Chapter 29

141 22 0
                                    


Umuwi ako ng bahay para magpalit ng damit, 2:00 pm na nang hapon ng makarating ako, nagpahatid lang ako sa driver ni Dad pauwi sa Mansion.

“Oh hija? Naka-pananghalian ba kayo ng Dad mo?” Bungad ni Manang sa akin na lalong nagpainit ng ulo ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko kaya hindi ko sya pinansin at tumaas ng walang pasabi. Tsk. Naiirita ako kapag naaalala ko ang kagaspangan ng bunganga ng babaeng iyon. Ang kapal ng mukha nya!

Nagpahinga lang ako saglit at naligo ulit. Lumabas ako ng bathroom ng naka bath robe. Humahanap ako ng dress na pwede kong isuot para sa panunuod ng basketball ng ungas na iyon. Tsk. Baka sakaling mawala ang pagkairita ko kapag napanuod kong maglaro si Dwayne ng basketball pero nababadtrip rin ako sa lalaking iyon. Bwisit! Wala ng magandang nangyari ngayong araw! Humupa narin ang galit na nararamdaman ko kanina at ngayon ay simpleng pagkairita nalaang iyon.

Habang naghahanap ako ng isusuot ay biglang tumunog ang phone ko na nasa side table ng kama ko. Agad akong lumabas ng walking closet ko dahil baka tinatawagan ako ni Dad, hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanya kanina na uuwi na ako. Sabagay wala rin naman akong balak na harapin sya ngayon.

Tiningnan ko kung sino ang caller at napataas ang kilay ko ng makita na si Dwayne ito. Tsk.

“What?” Masungit na bungad ko dito.

“Mukhang walang sa mood ang love ko ah.” Malambing nitong saad. Paanong hindi ako maiirita sa kanya, eh tatawag lang sya kung kailan nya magustuhan.

“Tsk.” Wala akong masabi dito dahil ng marinig ko lang ang boses nitong naglalambing ay parang napawi agad ang inis na nararamdaman ko dito. Napakarupok!

“Why? Namiss mo ba ako?” Naiisip ko ang itsura nya na nang-aasar sa akin. "Kasi ako, namiss kita." Dugtong pa nya. Tsk. Kung namiss mo ako hindi aabot ang tanghali na hindi mo ako tinatawagan o tinetext man lang. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako naiinis dito.

“Ewan ko sayu! Humanap ka ng kausap mo!” Bulyaw ko dito.

"Love naman, bakit kaba nagagalit?"

"Bwisit ka! H'wag mo akong tawaging love!"

"Love, may problema ba? May nagawa ba akong hindi maganda? Sorry na." Nahihimigan ko ang pagkataranta nya sa pagsasalita at mukhang nag-aalala sya.

"Tsk! Naiinis ako sa'yo!" Pagsasabi ko ng totoo.

"Bakit love? Did I do something wrong? Sor-----F*cksh*t!" Hindi na nya natapos ang sasabihin ng may narinig akong maingay sa kabilang linya bago pa naputol ang tawag nito. Ano iyon? Oh God! Ba't hindi ko agad napansin na medyo maingay ang kabilang linya dahil nagmamaneho ito? Nasa kalsada si Dwayne habang kausap ako! Kumabog ng mabilis ang puso ko, kinakabahan ako.

Tinawagan kong muli ang number ni Dwayne pero patay na ang phone nito. Shit! Bigla akong nag-alala at kinabahan kung anong nangyari kay Dwayne.

God! Anong gagawin ko? Napaupo ako sa gilid ng kama ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong matawagan dahil hindi ko naman alam ang number ng mga kaibigan nya o ng pamilya nya. Pero alam kong kahit tawagan ko sila ay hindi naman nila alam kung anong nangyari kay Dwayne! Shit! Fuck!

Ilang minuto na akong naglalakad pabalik balik sa kwarto ko. At nananalangin na sana ay okay lang si Dwayne. Kapag may nangyaring masama sa kanya lagot sya sa akin! Tsk.

Napapitlag ako ng magring muli ang phone ko. Halos kinse minutos ang lumipas. Dali dali kong kinuha ito at maluha luha ng makitang si Dwayne ang natawag.

"What the hell happened to you? You bastard! I'm really worried!" Bungad ko agad sa kabilang linya.

"Sorry Angel, muntik ko ng masagasaan yung asong biglang lumiban e. Maigi nalang nakapagpreno agad ako. Bumaba pa ako para i – check kung okay ito. Nag sorry na------" Paliwanag nito na syang ikinahinga ko nang maluwag.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon