulog." Panenermon nya sa akin. "Ang laki laki ng bahay mo sa garden mo pa naisipang matulog." Hindi ako naimik habang patuloy sya sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...