“Miss Real, pinapababa na po kayo ni Mr. Real.” Napatigil lang ako sa paglalakad ng pabalik balik ng pumasok ang dalawa kong katulong sa kwarto ko.“Susunod na ako.” Sagot ko rito tsaka naglakad ulit ng pabalik balik sa harapan ng kama ko.
“Okay lang po ba kayo, Miss Real?” Huminga ako ng malalim bago ako humarap muli dito.
“Anong gagawin nyo kapag may ginawa kayong hindi ikatutuwa ng boyfriend nyo? Sasabihin nyo pa ba ito o isisikreto?” Tanong ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali dahil sa ginawa ni Kira. Natatakot akong malaman ito ni Dwayne at pag-awayan namin pero baka mas lalong lumala ito kapag hindi ko sinabi.
“Ano ho bang ginawa nyong hindi ikatutuwa ni Sir Charlie?”
“N-no!” Sigaw ko rito na ikinagitla nila. “I mean it’s about my friend.” Saad ko agad sa kanila.
“Ah.” Sagot ni Jolie. “Ano ho bang ginawa ng kaibigan nyo na hindi ikatutuwa ng boyfriend nya?” Tanong pa nito.
“Do I need to tell you about the details?” May pag-kairita sa boses ko habang sinasabi ko iyon.
“Alam ko na!” Bulalas ni Josefa na ikinalingon namin dito. “Pangunahing dahilan lang naman ng pag-aaway ng magkarelasyon ay third party.” Saad nito.
“Ibig ho bang sabihin Miss Real, may kinatagpo bang ibang lalaki ang kaibigan nyo?” Muntik na akong mabilaukan ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni Jolie.
“Hindi ak--- I mean hindi manloloko ang kaibigan ko! Hindi nya ginustong lapitan ng lalaking iyon.” Nagkatinginan ang dalawa sa inakto ko. Mukhang naguguluhan sila sa inaasal ko ngayon. Tsk.
“Okay Miss, ganito ang magandang gawin.” Saad ni Jolie kaya hinintay ko ang pagpapayo nito. “Kung sa akin Miss, hindi ko na sasabihin pa. Bakit? Kasi sinabi nyo nga hindi naman pala ginusto ng kaibigan nyo na lapitan sya nung lalaki kaya wala syang dapat ipangamba dahil wala naman syang ginagawang mali.” May point pero hindi lang naman basta paglapit ang ginawa ng lalaking iyon sa akin. Tsk. “Isa pa Miss baka iyan pa ang pag-ugatan ng pag-aaway nilang mag-karelasyon. Baka mauwi iyan sa hiwalayan.”
“No! Hindi pwede!” Bigla kong hiyaw na ikinagitla nilang muli. Mukhang nawi-weird-ohan sila sa pagiging OA ko. “I mean hindi sila pwedeng maghiwalay.” No! Hindi ako papayag na maghiwalay kami. “Tama! Hindi nya dapat ipaalam ang nangyari.” Tumango naman si Jolie habang nakangiti.
“Nako Miss, mali iyan.” Umiiling na saad ni Josefa. “Kung gusto nyo ng matatag na pundasyon ng isang relasyon, kailangan nyong maging tapat sa isa’t-isa. Hindi makatutulong ang pagtatago ng lihim. Paano ka nya pagkakatiwalaan kung yung simpleng paglapit sa’yo ng lalaking iyon ay hindi mo masabi sa kanya?” Saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. God! Alam ba nyang ako iyon? Tsk. “Tsaka Miss walang sikretong hindi nabubunyag. Huwag mong hayaan na sa iba pa nya malaman ang tungkol doon dahil mas lalo lang kayong mag-aaway.” Dugtong pa nito na ikinalunok ko. God! Parehas silang may punto pero mas naguguluhan ako ngayon. Shocks! Ano bang dapat kong gawin?
“Oy! Kaibigan ni Miss Real yun, makapagsalita ka parang si Miss ang pinapayuhan mo ah.” Untag ni Jolie kay Josefa. Natawa lang ito sa kanya.
“Miss, sumunod na po kayo sa baba para ho makakain na kayo.” Bagkus ay nakangiting saad ni Josefa sa akin. Yumukod ito at hinila na si Jolie palabas.
Napaupo ako sa paanan ng aking kama. Ano bang mas magandang gawin? Ikimkim ito kay Dwayne o sabihin ang nangyari? Hindi ko naman iyon ginusto kaya wala akong kasalanan. Wala lang iyon sa akin kaya ayos lang siguro na hindi ko na sabihin sa kanya. Okay lang ba talaga?
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
Storie d'amoreI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...