“Are you okay?” Tanong muli ni Dwayne sa akin ng hindi ako umimik. Pilit akong ngumiti at tumango rito. Hindi na ito nangulit sa akin bagkus ay nginitian nya ako at hinaplos ng isa nyang kamay ang pisngi ko. “Nandito lang ako.” Saad pa nya na para bang alam nya na hindi ako ayos ngayon.Masuyo akong hinila ni Dwayne paliban pero ng maramdaman nya ang pag-aalinlangan ko ay inakbayan nya ako. “If you’re afraid just close your eyes and let me be your guide.” Sa sinabing iyon ni Dwayne ay ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paghakbang nito na syang sinabayan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakaliban habang akay – akay ako nito, napansin ko nalang ang pagtigil namin sa paglalakad. Iminulat ko ang mata ko at nakita na magkaharap na kami nito. Ayos narin ngayon ang tibok ng puso ko. Hindi na ako kinakabahan tulad kanina.
“Nasaan ang sasakyan mo?” Itinuro ko naman ang pulang sasakyan ko na ‘di kalayuan sa kinatatayuan namin. Muli na ulit ako nitong hinatak papunta sa sasakyan ko. Nagulat pa ako ng pasakayin ako nito sa passenger seat at sya ang naupo sa driver's seat. “Saan tayo pupunta?” Nakangiti nyang tanong ng ini-start nya ang makina. Kahit naguguluhan ako dahil sasama sya sa akin ngayon ay sinabi ko ang address ng restaurant.
“Salamat Dwayne.” Saad ko rito ng tumigil na ang sasakyan namin. Hinalikan nya lang ako sa noo tsaka tinanggal ang seatbelt ko ng nakangiti. Bumaba sya at binuksan ang pintuan sa tabi ko.
“Pinuntahan talaga kita sa bakeshop. Mabuti nga at ng dumating ako saktong nakita kita na palabas sa Shop.”
“Paano ang trabaho mo? Maaga pa ah.” Tanong ko rito.
“Tinapos ko na para lang masilayan ka.” Sabay kindat pa nito. Tsk. Napakahusay talaga nitong bumanat.
Pumasok na kami sa loob at nadatnan ko agad ang dalawang babae na ka-meeting ko. Ito ang unang beses na makakaharap ko sila ng personal pero dahil sikat silang dalawa ay kilala ko na agad sila sa mukha. Nang makalapit kami sa table na inookupa ng mga ito ay tumayo rin sila agad.
“I’m sorry for being late.” Hingi ko ng paumanhin sa mga ito. “I’m Richie Real.” Pakilala ko rito. “And this is Charlie Taipe.” Pakilala ko kay Dwayne.
“We also just got arrived here. So, no worries.” Nakangiting saad nito. “Anyway, I’m the Editor-in-Chief of the official newspaper of the Manila Gazette, Icha Mendoza at your service Miss Real.” Nakipagkamay ako rito gayon rin si Dwayne. Bumaling naman kami sa kasama nito.
“Nylanie Buenavidez, the News Anchor in the KBS Broadcasting Company.” Pagpapakilala ng kasama nito sa amin, inilahad naman nya ang kamay nya na syang tinanggap ko naman gayon rin ni Dwayne. Naupo na kami ni Dwayne sa harapan ng dalawa. Um-order muna kami bago nag-simulang mag-usap.
“So, what can we do for you?” Nakangiting panimula ni Icha.
“It’s just a very simple thing to do.” Nakangising saad ko. Napangiti naman ang dalawa sa sinabi ko.
Inumpisahan ko na nga ang plano ko laban kay Sofie. Sinabi ko ang nais kong mangyari sa ilalabas nilang balita sa mismong araw rin ng kaarawan ko. Instead of announcing that Sofia is a Real kabaligtaran ang mangyayari. Isang blind item ang ipapalabas at ipapalathala ko. It won’t hurt her that much but I doubt kung ni isa sa mga tao ay hindi malalaman na sya ang tinutukoy sa balita. Nagbigay rin sila ng suhestyon dahil mas alam nila ang kalakaran sa kanilang trabaho.
“This will be a huge scandal for them as your family are well known in the Business Industry.” Komento ni Nylanie.
“Well, that’s what she gets when she started this game.”
“Remind me not to get you angry.” Nagkatawanan naman kami sa sinabi ni Icha.
“We’ll just need to add some chili to the meal to make the news even hotter.” Dagdag naman si Nylanie habang may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
Roman d'amourI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...