RICHIE’s POV
Napatayo ako sa pagkakaupo dahil may naririnig akong kumakatok sa pintuan. Sh*t! Paano na ito? Paano kung bigla nalang nilang buksan ang pintuan? I know ladies room to pero nag-aalala parin ako sa mga taong makakakita ng sitwasyon ko ngayon.
“Richie! Andyan kaba sa loob?” Bigla akong natigil sa pag-iisip ng kung anu – ano ng may marinig ako na pamilyar na boses mula sa labas. Nabuhayan ako ng loob dahil mukhang may dumating na tulong.
“Yes! Please help me, someone stole my dress!” Sigaw ko mula sa loob.
“Don’t panic, I already get your dress. Iiwan ko rito ang paper bag sa pintuan. I’m gonna wait you in the hallway. Just make it fast dahil susunod kana sa magpeperform.”
“Really? Thanks!” Sagot ko mula sa lalaking nasa labas pero wala na akong narinig na response mula dito.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pintuan agad ko namang nakita ang paper bag ko sa labas na naglalaman ng red dress ko Nagtaka ako dahil may ilang dahon na nakasama mula sa damit ko. Ipinagpag ko ito at isinuot agad. Wala na akong choice kundi isuot ito. Bahala na kung saan man nya ito napulot basta ang iniisip ko nalang ngayon ay kailangan ko ng magmadali.
Inilugay ko nalang ang buhok ko at humarap sa salamin. Hindi na ako nakapagmake up o kahit kaunting lipstick man lang. Mabuti nalang ay maayus pa naman ang pagmumukha ko at natural na mapula na ang labi ko. Agad akong lumabas ng CR. Please! Sana hindi pa ako huli!
Tatakbo na sana ako ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan.
“Jiro?” Akala ko pa naman--- napailing nalang ako sa iniisip ko. Ang mahalaga ay may tumulong sa akin.
“Okay ka lang ba Richie?” Nag-aalala nitong tanong. Tumango ako dito.
“Yup.” Ngumiti ako para hindi na sya mag-alala pa. “Thank you Jiro.” Hindi ko alam kung anon mangyayari sa akin kung hindi sya dumating. I’m really scared.
“Don’t worry I won’t let anyone hurt you.” Hinawakan pa nya ako sa braso pagkasabi nya noon.
“Richie!” Napalingon kami sa sumigaw. Si Kervin kasama si Dwayne. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nakatitig sya sa akin at seryoso na naman ang mukha nya. Naramdaman ko na naman yung kirot sa puso ko dahil sa mga sinabi nya kahapon.
“Dalian mo na dahil ikaw na ang susunod!” Sabi ni Kervin mukhang hindi na ito mapakali dahil ako na ata nag magpeperform.
“Sorry pero may nangyari kasing hindi maganda.” Sagot ko dito. Lumingon ako kay Jiro. “Mauuna na ako Jiro. Thank you talaga. I don’t know how I can pay you.” Napangiti ito sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan na tutulungan pa nya ako sa kabila ng pagiging maldita ko sa kanya.
"No, it's ok------
“Halika na!” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ni Jiro dahil may humatak na sa akin palayo dito. “Let’s run para makaabot ka sa pagpeperform.” Hindi na ako umalma pa at sabay na kaming tumakbo nito papunta sa theatre.
Nakasalubong pa namin si Nickie sa pagpasok namin sa loob. At mukhang tama ang hinala ko dahil sa reaksyon nya na nagulat ng makita ako. Nilampasan lang namin sya, siguro ay bago ko nalang sila harapin.
Nakahawak parin si Dwayne sa kamay ko habang papunta kami ng backstage.
“Jusko Richie pinakaba mo kami! Mabuti nalang at hindi pa tapos itong banda ng kabilang department.” Kitang kita ang pagkastress ni Eeycee. Kung alam lang nya ang nangyari sa akin ngayon. Pati ako ay kinabahan din.
Lord! Maraming salamat talaga! Huminga ako ng malalim bago kinuha kay Eeycee ang violin ko.
“Sorry.” Sagot ko dito.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...