Chapter 39

130 24 0
                                    


DWAYNE’s POV

“Dwayne!” Rinig ko pa ang pagtawag nya pero hindi na ako lumingon pa sa kanya. Naglakad lang ako ng naglakad palayo sa kanya.

Nagtatampo ako, ay ewan nababakla na ata ako. Feeling ko ako lang naman ang may gusto na lagi kaming magkasama. Lagi nalang ako ang naglalambing sa aming dalawa, tas lagi pa syang nagtataray sa akin. Mukhang kung magiging kami at yayakagin ko syang magpakasal aayawan nya ako. Shit! Ba’t ang sakit sa puso habang iniisip ko yun? Hindi naman pang bata ang marriage booth na yun. Kung pwede ngang totohanang kasalan na niyakag ko na sya agad. Kaso mukhang kahit hindi totohanan ayaw din nya.

Bigla naman akong umiling. No, alam kong hindi malambing si Angel pero ramdam kong gusto din naman nya ako. Sinabi na nya iyon hindi ko na kailangan pang marinig ng paulit ulit. Isa pa hindi ko sya susukuan kahit napakataray pa nya. Mahal ko na sya e, ngayong nasa akin na sya hindi ko na hahayaang bumalik ako sa dati kung saan hanggang tingin nalang ako sa malayo.

Tumigil ako sa paglalakad at babalik na sana sa pinanggalingan ko ng mapakunot ang noo ko. Saan nga bang department ko iniwan si Angel? Shit! Malayo naba ang nalakad ko? Sa dami ng tao sa paligid at mga tent sa field ay parang nagmistulang ibang lugar ang Campus. Shit! Hindi ko alam kung nasaan ang marriage booth na iyon! Patay na! Baka magalit sa akin si Angel. Hindi ito pwede! Nagtanong na agad ako sa ilang taong nakakasalubong ko kung nasaan ang lint*k na marriage booth na iyon. Nakarating naman ako agad pero wala akong Angel na nadatnan doon. Sarado na ang booth ng makapunta ako doon. Kaya agad akong umalis at hinanap sya sa ibang booth.

Kanina pa ako naglalakad at sinisilip ang bawat booth na madadaanan ko. Napasilip ako sa relos ko at nakitang mag-aalas sinko na ng hapon. Shit! Halos thirty minutes ko ng hinahanap si Angel! Nag-aalala na ako. Baka mamaya hindi na nya ako pansinin at tuluyang magalit dahil sa pang-iiwan ko sa kanya! Saan ko ba natutunan ang pagwo – walk out na yun? Bullsh*t!

“Brod!” Napalingon ako at agad nawala ang kaba ko ng makita sina Dos at Troy na papalapit sa akin. Mukhang matutulungan ako ng mga ito ah.

“Putcha! Kanina ka pa namin hinahanap!” Bungad agad sa akin ni Dos na mukhang stress na stress.

“Akala ko makakapang chicks na ako. Napurnada pa dahil sa’yo!” Sikmat pa sa akin ng babaero kong kaibigan na si Troy.

“Anong pinagsasabi mo dyan, brod?” Imbes na sagutin ako ng mga ito ay may kinausap sila sa kani – kanilang cellphone.

“Nakita na namin sya.” Saad ni Dos sa kabilang linya.

“Oo, okay na... Doon nalang tayo magpangita ulit.” Saad din naman ni Troy sa kausap nito.

“Bakit? May nangyari ba?” Kinakabahan ko ng tanong dahil seryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila. Alam kong hindi nila ako hahanapin kung wala lang.

“Oo! Saan kaba kasi nagsusuot ha?” Pasinghal pang saad ni Dos.

“Hinahanap ko si Angel.” Napakamot naman ako ng ulo.

“Bakit mo kasi iniwan, Brod?” Inis na sabi pa ni Troy.

“Paano nyo nalaman? Alam nyo ba kung nasaan sya?” Nag-aalala ko ng tanong. Pansin ko na rin ang pagkairita ng dalawa kong kaibigan. Paano nila nalaman na iniwan ko si Angel? Nasaan sya?

“Oo, tara na.”

“Dalian natin baka hindi na natin sya maabutan.” Nalilito man ay sumunod na agad ako sa kanila. Patakbo na kaming tinutungo kung nasaan man si Angel. Kinakabahan narin ako. Shit! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya!

RICHIE’s POV

Gusto kong mainis sa kanya dahil bigla nalang nya akong iniwan kaso nga lang alam ko sa sarili kong kasalanan ko din naman. Napabuntong hininga ako. Gusto ko sana syang sundan kaso hindi ko na mahagip ang bulto nito. Kukunin ko na sana ang phone ko ng maalala na parehas naming iniwan ang gamit namin sa kotse nito. Tanging pera ko lang ang nasa bulsa ko. Tsk. Bwisit! Kung alam ko lang na mangyayari 'to hindi ko na sana iniwan ang cellphone na ko!

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon