Chapter 58

113 23 0
                                    

Hindi na ako lumabas ng kwarto ko dahil tinawagan ako ni Secretary Min. May pinasa itong document through email na kailangan kong aralin. Kaya naging abala ako sa harap ng aking laptop. Bukas kasi ay Sabado na at sa darating na Lunes ay balik eskwela na naman. Hindi na muna ako papasok sa Opisina pero kailangan ko paring malaman kung ano ang mga nangyayari sa Kompanya.

Nang maghapunan na ay nagpadala nalang ako ng makakain sa katulong ko. Ipinaalam din ng mga ito sa akin na nakauwi na ang mga alipores ni Sofie. Pagkatapos kong gawin ang mga kailangan ko ay natulog narin ako.

Kinabukasan maaga akong naligo at nag-ayus para pumunta sa Fernandez Clinic. Nagsuot lang ako ng pants at T-shirt. Bumaba na ako at naghintay sa salas para sa pagdating ng pinsan ko.

"Miss Real, may lakad ba tayo?" Nagtaas ako ng paningin ng makita si Kira sa harapan ko. Naka ripped jeans at polo shirt. Halatang nagmadali ito dahil basa at magulo pa ang buhok nito na hindi naman nakabawas sa kagwapuhan nya.

"May lakad ako at si Louie ang kasama ko." Sagot ko dito pero kumunot ang noo nito.

"Bakit?"

"Anong bakit? Kailangan bang ipaalam ko pa sa'yo kung saan ako pupunta?" Nakataas kilay kong saad. Umiwas ito ng tingin at basta nalang ako tinalikuran. Tsk.

Dumating na rin si Louie at umalis na nga kami.

"Kamusta na nga pala si Chloe?" Tanong ko rito habang nasa byahe kami.

"Hindi ko pa ulit sya nakikita Last December pa kami huling nagkasama." Sagot nito habang ang paningin ay nasa daan.

"Ganun ba? Hindi ko na sya nakakausap huli nyang tawag ay noon pang bagong taon." Mukhang busy ang kaibigan ko. Tsk.

"Maybe she's busy with something." Napangisi nalang ako ng mahimigan ko ang pagtatampo sa boses nito.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami ng Clinic. Hindi ko na sinama si Dwayne dahil masyado ko na syang naaabala. Ang alam ko ay kararating lang din ng Parents nya.

"Can I have the result in less than three weeks?" Nasa loob na kami ng office ni Dra. Nepomuceno.

"We'll try to finish that in two weeks, Miss Real." Nakangiti nitong saad sa akin.

"Great." Nakangiting saad ko dito.

Pagkatapos naming makausap at maibigay ang DNA sample ay umalis narin kami agad. Inabot na kami ng tanghali sa labas kaya nagyakag si Louie na kumain muna. Hindi narin ako tumanggi dahil gutom na rin naman ako lalo na at hindi ako kumain ng umagahan.

"Kamusta ang butler mo?" Tanong nito sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Good but a bit weird."

"Richie." Nag-angat ako ng paningin dito at nakitang seryoso syang nakatingin sa akin.

"What?"

"Don't put your trust in him." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Why not?"

"Because I told you so."

"May alam kabang hindi ko alam?" Nagbaba ito ng paningin.

"I just don't like that guy."

"Tsk." Ayaw ko rin naman sa lalaking iyon pero gusto sa kanya ni Dad.

"Listen to me, okay?" Something is off with my cousin. Kung may ayaw man syang tao na umaaligid sa akin sya ang gagawa ng paraan para lumayo ito ng hindi nagsasabi sa akin. "Hanggat maari layuan mo sya." Tumango nalang ako dito, ayoko rin namang mapalapit kay Kira.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon