Pumunta naman ako sa living room at nadatnan ko si Sofie na nakikipag-usap sa dalawang babae. Nang makita ako ng mga ito ay tumayo silang dalawa.
"Good Morning, Miss Real." Bati sa akin ng isang magandang babae. "I'm Heart de Guzman, your Event Organizer." Nakipagkamay ako rito bago bumaling sa kasama nito.
"Jennica Celeste, Assistant Coordinator." Nakangiting saad ng magandang babae na may maikling buhok tsaka nakipagkamay sa akin.
"Take a sit para makapag-umpisa na tayo." Alok ko sa mga ito.
"Actually kanina pa kami nag-umpisa." Sabad ni Sofie na hindi ko pinansin. Naupo ako sa kinauupuang sofa ni Sofie pero may kalayuan dito. Habang nakaharap sa dalawang babae.
"Napag-usapan na namin ang theme na gusto ni Miss Sofie. The design, food, and the flow of the event." Saad ni Jennica.
"We still didn't discuss yet about the souvenir, invitation and other stuff." Dagdag naman ni Heart.
"May gusto ka pa bang idagdag or ipabago? Pwede nating i-discuss ulit ito pa--------
"No. Okay na iyon. We won't change anything on what we talked about." Pagputol agad ni Sofie sa sasabihin ni Jennica.
Napalingon naman sina Jennica kay Sofie.Tsk. Bastos talaga ang babaeng ito.
"Don't mind my sister." Isang plastik na ngiting saad ko sa mga ito. "Just tell me the things that my sister want." Saad ko rito na tinanguan ng dalawa.
"Huwa------
"Don't worry hindi ko babaguhin ang napag-usapan nyo na. Gusto ko lang malaman ang plano mo para sa party." Pagputol ko sa sasabihin nito. Inismiran lang ako nito bago sumandal sa likuran ng sofa at nag-crossed arms. Tsk.
"Okay Miss Real. So, here is the layout for the design and theme of the party that Miss Sofie's choose." Pag-uumpisa ni Heart habang iniaabot naman ni Jennica ang mga papel na may litrato.
Dumating ang dalawa kong maid at ipinatong ang meryenda sa lamesa para sa bisita. Nag-umpisa na muli silang magsalita tungkol sa mga napagpasyahan ni Sofie. Tulad ng sinabi ko ay wala akong binago miski isa sa gusto nito. Well, Sofie has a taste and class for hosting a party. Kaya sumang-ayon ako sa nais nito. Hindi naman kasi makakasagabal ito sa pinaplano ko kaya wala akong dapat ikabahala. Ang kailangan ko lang ay malaman ang flow ng party.
"So, how many invitations we gonna print?"
"We'll just update you for that. Pag-uusapan pa namin yan ni Dad. Since maraming importanteng tao ang dadalo." Ako agad ang sumagot sa tanong ni Jennica.
Pagkatapos namin mapag-usapan ang tungkol sa party ay inanyayahan muna namin silang mananghalin lalo na at ala una na ng hapon. Ang dami kasi naming pinag-usapan at mukhang magiging hands on ang bruha sa party dahil gusto nito ay walang mangyaring kapalpakan. Tsk. Hindi nya alam na sya mismo ang papalpak sa mismo nyang party na pinaghahandaan.
Pagkatapos ng pananghalian ay pinag-usapan naman namin ang gown at program ng party. Sila na kasi ang bahala sa lahat. Simula sa design, cater, event place, program, gown, invitation at lahat ng kakailanganin para sa party. Full package ika nga.
"What? Bakit pati gown kailangan pang magkatulad?" Maarteng saad ni Sofie.
"Tsk. It's fine with me kung hindi kami magkatulad ng design ng gown." Sabad ko naman. Tsk. As if namang gusto kong makatulad ng damit na isusuot nya.
"Sorry po pero iyon po kasi ang gusto ni Mr. Real." Saad ni Heart.
"Kakausapin ko nalang si Dad para sabihing hindi namin napagkasunduan ni Sofie na pagtularin ang isusuot namin."
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
Storie d'amoreI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...