DWAYNE's POVDumaan ang Biyernes at Sabado na hindi ko nakikita si Angel. Tuwing magdadala ako ng cupcakes sa Mansyon ay lagi itong tulog. Inabala ko nalang ang aking sarili sa Opisina ng mga nagdaang araw. Kahit kasi i-text ko ito ay hindi naman sumasagot at kung tatawagan naman ay nakapatay ang phone nito.
Nag-aalala na talaga ako sa kanya, kaya ngayong Linggo ay napagpasyahan kong pumunta ulit sa bahay nila para bisitahin ito. Sa pagkakataong ito balak ko ng hintayin na magising sya.
Pinapasok ako agad ng guard sa Village nila. Nang makarating ako sa Mansion ay sinalubong ako ng ilang katulong. Dahil sa pagdalaw ko ng ilang beses dito ay nakilala ko na ang mga ito. Si Elena at Maricris ang sumalubong sa akin.
"Wala po kayong dalang cupcakes?" Bungad sa akin ni Elena.
"Hindi na ako nakapagbake dahil dito agad ako dumiretso galing sa office. Gising ba sya?" Tanong ko dito habang inihahatid ako nito sa kanilang living room.
"Gumisng po sya kaninang umaga pero natulog po ulit sya." Sagot naman ni Maricris. Nakaupo na ako ngayon sa mahabang sofa habang nakatayo ang mga ito sa harapan ko.
"Nag-aalala na po kami, yung cupcakes nyo lang po kasi ang kinakain nya e." Mas lalo akong nag-alala para kay Angel. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon. Akala ko ay nagkukulong lang ito sa kwarto nya pero hindi pa pala ito kumakain ng ayus. Pagpumupunta kasi ako dito ay iniiwan ko na agad ang dala ko dahil nga tulog ito.
"Ayus lang ba kung umakyat ako sa silid nya?" Tanong ko na agad naman tinanguan ng dalawang katulong. Tumayo ako mula sa pagkakaupo pero bago pa ako lumakad ay nagtanong muli ako. "Nasaan nga pala si Tito Richard?"
"Nandito rin po, nasa Opisina nya po. Kahapon pa po sya hindi pumapasok sa Opisina dahil nga po kay Miss Real."
"Pwede bang doon mo muna ako ihatid?" Kumunot naman ang noo nito pero tumango din ito agad. Inihatid nga ako ng dalawang katulong sa Opisina ni Tito.
"Mr.Real, nandito po si Sir Charlie." Nag-angat ng tingin si Tito Richard sa amin. Bahagya nyang tinanguan ang katulong bago ang mga ito lumabas. Pumasok ako at naupo sa sofa.
"Anong kailangan mo, Hijo? Tanong agad nito at naupo sa harapang upuan.
"Bibisitahin ko lang po ang inyong anak."
"Then why do you need to see me?"
"Kami na po ni Angel." Sagot ko agad at biglang natahimik ang matanda pero agad din namang ngumiti.
"Walang problema iyon sa akin, Hijo. Alam ko namang gusto ka ng anak ko."
"Salamat po." Bumuntong hininga ito at nagsalitang muli. Halata sa mga mata nito na kulang ito sa tulog.
"Kailangan ka nya ngayon, Hijo. Dumalaw na rin sina Chloe pero hindi parin nila napapayag si Angel na kumain. Kahit ako ay nahihirapan na sa sitwasyon namin pero hindi ako pwedeng magpakalugmok dahil may kompanya akong pinapatakbo at empleyadong sinuswelduhan. Sana ay mahikayat mo ang anak kong kumain kahit papano. Baka may mangyaring masama sa kanya, Hijo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Alam kong kasalanan ko ito pero hindi ko ito ginusto."Saad nya na parang gusto nang sumuko. Hindi ko alam ang buong kwento pero base sa nakita ko noong gabing iyon ay may kinalaman dito si Sofia.
"H'wag po kayong mag-alala. Kilala ko po si Angel. Alam ko pong hindi sya ang taong susuko nalang basta. Sana ay ganun rin po kayo. Sana ay maayus nyo po ang di nyo pagkakaunawaan." Ngumiti ito ng pilit sa akin.
"Salamat, Hijo."
"Okay lang po bang tumaas ako sa silid nya at doon sya hintaying magising? Balak ko po syang ipagluto ngayon."
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...